Hindi ko alam kung uso pa ngayon ang paggamit ng diary, yung notebook na de-susi na madalas itinatago sa aparador na de-susi din o kaya sa drawer. Pansin ko parang girls at bading lang yata ang nahihilig sa pagsusulat sa diary eh…. may lalaki bang nagda-diary? Noong mga unang panahon siguro oo. Si Gat Jose Rizal may diary din yata noon. Kaya ay derpor konklud na isa syang vaklah! ha ha!
Iba na ang panahon ngayon, online journal o weblog o blog na ang uso. Buong mundo na ang pwede makabasa ng isip mo.
Naalala ko noon mula high school ang hilig ko magsulat sa diary. At kahit marami akong kabarkada noong college eh hindi ako yung tipo na may-i-share-my-secrets o nagbubuhos ng saloobin sa kaibigan. Hindi nga nalalaman ang mga problema ko kasi madalas sinosolo ko lang. Outlet ko lang ay ang pagsusulat dun sa notebook na de-kandado. Fan din kasi ako ni Anne Frank noon.
Diary is a book for writing discreet entries and suppose to be private. Pero ewan ko ba kung bakit may mga taong pakialamera. Pribadong bagay ang diary, hindi dapat pinapakialaman ang mga ganitong pag aari ng ibang tao. Panghihimasok na kasi yun.
Likas na yata sa atin mga unggoy tao ang pagka tsismosa o usyosero. Na pag may nakitang pribadong gamit gaya ng diary eh para bang mas lalo naku-curious na bulatlatin at basahin para malaman ang mga sekreto. Nabasa yung diary ko noong nasa college pa ako ng roommate kong kleptomaniac. Naghahanap yata ng pera sa drawer ko ang impakta at iba ang nakita dun. Kahit pa nakakandado ay nakuhang buksan pa rin. May pagka-Harry Houdini yata ang hitad na yun. Naknangpekpek! Ayun nabisto tuloy ng mga buong barkada namin na hindi na ako virgin.
At nalaman pa kung sino ang unang naka tsuk-tsak sa akin noon.





nung high-school kami, di ko maintindihan kung bakit kailangan namin everyday magsulat sa diary namin tapos tsetsekan ng teacher namin. isang beses nilagay ko sa diary ko, nagnakaw ako sa canteen ng sandwich at ng 10 Benson Eclair, kinabukasan, nasa guidance of counselor ako maghapon. pakshet yung english teacher ko na yun, tsismosa!
eNocH’s last blog post..Get Out!
[Reply]
nung highschool ako, may diary din ako kaya lang hindi di susi.
Ang ginagawa ko nun, dun ko sinusulat yung mga galit ko para hindi ako makasakit ng tao, ayun..
kapag galit din ako sa boylet ko dun ko rin sinusulat tapos the day after binibigay ko sa kanya yung diary para malaman niya kung bakit ako nagalit sa kanya…
xiao!
brath’s last blog post..WEIRD = BRATH
[Reply]
May diary din ako noon, basta ata babae mahilig nito… Once nabuking ako ng mom ko dahil dyan, nagpunta ako ng laguna pero ang paalam ko sa malate lang at gagawa ng project. Tapos pati yung mga lihim ko na pagtingin sa prof ko nabuko, ginawa tuloy kantyaw yun sa akin ni kuya kiko. kahit kasi may susi nakukuha pa din buksan ng mga malilikot ang kamay.
Misyel’s last blog post..Paano ba magmove on?
[Reply]
wahahaha!
chuk-chak chenes! lol. mao pud na among term dri teh.. chuk-chak. lol
hayyzz winner ni imong blog teh, hokerr kau, hokerr.. lol
weng’s last blog post..Wala lang.
[Reply]
aq kahit hanggang ngaun merong pa ding diary.. iba p din yung may hard copy ika nga..
kaso ang entry ay mga codes, kaya di nila mage gets unless ksing dumi nila utak ko
[Reply]
ay di ka na pala virgin mamaru? lolz. grabe naman yun roommate nyo, klepto na nga eh chismosa pa.. ako din dati, nagdidiary kuno, lalo na pag may bagong crush at kung napapagalitan haha pero pagkatapos ng ilang buwan ay pinupunit ko sya kasi nakokornihan ako
lilmiz’s last blog post..Why oh why?
[Reply]