Mag-iisang linggo na akong sobrang stressed. Hindi dahil sa malapit na ang balentayms, wala na akong pakialam dyan sa mga balentayms-balentayms na yan. Eh alaws naman akong jowa so ano naman aasahan ko?
Pebrero ay buwan daw ng mga puso…pero pakiramdam ko buwan ‘to na magkakasakit ako sa puso.
Ga-gradweyt na ang dalawang bagets ko sa susunod na buwan kaya panay na ang paalala sa akin ng dalawa na next week final exams na nila. Ibig sabihin, bago ang eksamin nila bayaran ko na lahat-lahat ng mga fees sa school nila na dapat ay sa March pa ang due. Grrrr!
Tapos may mga yearbook ek-ek pa daw na babayaran. Mantakin mo ba naman na yearbook lang ay 2,500 petot na! nakngkalamay!
Andun pa yung ipapaalala din sa akin ang JS Prom ng panganay ko, high school entrance exam na kukunin ni bunso at higit sa lahat….malapit na raw mga birthday nila. Waaaah!
Parang gusto ko na mag tumbling tinding sakit sa ulo at sa dami ng dapat asikasuhin at ayusin. Hindi ko na halos alam kung ano ang uunahin bukod pa sa kung paano pagkakasyahin ang milyones kong kita mula sa polvoron ko.
Hindi ko na rin maisingit ang pagbili ng gamot ko sa budget ko. Matitigok na lang yata ako na walang kalaban-laban. Mga monthly utility bills ko nagdatingan pa. Amp talaga! Parang nananadya.
Been moving my ass and working like a dog since last week. Swerte na pag may 5 oras akong deretsong tulog. At pag nakakatulog ako parang ang sarap na wag na lang magising! Joke!
During tough times, i usually keep my sense and humor and see to it that i don’t lose my smile. Pero netong nakaraang mga araw, parang nauubusan na ako ng sense of humor. Ang hirap na ngumiti sa personal. I can hardly keep my spirits up.
Eto ang mga panahon na kahit saan ako tumingin - mapaharap, kanan, kaliwa, o sa likod man, wala akong makalabit o malapitan. Walang tatay, walang nanay, kapatid o pinsan na matatakbuhan. Lupit!
Kaya nga ang ginagawa ko ay tumitingala na lang ako. Malay ko nga naman baka pag tumingala ko ay biglang may malaglag na grasya galing sa itaas. Well, alam natin si Lord - minsan masyadong masorpresa. Live by faith na lang ang beauty ko.
Nonetheless, i know it’s going to be okay. I’ve made it through difficult times before, and i always land on my feet. Maybe not dancing; maybe not always sure about what to do next. One thing I’m sure of …. this too shall pass and everything is going to work out fine.
"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 


February 12th, 2008 at 11:21 am
bilib me seo, kht dami mo gwain ay nkkpg-update ka pdin ng blog at may humor ka p rin inspite of meni problems..lol.. rocks yosh
[Reply]
February 12th, 2008 at 12:12 pm
ika mo nga kaya mo…that’s the spirit!
buti nalang di na 100 years bago umapir ang mga letra pag nag comment ako…mabilis na woohoo!
Girlie’s last blog post..Must Go Online!
[Reply]
February 12th, 2008 at 12:42 pm
hay naku goddess, ako nga wala pang anak harass na harass din kung paano pagkakasyahin ang mga kadatungan ko. hays.. tara! ibugaw natin ang isa’t-isa. LOL!
[Reply]
February 12th, 2008 at 3:57 pm
amen to that…malalagpasan mo rin yang mga ganyang pagsubok mare. hindi madali yan pero wag ka mawawalan ng pag asa. ikaw lang din kasi inaasahan ng mga anak mo..congrats na rin ah! malapit na pala graduation…accomplishment ng magulang yun! astig ka!
[Reply]
February 12th, 2008 at 4:27 pm
tama nga po yan positive ang outlook mo sa buhay believing na malalamplasan ang lahat kahit na kubang kuba na kakahanap ng paraan. malay mo maglaglag ng sandamakmak na pera yung bespren natin sa itaas. heheh
[Reply]
February 12th, 2008 at 5:15 pm
yep, sabi nga ni alanis, life has funny way of helping u out wen u think everythings gone wrong and everything blows up in ur feheheys ….
[Reply]
February 12th, 2008 at 6:31 pm
tama ka dyan mare…malalagpasan mo yan..kaw pa..palagi kang winner…ano pa?hehe,
Maldito’s last blog post..Bili na! Pinoy At its best!
[Reply]
February 13th, 2008 at 9:00 am
@ protoss: kelangan ko mag update kahit wala ako sa mood o madaming ginagawa kasi binabayaran na ako para mag blog. hahaha! ayoko sana ng mga ganitong klaseng entry kaso minsan kelangan mag pour out din kasi kahit papano nakakaluwag din ng dibdib.
@ girlie : nice to see ur name again. honga, kahit papano mabilis na ang host ko unlike dati na 48 years ang inaabot. hehehe! 100 years pala ang inaabot mo. nagbago na ako ng host.
@ jojiepie : baka ikaw maging mabenta pa. ako kahit ibugaw di na yata kikita pa. hahaha!
@ gasti : pare, maraming salamat. kahit papano di pa naman ako nawawalan ng pag-asa. minsan lang talaga napapa-aray lang ako pag nagsasabay sabay na. oo nga, kahit papano magkokolehiyo na ang panganay ko. baka pag nakatapos yan pare, baka yayaman na ako. yey!
[Reply]
February 13th, 2008 at 9:05 am
@ rhapsody : positive naman ako lagi. kaya nga naging dalawa ang junakis ko. oppsss! ibang positive pala yun. sa pregnancy test pala yun. sana nga umulan ng pera….yung euro dollars ha kasi mas malaki ang palitan. lols.
@ mine : hmmmn… alanis. isa lang alam ko na kanta ni alanis a. mas maka avril lavigne ako. nyehehe!
@ maldito : pareng maldito, maraming salamat sa pagbubuhat sa akin. lols. i mean for lifting my spirit up. pa kiss nga!
[Reply]
February 13th, 2008 at 4:46 pm
that’s the spirit! isipin mo na lang..mas madaming tao ang mas may matinding problem kesa sayo..DO GOOD..LOOK GOOD and FEEL GOOD
keri lang yan mi amiga…pag di mo na keri…we’ll keri it for yah…echos! di ba nga there’s a rainbow always after the rain eh kaya lang matagal pa ang tag ulan, summer pa daw…hahaha kaya wala pang rainbow lol
mwaaaaaaaahh..hugs to you maru
chuvaness’s last blog post..Project: Help Chuvaness Find Another Job
[Reply]
February 14th, 2008 at 12:59 pm
gurl malapit na ko maadik sa blog mo. katuwa! ok lang yan. kaya mo yan.. heheh
[Reply]
February 14th, 2008 at 10:04 pm
salamat sa pagwelkam!
bisita ka sa blog ko ha http://www.ganjasinta.wordpress.com . sana maaliw ka kahit papano.
salamat ulit.
[Reply]