May nag iimbitang friend na makipag-inuman sa akin sa susunod na lumuwas daw ako ng Maynila.
Ayayaay! Wish ko lang na palaban ako pagdating sa pag toma ng mga inuming nakakataranta. Pero dehins eh. Wala akong ka-kwenta kwenta kainuman. Pwede lang akong ka-teybol habang palagok-lagok ng mga mumurahing non-alcoholic ladies drinks.
Kung yung iba ay masayang kainuman dahil maraming napag uusapan habang ka-teybol. Ako naman ay malakas lang sa kwento at mamulutan talaga. Pero huwag ka, pag minsan ay nasa kundisyon naman ang katawan ko (naks! pakundisyon pa ha) ay napapainom din naman ako. Hanggang dalawang bote nga lang talaga ako at SanMig Lite pa! Lech talaga! Wala talaga akong ka tsalens-tsalens kainuman. Pag lumampas ng 2 bottles, eto ang mga posibleng mangyari sa akin:
- Tawa ng tawa kahit wala naman nakakatawa.
- Makulit magpasama sa CR para mag wewe.
- Hindi na mapakali sa nararamdamang init ng pisngi. Lalabas na ang pagka tisay ko nun. Lols!
- Nagkukwento ng mga walang kwentang kwento.
- Naghahanap na ng pwesto kung saan pwede ihilig ang bumibigat na ulo.
- Blackout na = Tulog!
Swerte na pag hindi ako sumuka. Ewan ko ba kung bakit hindi ako pareho ng ibang bebot na mataas ang tolerance sa alcohol. Wish ko lang ay matuto ako uminom ng alak na hindi agad nalalasing. Paano nga ba? Tips naman diyan!
College – University: Let’s Attend





nak ng baka Manay bwahahaha tunay ka jan …… nabiktima mo na ako minsan at kahit papano maswerte pa din talaga ako dahil d mo nasukahan at naihian loob ng oto ko
[Reply]
hala mama maru, heto ang aking mashare para di ka magaya jan sa gurl sa pic
first tip – practice! kelangan pag me inuman jan sa kanto kanto nakikishot-shot ka! hehehe pero totoo un practice, kahit paonti-onti will increase your tolerance.
2nd – inom ka dami tubig
3rd – teka masyado na nahahalata ang pagiging lashengga ko dito LOL
[Reply]
baliktad tayo, ako naman ang problema ko may mga pagkakataon na hindi ako malasing, minsan pang 3rd batch na yung mga kaharap ko alive pa rin ako.. madalas pagtapos na inuman dahil lasing na lahat , ako patumbling tumbling pa sa kwarto para lang mahilo ako at makatulog.
Jon Cabron’s last blog post..makati escort girls
[Reply]
shock naman ako sa babaing lasing na un… pero parehas lang tayo na mahina sa tomaan… nagiging kakulay ako ng pulang pillowcase na pinantatakip ko ng mukha para ndi makita ang namumula kong mukha at katawan na rin sa kokonting lagok pa lang.
pero ang mabisa for me dati… naghihilamos para mawala ang tama, tapos tagay ulit hehee
rhapsody’s last blog post..the eight tag
[Reply]
HAHAHA!!! this reminds me nung andun kami sa Session Road sa Baguio City at si Malen eh gumanyan! HAHAHA! Kala ko nga si Malen na yan eh! HEHEHE
[Reply]
ang maipapayo ko lang cguro dpat ay may laman ang sikmura at wag mong bibilisan ang inom o wag mo rin bibiglain dapat pa sip sip ka lang kahit malakas sa pulutan okay lang iyon ang importante maka join ka diba wala naman pilitan kung di kaya kasabay lang igan pwede naman iyon
[Reply]
1. lagyan mo ng betsin ang beer para mawala ang amats nya (or upos ng sigarilyo.. kadiri pero epektib)
2. pag uminom ka, straight agad, para dumerecho sa wiwi ang alkohol…
3. wag na wag mo isusuka.. sayang ang beer
4. mas ok kung walang laman tyan mo… para wag i absorb at maiwan ang alkohol sa katawan
defpotec’s last blog post..sightings?.
[Reply]
alam mo maru. wala akong paki basta tagay pa. masarap yata malasing, ahahaha… may eksyus para lalong maging mahalay,
kengkay’s last blog post..Sa Pagitan ng Iyong mga Hita
[Reply]
hay, napadaan ulit.
sige, sali ako sa inuman. peyborit pastym ko yan. kaso bawal na ko sa beer. bwal na rin s hard. tsk tsk tsk. wine na lang.
