First Five

Balik-eskwela na ang mga bagets ko ngayon kaya balik 5:00 am na naman ang gising ko. Balik sa dating gawi. Taga-luto ng pagkain… taga-plantsa ng uniporme… taga-ligpit ng kalat… taga-linis , taga-laba… sa madaling salita, balik-atsay o alila ang alindog ko. Ang matindi pa neto, balik taga-hanapbuhay aketch.

Ok lang, masaya akong pagsilbihan ang mga bagets ko. In return, eh nagpapakatino naman sila. Wala akong mai-aangal sa bait ng mga anak ko kaya ayos lang.

Bagong taon, bagong pag-asa, bagong buhay. Maraming bloggers na ang nag post ng mga resolutions nila. Hindi ako sanay gumawa ng resolusyon kasi para sa akin hindi lang dapat tuwing new year gawin ang paglilista ng mga pagbabago para sa sarili. Dapat in daily basis todo-effort na ang pagsusumikap na maging astig at maging matikas sa buhay. Opps…. preno muna. Nagiging tunog-KJ na ako.

Eto ang first five sa mga binabalak kong gawin self-improvement:

maru2.jpg

  • (1) Maging mas maalaga sa sarili. Gusto ko mahalin lalo ang sarili ko tutal wala naman ibang nagmamahal sa akin. (arteee!) Magko-concentrate ako sa mga baga-bagay na makakapagpasaya sa akin (kaya mas mamahalin ko mga kamay ko ngayon. Wahihi!) At wag mag aksaya ng oras sa mga walang kwentang gawain. A basta! Gusto ko mas maging happy pa.

  • (2) Magbawas ng “kaibigan”. Di baleng 3-5 lang ang mga kaibigan ko pero kaya ko naman pahalagahan, ingatan, mahalin, respetuhin and vice vesa, kesa naman magkaroon ako sangkatutak na friends kuno na sing-babaw lang naman ng platito (pahiram sa line na ‘to, idol Jon Cabron) ang magiging samahan namin. Nakaka-stress lang minsan ang maraming kaibigan. Marami nga akong prends dati pero wala din naman akong mautangan sa kanila. Bwahaha! Lech! Yung iba eh nuknukan pa ng pagka sinungaling. Pwe! Bwiset! Hahaha!

  • (3) Maging mas masinop sa bahay at sa buhay. Mas alamin ang mga bagay na may kabuluhan at itapon ang mga maituturing na basura o hindi importante. Mas magaan dalhin ang buhay pag wala masyadong bagahe at simple lang.

  • (4) Alisin ang mga cellphone numbers na nagpapasikip lang sa memory ng unit ko. Delete ko yung mga pipol na sa palagay ko eh kasama na yata si Lord. Ugaliin ang gumawa ng weekly menu planner para mas makatipid sa gastos at maging mas wais. Sana makabalik ako sa dati kong nakahiligan – ang pagluluto o pagbi-bake.

  • (5) Maging mas maayos at masipag sa negosyo. Gusto ko maging totally capable and independent – financially. Maging debt-free. Maging mas productive na kahit umupo ako maghapon sa harap ng computer ay sisiguraduhin ko na kumikita naman ako. Bawasan ang chatting na puro lang naman kalandian at bolahan. Kakaririn ko pa ng todo ang mga kumikitang pangkabuhayan ko thru blogging.

Nakow! To-its na lang muna. Nawe-wewe na ako. Baboosh!

Exercise Your Right
Seems like a lot us have made exercise part of our lives.

8 thoughts on “First Five

  1. Uy wag mo ‘ko isama sa ibabawas mong kaibigan ha? kahit na ako yung panglima’t kalahati ok na rin basta kaibigan pa rin! Hehehe!

    Kiko’s last blog post..Pahabol ni Santa..

    MARU: hahaha! sige sige! gagawin kitang number 1, kikopie…basta sa isang kundisyon. Pautangin mo kooooo!. Mwehehe!

    [Reply]

  2. oi sana wag isa ung name ko sa idelete at wag di ibawas ako sa fwends…naku ttxt na kita lagi…di pa ako kasama ni lord eh…

    thanx nga pala sa masarap na polvoron…pasensya na di na sya nakarating ng europa kz naubos ko sya…nyahahaha

    MARU: your welcome,kathpie! sabi ko na nga ba at hindi na makakarating kay Rich ang polvoron. Di bale, uuwi si mami kengkay. Mag order ka na lang ulit tapos ipadala mo kay keng sa pag balik nila. hahaha! ayos di ba?

    [Reply]

  3. sa blogrolls? magbabawas ka din ba? πŸ™‚

    Bagong renovate blog mo mamaru. Ayos.

    Iceyelo’s last blog post..Castaρas atbp.

    MARU: ice dear, makaka-asa ka na andito ka na sa puson errrrr puso ko. hindi ka na mawawala. Like mo ba bagong blogtsina ko? lols!

    [Reply]

  4. ito atlaga yung classic madame maru layout…ganda nga! mukhang earning dollars na lang ang buhay ng mga donya ngyon ah! hehe!

    MARU: pareng gasti, sobrang na-miss ko tong header ko…yung bikini kong pang kurtina ang design. kelangan sumaydlayn at kumita ng dalars dahil gusto ko na talaga makabili ng lalaki. ethiopian kasi ang lalaking bibilhin ko, imported na rin yun. hehehe!

    [Reply]

  5. korek! mahirap imaintain ang super daming friendshipssss. Mahirap i-sort pag ganun, mahitap pang i-sort sa underwear ko. LOL!

    I like your new theme goddess, nakita ko na namin ang iyong bikini. πŸ˜‰

    jojie’s last blog post..two-oh-oh-seven

    MARU: Malamang hindi na ako mananalo ng Miss Friendship 2008 neto. Hahaha! Baka Best in Declamation na lang ang mapala ko. Nyahaha! Oist paalala ko sau…yung mga plugins. Nasan na?

    [Reply]

  6. pata? nasan ang pata? naku no comment baka isa ako sa mababawas na friendships hehehe… luv yah!

    selvo’s last blog post..Salamat

    MARU: aruuuu! walang kupas ang pagiging intrigero! oist! 2008 na! wag na mang intriga… maging chismoso ka na lang. hahaha! labyu gang!

    [Reply]

  7. aruu di lang pala sa YM nag linis pati sa cel din πŸ˜€ buti na lang kakadagdag ko pa lang kaya d ako nkasama sa de delete πŸ˜€

    lam mo, honestly natatakot tlga ko sa independent thingy, pero pag naiisip kita, lumalakas loob ko πŸ˜€
    kc di ka nakuhang papangitin ng problema ng maging isang single na ina!
    (ay sana inde nasa lahi lahat yun, kundi sa dasal din πŸ˜€ Lols πŸ˜† )

    MARU: haynaku mine, alam mo naman na it’s blood..sweat..and tears ang puhunan sa pagpapalaki ng mga anak. Lakasan lang talaga ng loob. Hindi naman ako madasalin na tao pero medyo malakas lang ang paniniwala ko dun sa Big Guy sa itaas. Bah! Eweno naman kung single mom di ba? Dapat nga mas super alaga sa sarili ang gawin dahil nga “single” pa. wahihi! Huwag lang talaga alisin ang sense of humor sa buhay…kahit mga anak ko kahit papano eh nade-develop na rin ang sense of humor nila kaya wala man silang tatay na nakagisnan …eh keri pa rin.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *