On My Own Alone - And Enjoying It
Author: Maruja // Category: Humor, Inner-self, Life & Leisure, RelationshipPumunta ako ng Eastwood, Libis nung last Friday ng mag isa. Wala lang, napag tripan ko lang kasi wala ang mga bagets ko, isinama sila ng brader kong si Evan sa Discovery Science Theater ng Mall Of Asia.
Pag uwi ko nung gabing yun, akala ng mga kasama ko sa bahay ay galing ako nakipag date.Hmmn…mag isa lang kasi ako umalis. Hindi naman bago sa kanila yung umaalis ako ng bahay na mag isa at makipag-date. Dati pa naman kasi, pag andito ako sa Metro Manila ay madalas ay nasa galaan ako.
Well, May fafa pa kasi ako nun. Nung natapos yung 4-years relationship namin….nag mellow na rin ako at halos wala na akong gimik. Mga kapatid at relatives na lang ang madalas kong kasama lumabas. Sa tingin ko after nung huling relasyon ko, nag mature ako ng todo.
Hindi maiwasan may mga nangyayaring pagbabago talaga sa buhay. Kung dati rati ay may kasama ako lagi sa pamamasyal o sa galaan, ngayon ay natututo na akong mag solo. Honestly, I’m beginning to love my freedom… my being alone. Oo, I maybe alone…but definitely I’m not lonely. Somehow, I am good at doing things alone. Simple lang naman ang kaligayahan ko, if molaah is available, i shop alone. If I am starving and craving for food, i eat in restaurant alone. I think i am starting to enjoy my own company na talaga.
Teka, ano nga ba ginawa ko dun sa Libis nung biyernes? Hmmmn… nag ikot-ikot muna siempre. Na miss ko ang Libis kasi madalas din kami mamasyal nun ni ex ko sa lugar na yun kasi nga medyo malapit lang sa inuuwian ko. Ayayay! reminiscing mood? (insert Avril Lavigne’s When You’re Gone song here) Lols.
Napaupo at nag emote lang naman ako dito sa may tabi ng may fishpond. Inaliw ang sarili ng mag isa sa panonood ng mga pating fish . Opsss! tinext at ginudtaym ko nga din pala noon si Moo, bluffed him to the max that kunyari I saw his ex-gf sa Libis. At naniwala naman si mokong … sakay na sakay (naka front seat pa) sa pang gugudtaym ko. Pasok sa bulsa ko. At natataranta pa yata sa katatanong at kasasagot sa text ko. Bwahaha! Sorry Moo. Inuubos ko lang ang load ko nun at baka maabutan ng expiration ang unlimited text ko. Sayang di ba?
Tumambay ako saglit malapit sa mime na ‘to sa may tapat ng carousel. Hindi ako naaliw sa kanya. Naaliw ako dun sa mga batang naghuhulog ng coins sa money box para gumalaw sya. See, there’s always something to laugh or at least to smile at. Gustong gusto ko panoorin yung mga reactions ng mga bagets … yung ngiti at bungisngis nila at yung innocence ng face nila lalo pag gumagalaw ang taong-pilak na ‘to na para bang kating-kati at naiinitan ako sa costume nya. Tsk! hirap talaga kumita ng pera.
Naki-indak, nakisabay din ako sa pagkanta ni Joey Generoso ng Side A Band na tiempong may gig nung gabing yun sa park. Hindi ako marunong sumayaw pero naki-kembot na rin ako na parang retarded kahit mag isa lang ako. Hahaha! Nakakadala kasi yung tugtog at crowd. Ang saya!

Right after ng last song na kinanta ng Side A Band…eto ang naging side B ng event that night - fireworks display. Hayss…labs ko talaga manood ng fireworks.
Pics lang ang ipo-post ko kasi di ko ma-upload yung video eh. Lol.
Kahit nangangawit na leeg ko sa katitingala… hala! Press the video record ng digicam pa rin!
Siempre, piniktyuran ko rin sarili ko. Wahihi! Ay ang ng pangit ng reso ng selpon cam ko. Kakatakot! Parang ang laki-laki ng suot kong eyewear.
Kinabukasan, sabado. Bumalik ulit ako ng Libis pero kasama ko na ang dalawang bagets ko. Kasama ko na sina Kevin at Keziah. Sus, inabot kami ng hatinggabi sa kagagala. Siempre super-enjoy kaming mag-nanay.
Kitams, happiness is a life skill; it doesn’t just happen. Para sumaya, kelangan one must really work at it. Huwag na iasa pa sa ibang tao ang kaligayahan. Kung kaya mo naman maging masaya kahit mag isa ka, eh why not choc nut? Hindi kelangan magka bf or gf ka muna para sabihing, “i am happy”. Papaano mo naman makukuhang maging happy sa ka-relasyon mo kung sakaling magkaroon ka kung ikaw mismo o ang sarili mo ay hindi mo matutunang i-enjoy kahit mag isa.
Basta sa ngayon, I am on my own alone - and I’m enjoying it.
Green Questions from dNeero-ites
Tags: leisure

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 

















December 31st, 2007 at 12:02 pm
haay. i know the feeling sexy mama. antagal ko bago nagka-boypren. all my friends had boyfriends & i had no one. never ko na-feel na alone. i always enjoyed my own company. hehe. enjoy ako mag-browse sa bookstore alone, enjoy ako manood ng sine alone. enjoy ako mag-shop alone. ang hindi lang ako enjoy eh ang kumain alone.
after so many years of being alone, ngayon, nae-experience ko naman how to do things with someone else. someone who makes everything happier & nicer and i think a little better. kumbaga, natapos ko na ang alone time ko. i wish this time (na meron naman ako makaka-share sa mga bagay-bagay), forever ito. hehe.
sana sinama mo ko mag-libis. at nang sabay tayo nang-okray! remember yung mga nakita natin sa galleria? hahaha.
happy new year sexy maru!
antuken’s last blog post..20 questions
[Reply]
December 31st, 2007 at 2:04 pm
@ chonapie
mahirap kung tayo ang magkasama. madami tayo mao-okray. hayy..na miss ko tuloy tawanan natin… ang lakas at ang lutong mo pa naman tumawa.
may feeling ako na magsosolo talaga ako sa buhay kaya ngayon pa lang kelangan mag praktis na ako at matuto maging happy kahit solo.
ilang araw na lang magiging mrs. antuken ka naaaa! forever and ever na yan na may kasama ka. yeheyyy!
sa february o kaya sa summer pag nakabalik ako dito..kita-kits ulit tayo.
happy new year ulit!
[Reply]
December 31st, 2007 at 2:10 pm
meow sexy maru, you’re sooo right … i agree 201% sa lahat ng sinabi mo =)
may this new year adorn your life with many beautiful things and sweet memories to cherish forever. Wishing you life’s best this 2008! HaPpY nEw YeAr!!!!
pusa’s last blog post..happy new year
[Reply]
December 31st, 2007 at 2:21 pm
ate maru, parehas po kau ng mama ko.. tas, may bagets din nman po kau, kea masaya na rin kahit papano..
weng’s last blog post..Haba ng break.. 7 days?! lol
[Reply]
December 31st, 2007 at 9:39 pm
hapi new year mamaru! cheers to single but happy life ! :-*
[Reply]
January 2nd, 2008 at 9:18 am
syet…. english…..
move on already!!
defpotec’s last blog post..lost and found?
[Reply]
January 3rd, 2008 at 4:13 pm
nasa libis din pala ang side A nun? kakaperform nya lang sa may riverbanks..hehe! ibang klase lumagare..happy new year mareng maru! enjoy being single..andyan naman mga kids mo eh..it’s more than enough
[Reply]
January 5th, 2008 at 12:47 pm
HappY new year mama marU
!!!!
menggaY’s last blog post..Kamag-anak issue!!!
[Reply]