Second Best…Ayayay!

Paglabas ng unang tally ng pakulo Pareng Badoods, akala mo talaga ay na-release na ang pinakaaabang-abangan resulta ng Bar Exam ng mga gusto maging abugado ng Pinas. Halos pinagkaguluhan (o baka ako lang ang nagulo) at kanya-kanyang gawa ng entry sa blog nila ang mga nakapasok.

Saludo talaga ako sa project na ‘to ni Pareng Badoods, kumbaga sa paksiw. . . nilagyan ni Pareng Badoods ng masarap na pampaasim ang buhay - blogista. Mapapa-Wow! Paksiw! ka talaga.

Siempre halos lahat ay natuwa at isa na ako dun. Sinong mag-aakalang makakasampa ako sa pangalawang pwesto? Sinong mag-aakalang mapapabilang ako sa humor blog category eh ang gusto ko lang naman noon sa blog ko ay ang magpakalaswa, maging mahalay, dedmahin ang urbanidad at pag igihan ang pagiging malandicious ko.

Oki, oki, dami kong satsat! Heto nga pala ang partial list ng project ni Pareng Badoods. (See Kwentongbarbero.com sa kumpletong listahan.)

 

 

Project Lafftrip Laffapalooza Partial Tally
[As of January 2, 2008]

Heto ang partial tally ng botohan para sa Project Lafftrip Laffapalooza – ang paghahanap para sa 10 PinakaDaBest na Humor Blogs ng Pilipinas. Nag-umpisa ang project Lafftrip noong November 2007 at magtatapos ngayong September 2008. Ito ang mga blogs na sobrang nakakaadik kahit walang hinalong drugs, kaya, ladies and gentlemen, heto na ang mga pangalan ng super stars ng Philippine blogging community:

rank2.jpg

Ngayon pa lang ay magpapasalamat na ako kasi baka sa susunod na counting ni Pareng Badoods ay wala na syang mabilang na boto para sa akin. :D

Maraming salamat dun sa mga bumoto at sa mga nasuhulan ko. Nakaka-inspire po talaga. Para dun sa mga hindi pa bumuboto, ipinapangako ko na iaalay ko sa inyo ang pinaka-iingatan kong puri bilang kapalit ng votes nyo. Pramis.

Seryos ako, pag nanalo ako makakaasa kayong magpapagawa ako ng mga paaralan sa mga munisipyo, ipapa-semento ko ang mga kalsada natin at susugpuin ko ang mga lahat ng mga katiwalian sa gobyerno.

Sa mga OFWs naman, pag binoto nyo ako…gagawin kong P75 ang palitan ng bawat $1. Deal?

 

Election 2008: Issues, issues everywhere … Will They Help The World?

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner

12 Responses

  1. calvinNo Gravatar Says:

    hahaha magandang deal yan. sige boto ko ipapatrol ko.

    calvin’s last blog post..Local Singer, Arnel Pineda hired as vocalist for the band Journey

    MARU: uu nga ano? dapat may kasamang text votes ang pakulo ni Pareng Badoodle. :D

    [Reply]

  2. malenNo Gravatar Says:

    you sooo deserve iit!!!!

    hahahahahah…maganda yang 75P = 1$…di ko muna wiwidrohin ang mga dollars ko sa paypal….hahahah nasa 50$ na ketch

    malen’s last blog post..How to get more traffic?

    MARU: avah! humahataw ang vakla! pautang namannnnn!

    [Reply]

  3. pusaNo Gravatar Says:

    hahaha ayos politikong politiko ang dating! :)

    MARU: pwede na ba akong tumakbong MUSE sa susunod na barangay election? :D

    [Reply]

  4. gastiNo Gravatar Says:

    hehe! 2nd placer..sigurado naman akong may darating pang boto sayo. kaya lang mahirap talagang kalaban si inday…umaasa akong tutuparin mo ang mga ipinangako mo..aantabayan ko yan! :D

    [Reply]

  5. jeckNo Gravatar Says:

    congrats in advance. :D hindi nasayang yung boto ko sa iyo.

    jeck’s last blog post..HOROSCOPE TAG FOR 2000 and 8!

    MARU: kaya ikaw ang isa sa gusto kong pasalamatan, pareng jeck! SALAMAT SA SUPORTA! pa kiss!

    [Reply]

  6. jojieNo Gravatar Says:

    goddess!!! wagi ang kagandahan mo. ;)
    jojie’s last blog post..away tayo!

    MARU: wahihi! sana wagi din sa pera!

    [Reply]

  7. KotsengkubaNo Gravatar Says:

    “Sa mga OFWs naman, pag binoto nyo ako…gagawin kong P75 ang palitan ng bawat $1. Deal?”

    Huwatt!? Pano ‘yan ‘yung flying voters list ko kinarate lang ni Badoodles. Nakupo kailangan makapag-sikretong hakot ng flying voters para sa’yo at nang matikman natin ang mucho-muchong palitan ng dolyar. Kesehodang maghirap si Gloria. hahaha, Win Santo NinO!!!

    Kotsengkuba’s last blog post..It?s snowing cats and dogs!

    MARU: wahaha! penge ng mga 5 frying voters mo jan. :D

    [Reply]

  8. badoodlesNo Gravatar Says:

    gitgitan nga ang rankings mare nung bandang last week ng disyembre. may pagkakataong nasa top 1 ka, nag tie ni inday, napunta sa top ten at umarangkada pabalik sa top 2. heksayting, talo ko pa tuloy nanood ng nba finals sa pagbibilang ng votes!

    badoodles’s last blog post..Project Lafftrip Laffapalooza Partial Tally [As of January 2, 2008]

    MARU: bilib din ako sau pareng badoods, nakuha mo pang gawing NBA ang pagta-tally noong December eh wedding month mo kaya yun.

    [Reply]

  9. mineNo Gravatar Says:

    $1 = 75 :0 mabuhey si maru! mabuhey! eka, aalamin ko kung pano pagboto :D

    MARU: aruuuuu! dapat mangampanya na ako sau. hehehe joke lang!

    [Reply]

  10. MalditoNo Gravatar Says:

    aahhaa….cge!!!Asasinate si inday! ireplace si Maru!!waahaha..para sa kinabukasan natin to.!

    Maldito’s last blog post..Notes on a Scandal

    MARU: waaahh! wag nyo ko isama jan sa kudeta nyo kay inday! gusto ko pang mabuhay at gusto ko ng world peace! lols.

    [Reply]

  11. protossNo Gravatar Says:

    cge boto kita kc very worth it pg nananalo ka.. Ang dami nmin aasahan sa pangako mo lalo n un isa dun lols.. congratz ul8

    MARU: maraming salamat! pero teka teka! panu mo naman ako iboboto? :D dapat may blog ka. :D

    [Reply]

  12. mineNo Gravatar Says:

    mamaru, nagawa ko na :D
    http://koreanmine.wordpress.com/2008/01/18/piv-post-it-vote-project-lafftrip-laffapallooza/

    MARU: mine dear, tenk yu beri mats! :D haysss….

    [Reply]

Leave a Comment

Please note: Comment moderation is enabled and may delay your comment. There is no need to resubmit your comment.