Matayog Na Adhikain

Author: MARU  //  Category: Uncategorized

5 tao lang kaming nakatira dito sa bahay ko at ang isa ay 2-year old boy pa lang pero ewan ko kung bakit meron kaming humigit-kumulang 20 pcs na mga totbras sa lagayan namin. Hindi ko malaman kung kani-kanino ang sandamakmak na panlinis ng ngipin ang mga yun. Eh alam ko naman ang mga ginagamit ng mga bagets ko kasi ako mismo ang bumibili ng totbras nila. Enways, pinagtatapon ko ang mga luma at unidentified totbras kanina.

Pero may isang bagay akong napagtanto din kanina (lech! napagtanto! so deep is my tagalog). Never pa pala ako nakaubos ng isang tube ng toothpaste sa buong buhay ko. Hindi ko sinasabing dahil sa asin ang ginagamit kong toothpaste o hindi ako nagba-bras ng ipen ko. Na-realize ko lang na, oo nga ano, it’s either na ibang tao ang nakakaubos ng toothpaste na gamit ko o kaya nawawala na lang ‘to at kelangan ko bumili ulit ng bago.

Parang gusto ko tuloy gawin main goal ng buhay ko ngayon ang makaubos ng isang malaking tube ng toothpaste na ako lang talaga ang gumagamit. Grabe! Ang tayog ng adhikain ko ngayon sa buhay! Sing-tayog ng lipad ng kalapati ni Pilar. Magtagumpay kaya ako?

6 Responses to “Matayog Na Adhikain”

  1. pusaNo Gravatar Says:

    wow bagong balay, ankyut mas gusto ko ang ayos ng bahay mo ngayon =)
    gogogo sa iyong adhikain! naway magpagtagumpayan mo hehehe

    MARU: pussypie, kulang pa ng ibang appliances ang bagong balay ko. hehehe!

    [Reply]

  2. selvoNo Gravatar Says:

    madaming toothbrush … hmmm ayokong pag -iisipan ka ng malisya langga pero isa lang kalimitang kinukuhanan ng toothbrush at ayokong isiping pumapasok ka sa mga ganun (kasi may bahay ka naman nyahahaha). isang dahilan din ng di mo pa naranasanag maubusang ng toothpaste ay baka madalang kang mag-tooth….. ewww! labsyu gang

    selvo’s last blog post..Salamat

    MARU: uy alam ko tinutukoy mo ha! pero hindi naman mga puti ang nakita kong mga sepilyo. hehehe! mga puting totbras naman kasi ang galing sa motels. esmyus mi! nagtotobras ako noh! hindi nga lang araw-araw! bwahaha!

    [Reply]

  3. paoNo Gravatar Says:

    ate maru! good luck sa iyong adhikain. kung ikaw ay hindi makaubos ng toothpaste, ako naman hindi makaubos ng notebook at bolpen. is that indicative of anything else, really? happy new year!

    pao’s last blog post..Tortoise

    MARU: uy pao! happy new year! ay ako nakakaubos ako ng ink ng nukbook tsaka bolpen lalo na pag gel ink. :D ewan ko ba at di ako makaubos ng totpaste…kunsabagay hindi rin ako yung tipong maramihan kung maglagay ng paste sa brush.

    [Reply]

  4. fionaNo Gravatar Says:

    balitaan mo na lang kame ate maru kapag naabot mo na ang iyong adhikain :)

    MARU: nyahaha! kelangan ko siguro gawan ng another post kung saka-sakaling makaubos ako noh? accomplishment baga. hahaha! hapi new year, dear fiona.

    [Reply]

  5. kaithNo Gravatar Says:

    nakerz, ako msyadong magastos sa toothpaste! kasi end to end ng toothbrush (ung brush part lang ha) ang nilalagyan ko. minsan pa nga twice akong mag sepilyo, especially if mejo hindi msyadong spicy ang gel namin. cge, mag update ka about this goal ate maru ha ;)

    MARU: aysus! kaya pala ang ganda ng tit mo este teeth mo, kaithpie. kumukutitap! :lol: naghahanap ako ng toothpaste na adobo flavor para sipagin ako mag totbras…kelan kaya yun?

    [Reply]

  6. mineNo Gravatar Says:

    at ok ang reso mo, maxado ngang matayog :D
    bat alam mong puti ang mga tutbras dun Lols :lol:
    @jocky, bat mo alam na kuhaan ng tutbras yun ha :P

    MARU: siempre noh! nangongolekta ako nun ng totbras na mga bigay galing dun. bwahahaa! juk lang.

    [Reply]

Leave a Reply

Related Posts from the Past:

No results.