Habang gumagawa ng mga sponsored post at nagbo-bloghopping, nakabalot na naman ng shower cap tsaka towel ang ulo ko. Sabi ko naman eh, from now on ay mas aalagaan ko pa ang sarili ko. Mas mamahalin ko pa si ako. Kaya halos inaaraw -araw na yata ‘tong deep conditioning ko ng buhok at kung anik-anik pa na ka-artehan sa katawan ko.
Susubukan ko rin yung na-google kong hair treatment kagabi, yung tungkol sa pinaghalong beer at isang binateng itlog ng lalaki itlog.
Siempre i-apply daw sa crowning glory ang mixture at hayaan ng mga 15 minutes na pagkababad bago banlawan. Pampakintab daw ‘to ng buhok. Trulili kaya ‘to o eklavu? Hmmn, aber masubukan nga bukas.
Since maiksi naman ang buhok ko, malamang sobra sobra ang isang bote ng beer at itlog para dito sa kapipiranggot kong ulo. Yung sobra ay itotoma ko na lang siguro. Sayang eh.
Ewan ko ba, pagdating talaga sa pag aalaga ng buhok ay kulelat ako kaya kakaririn ko na talaga ‘to at titingnan ko kung may pag asa pa akong maging model ng isang brand ng shampoo bago matapos ang 2008. Hahaha! Syet men! Tigas ko! Asa pa ko!
Mamaya, ipo-foot scrub ko naman ang fez ko. Juk lang. Matagal tagal na rin akong hindi nakapag-kuskos ng paa at nagmumukhang luya na sya. December 2007 pa ang huling kuskos ko neto. Dito ko lang naman sa bahay ginagawa ang lahat ng mga ka-ek ekan ko sa katawan dahil wiz ko afford ang maglabas masok sa mga spa clinic o parlor.
Pagdating naman sa katawan, loyal ako sa pag gamit ng loofah at yung pinaghalong olive oil at brown sugar na ipinangkukuskos ko sa katawan. Try nyo yung brown sugar at olive oil, ang kinis haplusin ng skin pagkatapos. Talo pa yung bagong varnish o bagong kiskis ng sandpaper ang epek sa balat nyo na syang gamit ko dati.
Kelangan daw talaga ang magkuskos ng katawan hanggang sa mga kasingit-singitan para matanggal ang mga dead skin at siempre ang mga libag. Kaya ang isa sa mga heavenly moments ko talaga ay yung tuwing lalabas ako ng banyo na bagong body scrub ako.
Pakiramdam ko kasi eh virgin ako ulit sa kalinisan. Na tuwing titingin ako sa salamin ng hubo’t hubad eh para akong sahig na bagong floor wax, na ang ang kintab kintab ko. Na para akong bituin na maningning! Exajs! At siempre sarap din yung bagong shave rin sa wekwek kasi fresh na fresh ang feeling. Walang sabit!
Sana magtuloy-tuloy ‘to at wag akong sumpungin ng katamaran. Bah! Malamang bago matapos ang taon may bagong titulo na ako. Ako na bagong si Reyna Banidosa.
Nga pala, Madalas na rin akong mag totbras ngayon at maghugas ng pwet. Cool.
Tags: wellness

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 




January 11th, 2008 at 5:04 pm
cool :)) lukaret ka talaga
ma try nga din yan (pag inom ng beer) Lols
[Reply]
January 11th, 2008 at 5:12 pm
ako din, mahilig mag body scrub. haha. refreshing naman tlaga ang feeling pag malinis ka from head to toe. kaya pala flawless ka ate!
[Reply]
January 11th, 2008 at 9:09 pm
sexy mama, so ang secret pala ng flawless skin mo ay asukal at langis ha?hmmn… ako panghilod na bato lang ang gamit ko. mejo nagwo-worry nga ako. paglipat ko kse ng bahay baka di pumayag si mudra na pati yung panghilod namin eh bitbitin ko. balik scrub na naman ako. eh feeling ko pa naman, mas natatanggal ang libag ko kapag yung bato ang gamit. hehe. miss na rin kita. miss ko na nga mag-bloghop e. busy kse lately. pasingit-singit na nga lang ng konti eto. di tuloy makapagpost.
antuken’s last blog post..10 days & counting
[Reply]
January 11th, 2008 at 9:35 pm
shaved na wekwek? ano yun? bakit kailangang makinis at walang sabit? langga pakipaliwanag
selvo’s last blog post..Life?s Passion
[Reply]
January 12th, 2008 at 1:11 am
Salamat sa tip, sandpaper pa din kasi gamit ko.
Abad’s last blog post..Exam week
[Reply]
January 12th, 2008 at 2:06 am
kaya pala flawless ka kasi maasikaso sa katawan, ako kasi twice a week lang maggoli lalo ngayon winter…. eeewwww!
Misyel’s last blog post..Puting Buhok
[Reply]
January 12th, 2008 at 7:04 am
di ako naniniwala! patingin ng pix!
Jon Cabron’s last blog post..wanted gelpren
[Reply]
January 12th, 2008 at 7:12 am
ayan ang mga sikreto ng isang diosang tulad mo wow!hehee
xiao!
brath’s last blog post..buhay pa ba ako?
[Reply]
January 12th, 2008 at 3:06 pm
patagay nga goddess! hahaha! hay.. akoy walang oras na magpaganda. mukha na akong singkwenta! maryosep!
jojie’s last blog post..I am Funny as a Bunny
[Reply]
January 12th, 2008 at 3:59 pm
Kaya pala kutis porselana eh!
Teka nga at makapag-shave din ng wekwek para feeling fresh din ako! Hehehe!
Kiko’s last blog post..Subok lang
[Reply]
January 12th, 2008 at 9:01 pm
wow okay na tip yan..kaya pala napaka flawless mo maru!! e matnong lang gaano katagal ka sa banyo? sa face mo nu nmn gngwa mo? tips pa pls?
dhez’s last blog post..big girls don?t cry
[Reply]
January 13th, 2008 at 8:23 pm
yung bench na papaya body scrub effective din. mura lang siya tsaka mabango. nung na-sunburn ako yun ang ginamit ko. wapak sa puti sa kinis uli ang tiyan kong parang 3-months nang on-the-way!
[Reply]
January 15th, 2008 at 9:32 am
ahhh ayos yang mga tips mo ah ma-try na nga rin..nagkakasugat sugat na kasi katawan ko sa paggamit ko ng corals eh
[Reply]
January 19th, 2008 at 1:08 pm
ay ganun ba, sige, 8 months on the way… hahahaha!!!
[Reply]