Pansamantalang nahinto ang araw araw na pag inom ko ng kape sa umaga mula noong pinabaunan ako ng sandamakmak na mga teabags ng brader kong si Evan.
Nawala sa grocery list ko ang pagbili ng coffee kaya happy ang lola kasi nakatipid.
At ang maganda neto, parang naaadik na rin ako sa tea ngayon na mas maganda sa katawan kumpara sa kape. Siempre hindi na sekreto sa atin na madaming health benefits ang makukuha sa pag inom ng tsaa. Gumanda nga takbo ng metabolism ko eh….at gumanda akong tumatakbo papuntang cr. hehe!
Mga 3 times a day ako uminom ng tea sa ngayon. Baka eto na lang siguro ang gagawin kong bagong bisyo. Magpapaka-sugapa na lang ako sa tsaa. Imperness, madalang sumakit ang ulo ko mula nung nagpapakalunod ako sa tea. Nakakawala nga daw ng hypertension ‘to. Kaya tea na rin kayo ng tea diyan.










sarap mag tea tlaga
ako pag nag tea eh ang epek din eh nagbabalistad din yung ispeling ng tea
Lols
matalap din mamaru yung may mga flavah lyk vanilla chuva
Reply
goddess!!!! ako din nahihilig sa tea-tea na yan. hihihi.. pero peborit ko ang green tea.
Reply
tama si nancy reagan.
iya’s last blog post..eX-deal
Reply
maganda talaga ang tea, wag lang masyado sa black tea… ako hindi talaga mahilig sa kape e. ti ti lang eheste, tea tea lang pala, hahahaah
kengkay’s last blog post..Pinoy Care Giver
Reply
kung napabyahe ka ng MRT recently, meron libreng pinapamigay ang Lipton..Milk Tea. Sasakit ang ulo mo sa sarap hehehe, two days ko na nasubukan. Nakakabaliw for three reasons:
1. Tsaa sya (obviously)
2. Mukha syang kapeng may cream
3. Lasa syang gatas
WTF, nakakalito. Try mo. Daig pa Rubix cube, nakakabaliw!!! Awooo!!!
Chillidobo’s last blog post..Love Song 101
Reply
OO NGA. SARAP MAG TEA, NAKAKALIIT NG BILL OOFF RAYTS (BILBIL). GANDANG ARAW MARU. nAPADAAN ULIT…. ARAW ARAW NA AKONG BIBISITA SAU HAA…
Reply
grabe. ang sarap talaga mag tea lalo na pagising sa umaga dbest…….
Reply
mas masarap pa sa tsaa basahin ang blog mo mama…! dito sa kurokya ng Doha, sempre una sa umaga… magbasa muna… habang nilalasap ang sarap ng bawat patak ng napakainit na tsaa… pilit hinahanap at naman talagang nakakakumpleto ng araw… tila baga di mapatid-patid ang uhaw…
Reply
MARU
reply on July 6th, 2009 9:38 am:
uyyyyyyyyy! viva VIVO! maraming salamat sa pagtalik nyo ng blog ko dyan sa DOHA. balita ko maraming arabo jan, totoo ba?
best regards sa inyong lahat diyan, mga pogi!
Reply