[Reply]
Ate maru,
‘Pag umiinom, dapat nagsasalita, ngumunguya o kumakanta. Pero easy lang sa pulutan o sa videoke, baka mapaaway at ibang tama ang maranasan. ‘Pag tumigil ka sa isa sa mga ‘yan, tiyak na tatamaan ka.
[Reply]
mare may tip ako sayo. patagalin mo ang pag ubos ng isang bote ng beer sa loob ng isang oras. daanin mo na lang sa kwento para di halata. lols!
may kabarkada ako pag nakakaramdam na ng hilo ay nagpu-push up saka jumping jacks para pagpawisan. pwede ka ring sumayaw.
[Reply]
Sama ako mamaru para mag maghatid sayo pauwi pag lasing ka na hehehe.
Iceyelo’s last blog post..Back to Basic
[Reply]
im semi-back! wala pa internet connection sa bahay.
tips sexy mama:
1. huwag uminom ng walang laman ang tiyan. sigurado, ambilis pupunta ng alak sa ulo mo.
2. huwag magmadali sa inuman (pacing ika nga). pag minadali mo, mas madali amats. for sure.
3. tumbasan ng tubig ang bawat boteng beer na iniinom. para madali mag-wiwi, madali ma-flush-out ang alcohol. hehe.
4. agree ako with your moo. wag isuka. sayang talaga.
5. daanin sa chika at pagkerengkeng. keber kung onti lang naiinom mo, ang importante, alive ka pa at kwento galore. unless ang motibo mo ay magpahalay sa isa sa mga kasamahan mo, bagalan ang pag-inom.
6. after an alcoholic drink, order something non-alcoholic, para mas matagal ka rin malasing. hehe
miss ko na ang blogging! katamad naman pumunta ng internet cafe. mas masarap magbabad sa kama ngayon sexy mama! hehehe.
antuken’s last blog post..what?s in store for me in 2008?
[Reply]
antok lang pala ang kalaban mo e…
5. uminom ng 2 red bull bago tumoma!
defpotec’s last blog post..do you smell what BARACK is cookin???
[Reply]
pareho tayo ms. maru
dalawang bote lng din talaga kaya ko at apter nun, uusok na tenga tas mistulang lukaret na ewan ang epeks haha
dapat ata sa tin, gumamit na lng ng straw pag uminom ng san mig, ms. maru
(straw ng tetra pak na juice ang mean ko ha)
camille’s last blog post..can a ?wrong love? be ?right??
[Reply]
hmmnn iba iba pla.. kc sa akin iba..
di ako kumakain pag may mamam, chak, magsusuka ako… at baligtad ako, mabilis ako tamaan sa miglyt, pang redhorse at colt talaga ako
malakas ako uminom, khit feel ko na tinatamaan na ko, kaya ko p din dalhin..
tips? ahmmn
1. wag ka patayu tayu pag umiinom, lakas makahilo nun
)
Lols
2. damihan mo ice para naghahalo sa beer pag natutunaw at madali mawiwi ( kaso nakaka sakit chan kinabukasan
3. kung nasa outdoor ka, at gus2 mo wag malasing, patayin mo yung halamang katabi mo at yun ang hayaan mong malasing
[Reply]
Wala akong maibigay na payo dahil isa din ako sa mga unang tumutumbay sa tagayan. Nananahimik na lang ako tapos mamaya di na nila ako makita dahil nakahandusay na ko sa sahig. Tip ko, siguro, pag feel mo na na isang ihip na lang eh tutumba ka na, wag mo nang itagay. ahehe. O kaya itali mo yung sarili mo sa puno o sa silya sabay drawing ng mata sa eyelid parang jack sparrow, at least makatulog ka man eh para ka pa rin nilang kapiling LOL
Chillidobo’s last blog post..Book Trip
[Reply]
hayoko nang malasheng.. handami kong bad memories dahil sa kalashengan eh..
heniway di ako lasheng ngayon.. tinopak lang na patusin yung meme game daw nila.. ni-tag kita kasi i was also tagged (naks henglish yun) nasayo kung papatulan mo tong larong to…
hetong link: http://www.toingks.com/2008/01/meme-na-meme-ko.html
toingks’s last blog post..Meme na Meme ko?
[Reply]
uu mamaru, malakas sumipa, kaya pag nasipa ako, after 16 hours mo na ko bago maka usap uli
kya lang mas sanay ako dun kesa miglyt (yun kc mas mura
)
pero praktis din lang talaga, ako dati, pinapantal pa kinabukasan pag uminom ako, kso di tumagal pantal sakin, sinawaan na din
ska nga pla, wag u iinumin beer na mxado mabula
[Reply]
masarap uminom lalo na kung mga makukulit ang mga kasama…
[Reply]