Paglabas ng unang tally ng pakulo Pareng Badoods, akala mo talaga ay na-release na ang pinakaaabang-abangan resulta ng Bar Exam ng mga gusto maging abugado ng Pinas. Halos pinagkaguluhan (o baka ako lang ang nagulo) at kanya-kanyang gawa ng entry sa blog nila ang mga nakapasok.
Saludo talaga ako sa project na ‘to ni Pareng Badoods, kumbaga sa paksiw. . . nilagyan ni Pareng Badoods ng masarap na pampaasim ang buhay – blogista. Mapapa-Wow! Paksiw! ka talaga.
Siempre halos lahat ay natuwa at isa na ako dun. Sinong mag-aakalang makakasampa ako sa pangalawang pwesto? Sinong mag-aakalang mapapabilang ako sa humor blog category eh ang gusto ko lang naman noon sa blog ko ay ang magpakalaswa, maging mahalay, dedmahin ang urbanidad at pag igihan ang pagiging malandicious ko.
Oki, oki, dami kong satsat! Heto nga pala ang partial list ng project ni Pareng Badoods. (See Kwentongbarbero.com sa kumpletong listahan.)
Project Lafftrip Laffapalooza Partial Tally
[As of January 2, 2008]Heto ang partial tally ng botohan para sa Project Lafftrip Laffapalooza – ang paghahanap para sa 10 PinakaDaBest na Humor Blogs ng Pilipinas. Nag-umpisa ang project Lafftrip noong November 2007 at magtatapos ngayong September 2008. Ito ang mga blogs na sobrang nakakaadik kahit walang hinalong drugs, kaya, ladies and gentlemen, heto na ang mga pangalan ng super stars ng Philippine blogging community:
- Rank 1: Inday [blogniinday.com]
- Rank 3: Reyna Elena [reynaelena.com]
- Rank 4 : Maldito [thegreatmaldito.wordpress.com]
- Rank 5 – 6: Spontaneity [jojitah.com]
- Rank 5 – 6: Anak ni Kulapo [kopongkopong.blogspot.com]
- Rank 7: Gagopolis [poli-adik.blogspot.com]
- Rank 8: Chuvaness [mynosebleed.com]
- Rank 9- 11: Chiksilog [empermera.blogspot.com]
- Rank 9- 11: Chillidobo [chillidobo.wordpress.com]
- Rank 9- 11: Mr. D [deardiarya.blogspot.com]
- Rank 12 – 13: Jon Cabron [joncabron.wordpress.com]
- Rank 12 – 13: Green Pinoy [greenpinoy.com]
- Rank 14 – 15: Gasti [gasti.wordpress.com]
- Rank 14 – 15: Defpotec [defpotec.wordpress.com]
Ngayon pa lang ay magpapasalamat na ako kasi baka sa susunod na counting ni Pareng Badoods ay wala na syang mabilang na boto para sa akin.
Maraming salamat dun sa mga bumoto at sa mga nasuhulan ko. Nakaka-inspire po talaga. Para dun sa mga hindi pa bumuboto, ipinapangako ko na iaalay ko sa inyo ang pinaka-iingatan kong puri bilang kapalit ng votes nyo. Pramis.
Seryos ako, pag nanalo ako makakaasa kayong magpapagawa ako ng mga paaralan sa mga munisipyo, ipapa-semento ko ang mga kalsada natin at susugpuin ko ang mga lahat ng mga katiwalian sa gobyerno.
Sa mga OFWs naman, pag binoto nyo ako…gagawin kong P75 ang palitan ng bawat $1. Deal?
Election 2008: Issues, issues everywhere … Will They Help The World?






hahaha magandang deal yan. sige boto ko ipapatrol ko.
calvin’s last blog post..Local Singer, Arnel Pineda hired as vocalist for the band Journey
[Reply]
you sooo deserve iit!!!!
hahahahahah…maganda yang 75P = 1$…di ko muna wiwidrohin ang mga dollars ko sa paypal….hahahah nasa 50$ na ketch
malen’s last blog post..How to get more traffic?
[Reply]
hahaha ayos politikong politiko ang dating!
[Reply]
hehe! 2nd placer..sigurado naman akong may darating pang boto sayo. kaya lang mahirap talagang kalaban si inday…umaasa akong tutuparin mo ang mga ipinangako mo..aantabayan ko yan!
[Reply]
congrats in advance.
hindi nasayang yung boto ko sa iyo.
jeck’s last blog post..HOROSCOPE TAG FOR 2000 and 8!
[Reply]
goddess!!! wagi ang kagandahan mo.
jojie’s last blog post..away tayo!
[Reply]
“Sa mga OFWs naman, pag binoto nyo ako…gagawin kong P75 ang palitan ng bawat $1. Deal?”
Huwatt!? Pano ‘yan ‘yung flying voters list ko kinarate lang ni Badoodles. Nakupo kailangan makapag-sikretong hakot ng flying voters para sa’yo at nang matikman natin ang mucho-muchong palitan ng dolyar. Kesehodang maghirap si Gloria. hahaha, Win Santo NinO!!!
Kotsengkuba’s last blog post..It?s snowing cats and dogs!
[Reply]
gitgitan nga ang rankings mare nung bandang last week ng disyembre. may pagkakataong nasa top 1 ka, nag tie ni inday, napunta sa top ten at umarangkada pabalik sa top 2. heksayting, talo ko pa tuloy nanood ng nba finals sa pagbibilang ng votes!
badoodles’s last blog post..Project Lafftrip Laffapalooza Partial Tally [As of January 2, 2008]
[Reply]
$1 = 75 :0 mabuhey si maru! mabuhey! eka, aalamin ko kung pano pagboto
[Reply]
aahhaa….cge!!!Asasinate si inday! ireplace si Maru!!waahaha..para sa kinabukasan natin to.!
Maldito’s last blog post..Notes on a Scandal
[Reply]
cge boto kita kc very worth it pg nananalo ka.. Ang dami nmin aasahan sa pangako mo lalo n un isa dun lols.. congratz ul8
[Reply]
mamaru, nagawa ko na
http://koreanmine.wordpress.com/2008/01/18/piv-post-it-vote-project-lafftrip-laffapallooza/
[Reply]