Parang Kailan Lang

screenshot_52

More or less 5 years na yata ang huling nagkasama-sama kaming mag-iina na lumuwas ng Manila. Netong mga huli, kadalasan si Keziah na lang ang lagi ko nakakasama sa biyahe at laging nagpapaiwan sa bahay yung bagets kong lalaki. Hindi ko naman mapilit noon kasi nga nagbibinata na at ayaw na sumama o bubuntot-buntot sa nanay. Teenager na kaya mas gusto pa nya ang maiwan sa bahay at magpaka-adik sa online games. Hinahayaan ko na lang kasi gusto rin nya yung nagiging independent sya paminsan-minsan.

Ngayon, kumpleto kaming bumiyahe para makilanghap sa polluted na hangin ng Manila. Makikikain ng noche buena sa bahay ng bunso kong kapatid. Makikipasko.

Napaaga ang dating namin sa airport ng Cagayan De Oro noong isang araw kaya ang tagal namin na nakatambay sa pre-departure area, siguro mga 2-3 hours din kaming naghintay ng flight namin bound for Manila. Parang nakakapanibago sa akin ang biyahe namin na ‘to kasi malalaki na ang mga kasama kong mga anak na dati-rati eh akay akay ko o karga-karga ko tuwing may biyahe kami. Ngayon parang ako na ang pwede nilang kargahin. Lol.

Parang kailan lang sa magkabilaan na hita ko sila nakaunan, tulog habang nasa biyahe. Ngayon, ibang iba na and as ive said, nakakapanibago. Parang mas enjoy ngayon kasi nakaka-kwentuhan ko na sila ng seryoso. Nagkakabiruan na kami. Parang mga barkada ko nga lang ang mga kasama ko. Tawanan. Kilitian. Halakhakan. Asaran.

Hindi naman nila pers taym na bumiyahe ng eroplano pero mas napansin ko ngayon na mas observant sila sa mga nangyayari sa paligid. Parang gusto nila tandaan ang mga ginagawa namin habang bumibiyahe. Kanya-kanya kaming bitbit ng mga bagahe namin. Sadyang marami talaga ang naituturo ang pagbibiyahe. Isa ‘to sa mga leksyon sa buhay na hindi naituturo sa loob ng school classroom – ang exprerience.

Next year, college na si Kevin. Umpisa na ng pagbubukod nya sa amin. Mga apat na taon pa siguro mula ngayon, si Keziah ko naman ang magko-kolehiyo. Waaaaahhh! At maiiwan na ako mag isa. Huhuhu!


8 thoughts on “Parang Kailan Lang

  1. bakit, sa maynila ba sila mag college? kaya nga ngayon pa lang e enjoy na enjoy na bitbit ang mga bata kahit saan, kahit nga sa kama nakabuntot rin sila eh, hehe… maligayang pasko!

    kengkay’s last blog post..Beinte Lang

    MARU: mamikengggg! korak! make the most of it habang maliliit pa ang mga kiddos mo. minsan lang sila bata. maligayang pasko, mamikeng!

    [Reply]

  2. naku, magkokolehiyo na ang boylet mo, mangangamba ka na sa mga chiching nyan lols 😆
    sarap kantahin yung sa comm’l ng MCdo…
    pana panahon ang pagkakataon..maibabalik ba ang kahapon…. 😀

    maru maru xmas sayo :-*

    MARU: hay naku mine, may gf na nga eh. pero ok lang..cool naman ako eh. well, sooner or later…kakawala na rin yan sa kwadra ko.

    meri kristmas to you dear..tsaka sa batibot mo. 😀

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *