Balentayms

Woman Vs Man

Aruuuu! Lapit na ang Araw ng mga Motel! Balak ko mag out-of-the country para i-celebrate ang Balentayms. Hmmmn . . . pero hindi pa naman sigurado kasi hindi ko alam kung may direct flight ang Asian Spirit papuntang Paris, France sa Araw ng mga Puson.

Pero nyay! Hindi kaya biglang maging holy spirit ako after 30 minits na lipad ng Asian Spirit papunta sa bansa ng mga french fries, french bread at french kisses? Charot lang!

Ewan ko ba, habang tumatanda ako eh parang nawawala na sa akin ang kilig na epek ng Balentayms. Para sa mga inlab na lang yata yun.

Di ko maalala ko kung anong espesyal ang ginawa ko last balentayms, parang nagluto lang yata ako nun ng escabecheng butanding para sa hapunan namin. Lech! Kitams, walang ka roma-romansa man lang.

3 thoughts on “Balentayms

  1. hay ako din ate maru, nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan pag valentine’s. pano kasi, parang anti-valentines ang napangasawa ko so wala sa calendar nya ang feb 14. nakakainis ma-disappoint every year so kebs na lang. sama na lang ako sa paris, cge na… πŸ˜‰

    MARU: korni daw kasi ang balentayms sa ibang lalaki. mas naiisip nila na gastos lang ang araw na yan. sige sama kita sa Paris. Dalawang walis-tingting na ang bibilhin ko. πŸ˜†

    [Reply]

  2. hay nako. balentayms na naman. ipapamukha na naman sakin ng mundo na singular ako!

    funny nung image dito sa entry na to ha. saktong-sakto. :p

    iya’s last blog post..Unavoiding The Ex

    MARU: iyapie, medyo mahaba-haba pa ang mga araw..pwede pa magpa anunsyo.

    [Reply]

  3. hala ka, bat kumakain ka ng butanding Lols πŸ˜†

    aq last balentyms q nasa komedi bar kami at nakikipag okrayan sa mga bading!! how tweet! nagsama sama mga malalamig ang balentyms πŸ˜€

    wish q ngaung balentyms magamit q uli yung VC disc. card q na nilulumot na Lols πŸ˜†

    MARU: ay ako di ko na alam kung ano itsura ng motel sa loob. charot! πŸ˜€

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *