Hanggang Tingin

macbook-air.jpgHanggang posting na lang yata ako sa brand ng pinapangarap kong laptop. Medyo maraming laptop entries na rin yata akong nailagay dito noon at hanggang ngayon tulo-laway pa rin ako. Paliitan at panipisan na ang hirit ng mga naglalabasan na laptop computers ngayon at sa awa ni Lord…makinilya pa rin ang gamit ko. Demit!

Eto na ang sinasabing parang si Michael Jordan pagdating sa mga lappies…. ang MACBOOK Air! Kung may Air Jordan ang NBA, may Macbook Air naman ang Apple.

macbook-air1.jpg

Kaso mahalia jackson ang gadget na itetch. Fresyo nya ay nagsisimula sa US$ 1,799, hindi pa kasama ang gift wrapping charges. Hehe! Mukhang taon ang bibilangin ng mga sponsored posts ko bago ako makabili ng mga ganito.

Haays, sa ngayon kumbaga sa restaurant… hanggang tingin na lang muna ako sa food menu at dehins pa ako pwede umorder at kumain. Ang saya ng buhay!

5 thoughts on “Hanggang Tingin

  1. hay talaga! tumulo lang ang laway ko nun napanood ko yan kagabi! bigla ko binilang kun ilang buwan ko dapat magkayod para kay Pepe para lang makabili nyan!

    MARU: ako rin…magbabayad muna ako ng mga utang ko bago ang Epol Mcbuk na yan.

    [Reply]

  2. marami raming apol ang kelangan kong kainin para makabili niyan sa ngayon sony vaio pa lang ang kaya ng bulsa ng mini skirt ko,,, tsk tskk

    xiao!

    brath’s last blog post..sino ang tunay na baliw?

    MARU: bakit ako laging nagsusuot ng mini-skirt eh hindi makabili ng kahit sony viao? πŸ˜€ musta ka na, hija?

    [Reply]

  3. ^
    wow sony vaio pa lang? tsk. naglalaway pa rin ako kahit nde apol mcbuk ang nakikita ko sa mga tindahan. hayys.

    tapos ko na pong magawa yung tag ate Maru. thanks so much! mwah! πŸ™‚

    weng’s last blog post..My lola and my viral-linking tag.

    MARU: hanggang tingin na lang muna tayo ng mansanas, weng. uy salamat sa pagsagot agad ng tag. πŸ˜€

    [Reply]

  4. hehe ayus yan diet muna, saka dami pa lalabas na mas maganda jan at m sure, yung lalabas na pinakamaganda eh yun yung tym na may pambili ka na (damay mo na din ako πŸ˜€ )

    MARU: malamang sa oras na marami na akong pera..hindi na rin uso ang laptops. lol!

    [Reply]

  5. Wag kang mag alala at hindi ka nag iisa sa pangangarap. Dahil ang laptop ko hanggang ngayon di pa rin masira.

    Happy new year maru. nice to beack. matagal din akong nawala

    MARU: uy! hapi new year too! bakit ganyan na ang pangalan mo? naging pera at dolyar pa! namimigay ka ba nyan? lols.

    [Reply]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.