Finally, nakakuha din aketch. Sigurado ko meron na rin neto ang sosyal na si Johannes a.k.a Pinoy Jetsetter dahil sabi nga nya eh halos isabaw na nya sa kanin ang kape ng Starbucks para makumpleto lang nya ang stamps na kelangan para makakuha netong planner.
Pero uunahan ko na sya ng pag post ng pics para may pang update ako na entry ng blog ko na paminsan-minsan ko na lang nasisilip ngayon dahil nakikisingit lang ako sa paggamit ng ‘pyuter.
Mabuti na lang meron din akong Franz na pamangkin na nagsasawsaw ng pandesal sa kape ng Starbucks (ang sosy!) kaya kahit hanggang Nescafe 3-in-1 instant coffee lang ang afford ng pilyang tita nya eh nagkaroon din ako ng planner. Siempre bigay lang nya sa akin ang planner. Salamat, Franz langga!
Bronze ang ring binder nya. At gustong-gusto ko ang cover… cocoa brown leather. Ang lambot. Balita ko gawa daw ‘to sa purong balat (ng etits ng lalaki!!!). Gandaaa! Kaya ang sarap-sarap himas-himasin eh. Bwahaha! Joke!
Nai-type ko lang sa itaas ang word na “etits”, bakit parang sumakit ang ulo ko? Nyahaha! Siempre pa-epek lang ang kuha ng piktyur ko.
Happy New Year to everybody!
Tags: starbucks planner

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 










December 30th, 2007 at 12:03 pm
you’re welkam. kung alam mo lang, na halos nerbiyosin ako dahil lang sa planner na yan! was already planning to give u that actually. kahit di ako mahilig sa kape, ayan, nakumpleto ko lahat. kahit di ako lumalabas ng maaga, nakakapunta na lang ng starbux para lang makadouble sticker, hehe. at kahit di ko gustong tumambay dun para mag-aral, ayun nagawa ko… dinamay ko pa mga classmates ko, haha
nakakatawa ang last 5 stickers, ininom ko yun in one afternoon. ikaw kasi di ka man lang nakipagkita sa kin. eh naisip ko kailangan kong makumpleto before ako umalis… tuloy, di ako nakatulog nang gabi, kaya super tulog ako sa flight, haha
nways, ur worth it… special ka kasi eh
Francis’s last blog post..I Am A Phoenix
[Reply]
December 30th, 2007 at 12:16 pm
Wow!
Starbucks planner! ang swerte nyo po ate maru!!!! aaaah! hanggang sa jollibee planner lang ako eh..
congrats po sa planner! bait din po ng pamangkin nyo. ;-)!
weng’s last blog post..Haba ng break.. 7 days?! lol
[Reply]
December 30th, 2007 at 12:25 pm
talaga naman. daig pa ng nausong bottomless drinks sa burger king ang kinahinatnan ko kagabi. hindi na halos ako umalis sa counter kakaorder. tuwang-tuwa ang mga barista. galit na galit naman ang tiyan at mga ugat ko. kape na ang dugo ko ngayon. Type F+ for Frappe. Isang baso na lang. Taob na ako. Isang baso na lang. Quota na.
Humanda kang planner ka. susulitin ko ang bawat pahina mo!!!
[Reply]
December 30th, 2007 at 8:09 pm
ako chipipay lang ang planner ko kasi panget ang handwriting ko e, heheh. happy new year, maruuuuu
kengkay’s last blog post..Ayoko ng Away
[Reply]
December 31st, 2007 at 8:03 am
Happy New Year Maru!! Congrats at natupad ang wish mong magkaroon niyang starbucks planner, at di pa ikaw ang nagkanerbiyos kakainom ng kape! Haha!
God Bless!!
Kiko’s last blog post..Happy New Year!!
[Reply]
December 31st, 2007 at 2:24 pm
opo, walang starbucks sa bansa natin!
kc kung bibilhin sa ebay ang mahal
weng’s last blog post..Haba ng break.. 7 days?! lol
[Reply]
December 31st, 2007 at 9:53 pm
haku nga, sinubukan ko pang suhulan yung crew ng starbux sa MOA, alang epek! nyahaha,
di nmn kc ako madalas maka alis huhuhu, pano ko mag iiinom ng 24 na kape!!! waaaaaaaaaaaaaa
[Reply]
January 1st, 2008 at 3:09 pm
Walang istarbaks dito sa amin pero may nangako sa akin na ikakape nya ako dun para magkaroon din ako ng planner, hindi ko pa lang alam kung may nabuo na ulit sya kasi ikatlong planner na yata yung para sa akin… ang tanong buhay pa kaya sya? ahahaha … nerbyosa na siguro yun ngayon waheheheh
toingks’s last blog post..Happy New year 2008
[Reply]