Balik-eskwela na ang mga bagets ko ngayon kaya balik 5:00 am na naman ang gising ko. Balik sa dating gawi. Taga-luto ng pagkain… taga-plantsa ng uniporme… taga-ligpit ng kalat… taga-linis , taga-laba… sa madaling salita, balik-atsay o alila ang alindog ko. Ang matindi pa neto, balik taga-hanapbuhay aketch.
Ok lang, masaya akong pagsilbihan ang mga bagets ko. In return, eh nagpapakatino naman sila. Wala akong mai-aangal sa bait ng mga anak ko kaya ayos lang.
Bagong taon, bagong pag-asa, bagong buhay. Maraming bloggers na ang nag post ng mga resolutions nila. Hindi ako sanay gumawa ng resolusyon kasi para sa akin hindi lang dapat tuwing new year gawin ang paglilista ng mga pagbabago para sa sarili. Dapat in daily basis todo-effort na ang pagsusumikap na maging astig at maging matikas sa buhay. Opps…. preno muna. Nagiging tunog-KJ na ako.
Eto ang first five sa mga binabalak kong gawin self-improvement:
-
(1) Maging mas maalaga sa sarili. Gusto ko mahalin lalo ang sarili ko tutal wala naman ibang nagmamahal sa akin. (arteee!) Magko-concentrate ako sa mga baga-bagay na makakapagpasaya sa akin (kaya mas mamahalin ko mga kamay ko ngayon. Wahihi!) At wag mag aksaya ng oras sa mga walang kwentang gawain. A basta! Gusto ko mas maging happy pa.
-
(2) Magbawas ng “kaibigan”. Di baleng 3-5 lang ang mga kaibigan ko pero kaya ko naman pahalagahan, ingatan, mahalin, respetuhin and vice vesa, kesa naman magkaroon ako sangkatutak na friends kuno na sing-babaw lang naman ng platito (pahiram sa line na ‘to, idol Jon Cabron) ang magiging samahan namin. Nakaka-stress lang minsan ang maraming kaibigan. Marami nga akong prends dati pero wala din naman akong mautangan sa kanila. Bwahaha! Lech! Yung iba eh nuknukan pa ng pagka sinungaling. Pwe! Bwiset! Hahaha!
-
(3) Maging mas masinop sa bahay at sa buhay. Mas alamin ang mga bagay na may kabuluhan at itapon ang mga maituturing na basura o hindi importante. Mas magaan dalhin ang buhay pag wala masyadong bagahe at simple lang.
-
(4) Alisin ang mga cellphone numbers na nagpapasikip lang sa memory ng unit ko. Delete ko yung mga pipol na sa palagay ko eh kasama na yata si Lord. Ugaliin ang gumawa ng weekly menu planner para mas makatipid sa gastos at maging mas wais. Sana makabalik ako sa dati kong nakahiligan – ang pagluluto o pagbi-bake.
-
(5) Maging mas maayos at masipag sa negosyo. Gusto ko maging totally capable and independent – financially. Maging debt-free. Maging mas productive na kahit umupo ako maghapon sa harap ng computer ay sisiguraduhin ko na kumikita naman ako. Bawasan ang chatting na puro lang naman kalandian at bolahan. Kakaririn ko pa ng todo ang mga kumikitang pangkabuhayan ko thru blogging.
Nakow! To-its na lang muna. Nawe-wewe na ako. Baboosh!
Exercise Your Right
Seems like a lot us have made exercise part of our lives.
Uy wag mo ‘ko isama sa ibabawas mong kaibigan ha? kahit na ako yung panglima’t kalahati ok na rin basta kaibigan pa rin! Hehehe!
Kiko’s last blog post..Pahabol ni Santa..
masarap ang cripsy pata..
defpotec’s last blog post..new years reVolution?.
oi sana wag isa ung name ko sa idelete at wag di ibawas ako sa fwends…naku ttxt na kita lagi…di pa ako kasama ni lord eh…
thanx nga pala sa masarap na polvoron…pasensya na di na sya nakarating ng europa kz naubos ko sya…nyahahaha
sa blogrolls? magbabawas ka din ba? ๐
Bagong renovate blog mo mamaru. Ayos.
Iceyelo’s last blog post..Casta๑as atbp.
ito atlaga yung classic madame maru layout…ganda nga! mukhang earning dollars na lang ang buhay ng mga donya ngyon ah! hehe!
korek! mahirap imaintain ang super daming friendshipssss. Mahirap i-sort pag ganun, mahitap pang i-sort sa underwear ko. LOL!
I like your new theme goddess, nakita ko na namin ang iyong bikini. ๐
jojie’s last blog post..two-oh-oh-seven
pata? nasan ang pata? naku no comment baka isa ako sa mababawas na friendships hehehe… luv yah!
selvo’s last blog post..Salamat
aruu di lang pala sa YM nag linis pati sa cel din ๐ buti na lang kakadagdag ko pa lang kaya d ako nkasama sa de delete ๐
lam mo, honestly natatakot tlga ko sa independent thingy, pero pag naiisip kita, lumalakas loob ko ๐
kc di ka nakuhang papangitin ng problema ng maging isang single na ina!
(ay sana inde nasa lahi lahat yun, kundi sa dasal din ๐ Lols ๐ )