My 2008 Starbucks Planner

starbucks planner2

Finally, nakakuha din aketch. Sigurado ko meron na rin neto ang sosyal na si Johannes a.k.a Pinoy Jetsetter dahil sabi nga nya eh halos isabaw na nya sa kanin ang kape ng Starbucks para makumpleto lang nya ang stamps na kelangan para makakuha netong planner.

Starbucks 2008 Planner

Pero uunahan ko na sya ng pag post ng pics para may pang update ako na entry ng blog ko na paminsan-minsan ko na lang nasisilip ngayon dahil nakikisingit lang ako sa paggamit ng ‘pyuter.

 

starbucks planner

Mabuti na lang meron din akong Franz na pamangkin na nagsasawsaw ng pandesal sa kape ng Starbucks (ang sosy!) kaya kahit hanggang Nescafe 3-in-1 instant coffee lang ang afford ng pilyang tita nya eh nagkaroon din ako ng planner. Siempre bigay lang nya sa akin ang planner. Salamat, Franz langga!

Starbucks planner 2008

Bronze ang ring binder nya. At gustong-gusto ko ang cover… cocoa brown leather. Ang lambot. Balita ko gawa daw ‘to sa purong balat (ng etits ng lalaki!!!). Gandaaa! Kaya ang sarap-sarap himas-himasin eh. Bwahaha! Joke!

starbucks 2008 planner

** photos via Flickr

Nai-type ko lang sa itaas ang word na “etits”, bakit parang sumakit ang ulo ko? Nyahaha! Siempre pa-epek lang ang kuha ng piktyur ko.

Happy New Year to everybody!

9 thoughts on “My 2008 Starbucks Planner

  1. you’re welkam. kung alam mo lang, na halos nerbiyosin ako dahil lang sa planner na yan! was already planning to give u that actually. kahit di ako mahilig sa kape, ayan, nakumpleto ko lahat. kahit di ako lumalabas ng maaga, nakakapunta na lang ng starbux para lang makadouble sticker, hehe. at kahit di ko gustong tumambay dun para mag-aral, ayun nagawa ko… dinamay ko pa mga classmates ko, haha

    nakakatawa ang last 5 stickers, ininom ko yun in one afternoon. ikaw kasi di ka man lang nakipagkita sa kin. eh naisip ko kailangan kong makumpleto before ako umalis… tuloy, di ako nakatulog nang gabi, kaya super tulog ako sa flight, haha

    nways, ur worth it… special ka kasi eh 😉

    Francis’s last blog post..I Am A Phoenix

    MARU: awww yun ba yun? akala ko kumpleto na ang stamps nun. eh kasi naman nung iniimbita mo ko eh may jetlag pa ako. bwahaha! di nga, masakit talaga ulo ko nung inimbita mo ko. nways, maraming salamat pa rin. intayin ko pagbalik mo…maghihiganti ako. mag inuman tayo sa starbucks. hahaha!

  2. Wow! 😯 Starbucks planner! ang swerte nyo po ate maru!!!! aaaah! hanggang sa jollibee planner lang ako eh.. 😆 congrats po sa planner! bait din po ng pamangkin nyo. ;-)!
    weng’s last blog post..Haba ng break.. 7 days?! lol

    MARU: uy wag ka, bibili din ako nung planner ng Jabi. bigay lang naman ‘to weng. eh alam mo naman na walang starbucks sa bansa natin di ba? hehehe!

  3. talaga naman. daig pa ng nausong bottomless drinks sa burger king ang kinahinatnan ko kagabi. hindi na halos ako umalis sa counter kakaorder. tuwang-tuwa ang mga barista. galit na galit naman ang tiyan at mga ugat ko. kape na ang dugo ko ngayon. Type F+ for Frappe. Isang baso na lang. Taob na ako. Isang baso na lang. Quota na.

    Humanda kang planner ka. susulitin ko ang bawat pahina mo!!!

    MARU: alanya! lakas ng tawa ko sa Type F+ mong dugo. Hahahaha! Nakow! nauna pa pala ako sau. Naisip ko talaga na nakakuha ka na. Well, isang baso na lang pala.
    Natatawa nga din ako sa sarili ko kasi mula nung nakuha ko yung planner…parang wala akong maisip na maisulat. parang ayaw ko sya sulatan o guluhin. hahaha! ang OA ko talaga.

  4. ako chipipay lang ang planner ko kasi panget ang handwriting ko e, heheh. happy new year, maruuuuu 😀

    kengkay’s last blog post..Ayoko ng Away

    MARU: mamikeng naman….wala naman yun sa handwriting eh. may planner na nga ako pero parang mas gusto ko pa rin magsulat sa mga scratch paper imbes dun sa planner mismo. hahaha!

    Happy new year, mamikeng! lapit na ang februaryyyyy!

  5. haku nga, sinubukan ko pang suhulan yung crew ng starbux sa MOA, alang epek! nyahaha, 😆 di nmn kc ako madalas maka alis huhuhu, pano ko mag iiinom ng 24 na kape!!! waaaaaaaaaaaaaa

  6. Walang istarbaks dito sa amin pero may nangako sa akin na ikakape nya ako dun para magkaroon din ako ng planner, hindi ko pa lang alam kung may nabuo na ulit sya kasi ikatlong planner na yata yung para sa akin… ang tanong buhay pa kaya sya? ahahaha … nerbyosa na siguro yun ngayon waheheheh

    toingks’s last blog post..Happy New year 2008

  7. Pingback: M A R U I S M » 2012 Starbucks Planner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.