Lakas Ng Piso

Dalawang magkasunod na gabi na akong nanonood ng bagong teleserye ng ABS-CBN na LOBO. Dalawang gabi na rin nangingilid luha ko ng dahil sa kwento. Awoooo! Hehe! Eto na naman ako…si iyakin.

Pero mas naluluha ako pag naalala ko yung nangyari kahapon nung tinanong ko ang tindero sa palengke kung magkano ang kilo ng sibuyas. P140 daw kilooo!!! Nyay!! Sabi ko nga, “manong naman…hindi ko binibili ang stall mo, yung sibuyas lang.”

Paksyet talaga! Noong nakaraang taon P40 lang ang kilo ng sibuyas a! Grabe! Ang lakas na talaga ng PISO! Lakas my ass!

Napilitan tuloy ako bumili ng ginisa mix na tig P2.50 ang sachet. Ayoko sana gumamit ng mga ganitong mix -mix kasi iba pa rin yung feeling na kaya sumarap ang niluto mo ay dahil sa tama ang timpla at mga sangkap mo at hindi dahil sa mga instant pasarap o magic sarap.

Kainis! Pag uwi ko galing palengke kahapon, dalawang uban na agad ang napansin ko sa buhok ko — instant result dahil sa kunsumisyon sa paglakas ng piso.

 

Blue Jeans … A Clothing Icon

 

Please leave a comment

  1. brath Says:

    kamusta naman sa presyo ng sibuyas ang mahal na nun a, tsk tsk,,,, i boycot natin si manong na nagtitinda ng sibuyas!!! tara!!

    xiao!

    brath’s last blog post..do i look fat? as in?

    MARU: aktwali nagrereklamo din si manong. bakit daw ganun na lang kamahal ang pag angkat nila ng sibuyas.domino epek nga eh, dahil sa mahal yung mamimili nya … patingi-tingi na lang kung bumili din ang mga tao.

  2. zoul1380 Says:

    baka naman nag iimport pa si manong sa amerika kaya ganon kamahal… hehe… lakas ng piso lakas din tumaas ng bilihin…

    zoul1380’s last blog post..Road Rage

    MARU: naghahanap na nga lang ako nung sibuyas na mestisa…yung puti kasi medyo mura yun. kaso hindi rin abelabol. malamang imported nga yung sibuyas ni manong….baka galing ng INDIA. :D

  3. k3mbot Says:

    sinabi mo manay, nagtataka ako sabi nila malakas ang piso pero d bumababa ang presyo lalo na sa mga imported na bilihin which is ang pinambibili e dollar mantakin mo nakakahiya na pala magpa-gas pag 2hunred lang papakarga mo … eto pa, kainis baba tuloy ng allowance ko :( baba ng e.r. waaaaa

    k3mbot’s last blog post..gising gising

    MARU: kanina pa ako nag iisip kung anong bansa galing ang e.r.! potek! e.r.= exchange rate pala! hay bobita ko.
    buti ka pa manay, kahit papano may allowance ka. hays, minsan gusto ko magdasal na san bumagsak ang piso! hahaha!

  4. weng Says:

    waaa.. pansin ko din yan. parang ang net world lang ang nakikiramay sa LAKAS ng piso eh. yung .info domain naging 100 php nlang dahil malakas na daw ang piso. internet my as*s. LOL.

    weng’s last blog post..Wala lang.

    MARU: kahit papano may makikinabang din pala.

  5. tony r. Says:

    sa tingin ko walang epek yung exchange rate sa presyo ng sibuyas or ibang bilihin. more of sa supply and demand. dapat sa paglakas ng piso, madali ng mag-import ng agri products kaso mo aangal naman mga farmers. yung mga importers naman sinasamantala ang kita nila dahil sa lakas ng piso. imagine kung P 56.00 pa rin ang palit at ang crude oil ay $100 per barrel, malamang gasolina eh P 60.00 per liter at siguradong lahat ng bagay tataas. ang talagang kawawa eh yung mga foreign funded families kc lumiit ang value nung remittance sa kanila.

  6. mine Says:

    ako nga parang gus2 ko c erap na lang pres. kc sa kanya $1= 56 talap talap… mataas nga piso eh may nakaramdam b nmn? at least pag mataas ang palitan sa dollar, natutuwa pa mga OFW families…

  7. Jolo G Says:

    Ate Maru,

    Baka mayroon kang maliit na kalupaan. Maigi pang magtanim na lang ng sariling sibuyas plantation.

    Jolo G.

  8. protoss Says:

    kc ang nkikinabang nman s pglakas ng piso ay un mga businesses n ng-iimport ng knilang raw materials. Ms nbibili nila un ng mura kc mataas n ang value ng piso… bale ang chain reaction nlng nun (at sna mramdaman) dadami or lalaki ang kita ng company at tumaas sna un manpower nla pra dumami ang mkpsok ng work.. hehehe.

    uu mhal n nga un sibuyas, nkabili me ng msmalaki lng ng konti s kalamansi, otcho ang presyo.. ampota.. huhu
    ndi ka maluluha s talsik ng sibuyas s mata mo, kundi mluluha ka s presyo..

  9. reyna elena Says:

    kaya eto nga ako ateng, kahit winter, nakabalandra ang aking ass sa kanto nang Market Street at VErrrrry Broad Street nagtitinda nang aliw eh kasi minsan wala na akong maisulat ki Ka Pepe dahil nga chinugi nang ayofff na gogol yong PR4 ko.

  10. linglingbells Says:

    tsk tsk.. pati allowance ko nga, apektado diyan sa paglakas daw ng piso!!! 100 dollars per month kasi ang usapan namin ng tatay ko.. wag naman sanang lumakas ng lumakas (daw) pa ang piso, kundi kawawa naman ako at ang mga pamilya nga mga ofws…

    linglingbells’s last blog post..haaay… sarap!

  11. Kotsengkuba Says:

    langyang sibuyas, peborit ko pa namang stand-alone ginisa yan o kalahok ng baboy sa bistek tagalog. dito sa tsina, dahil nga sa walang puknat na blizzards e dumoble daw ang presyo ng gulay sabi ng intsik kong housemate. pero malay ko naman kung totoo e sya ang taga-pamalengke ko, hahaha.

    Kotsengkuba’s last blog post..Special Edition Photo Story

    MARU: uu nga eh, kaya ginisa mix na lang muna gamit namin. kakainis.

Leave a Comment

Related Posts from the Past: