Habang nakasakay kanina sa dyip bitbit ang mga pinamalengke . . . hindi sinasadyang nakapag-emote ako. Dala na rin siguro sa makulimlim na panahon at dadalawang pasahero lang kami… nakapagmuni-muni ako kumbaga.
Sabi ko sa sarili ko, “tibay mo rin talaga, neng”.
Isip isip ko…siguro kung mahina-hinang klase ng loob meron ako at simbabaw lang ng kanal namin sa labas ng bahay ang pananampalataya ko sa buhay…malamang matagal na akong bumigay at naging babaeng-grasa.
Nakaka-torete ang mga pinagdadaanan ng buhay ko hindi lang noon kundi ngayon din. Ops, ayoko na ikuwento mga nakaraan sa buhay ko kasi kakasawa na ang makarinig ng mga reaksyon na… “uy! pang Maalaala Mo Kaya pala wento mo” eh, hindi naman nakakagaan ng pakiramdam ko ang mga ganung komento.
Mahigit pa yata sa pitong kulay ng bayaghari bahaghari kung kukulayan ang wento ng layp ko. Sa sobrang kolorpol, baka kulangin talaga ang mga kulay para ilarawan yun. (nyay! deep-deepan ang drama ng lola.)
Pero di nga, kanina habang nasa dyip parang bigla akong nakaramdam ng pagod. Siempre naman kahit papano parang tao na rin ako, i mean tao lang din ako. Marunong din ako mapagod.
Pagod ako sa kaiisip, sa pakiki-duwelo sa buhay. Pagod ako sa kaaalaga ng ibang tao…sa mga anak ko. Natanong ko sa sarili ko eh ako? Kelan ba ang huling may nag alaga sa akin? Naahh! Self-pity…is dat chu?
I know self-pity will get me nowhere. Pero siempre, babae ako noh. Hinahanap-hanap ko rin yung pakiramdam ng may nag aalaga. O sige kahit wala na lang yun. Pero yung paminsan-minsan man lang sana ay makaramdam ako ng kahit konting tapik sa balikat galing sa kahit kanino na lang… kailangan ko ang mga ganun eh.
Sa mga susunod na araw, kahit papano mapapaiba ang mukha ng kapaligiran ko sa pupuntahan ko. Kahit hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dun o kung papaano gugulin ang mga araw ko dun —eh, bahala na si Batman.
~~~~~
Biglang naputol emote ko.
Nasa amin na pala ako at sakto pagbaba ko ng jeep…biglang buhos ang malakas na ulan.
Ayus! Nakidalamhati si panahon.
Ok lang kahit basang basa ako sa ulan … nahimasmasan naman ako.
Eto, at back to regular tuning na ako. Normal-normalan na ulit.
Let’s Talk About Cars

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 


February 20th, 2008 at 10:43 pm
ineng tama ka dyan minsan gantimpalaan mo rin ang iyung sarili. bigyan mo ng konswelo de boboo kaya aliwin mo ang sarili mo pagkatapos nun back to the future uli he he he…. minsan tinapik kita natakot ka naman he he he
[Reply]
February 21st, 2008 at 12:48 am
Miss Maru, ganyan talaga - life is tough but you need to be tougher. Normal lang yan nararamdaman mo.
[Reply]
February 21st, 2008 at 8:38 am
emo to the max ah.
personal masseuse ang kelangan dyan 
calvin’s last blog post..Sway
[Reply]
February 21st, 2008 at 8:52 am
ineng ano naman itong nalunok este nakain mo at napa-emote kang bigla. totoo langga ang kwento mo pag ang drama side ang titignan ay pang Maalaala Mo Kaya. subalit, datapwa’t, ngunit at sa kabilang banda ay meron din itong side na pang Xerex at True Confessions. Yun ang magandang ikwento langga pag maulan hehehe.
selvo’s last blog post..Look who’s talking
[Reply]
February 21st, 2008 at 9:58 am
kung maging ‘neneng grasa’ ka, malulugi ang mga oil company sayo, siguradong tataas lalo ang presyo ng langis.. tana, sa puti mong yan.. ilang galon na grasa kaya ang uubusin sayo..
at
re dun sa nabasa ka ng ulan, dyan ako naniniwalang may Diyos talaga:
1. either di ka naligo at pinaliguan ka nya
2. either mabaho ka na sa lakad mo
3. or sabi nya di bagay sayo ang emote at magising ka na!
defpotec’s last blog post.. rel="">…chat…
[Reply]
February 21st, 2008 at 12:18 pm
hindi ko sasabihing pang-Maalaala Mo Kaya ang drama mo dahil pang-broadway musical to in the likes of Chicago “So I took the shotgun off the wall and fired two warning shots… into his head”
Kotsengkuba’s last blog post..Globe Kababayan OFW SIM Pack between your legs
[Reply]
February 21st, 2008 at 1:16 pm
ms. maru.. i feel for you.. all i can say is you’re strong and witty and for sure u’ll surpass everything.. with that kind of faith? you’ll make it through life.. idol tlaga kita..
[Reply]
February 21st, 2008 at 1:38 pm
MARUUUU!!!! We’ll wait for yah ha!!!
WHAT: Grand EB with special guest, MAMI KENGKAY
WHERE: Starbucks, The Podium
WHEN: February 24, 2008, 5-5:30PM
AGENDA: Chismax + Videoke + Picture taking + Food + Blogging 101
Practisin nyo ang social climbing!
Sa ELBOW ROOM po tayo mag vi-videoke. But if you have other suggestions let me know ASAP. I need to confirm your attendance para mai-reserve ko kayo ng sarili nyong silya. Yung mga sure na sasama, leave na lang po ng message. Salamat!!! Kita kits!!
Send MAMI KENGKAY some love. Text nyo sya: 0917-601-5788
[Reply]
February 21st, 2008 at 7:48 pm
kakamis nga maligo sa ulan… parang masarap maligo sa ulan sabay emote, yung parang sa pelikula …. n den d rain wash away my tears ang drama
.. masarap din yung kissing in d rain scene lyk sa 4 weddings n a funeral, halikan 2 d max, tz sabay, is it raining? i hardly notice! LOls
[Reply]
February 21st, 2008 at 10:21 pm
dun sa linya mong kelan ka kaya yung ikaw naman ang aalagaan, ay grabe, naalala ko yung isang scene sa 27 dresses (have you seen it yet? i sooooo love it, hehe)… cute yung movie sexy mama. nung nanood nga ako kanina sa sinehan, mag-isa ako sa moviehouse. ang hubby ay working, nagising ako early kaya’t napagisipan ko na manood. ang sweet ni james marsden dun. i never really liked him much, pero cute sya dun sa movie. punta ka sa eb on sunday? hehehe
antuken’s last blog post..becoming mrs. antuken
[Reply]
February 22nd, 2008 at 1:39 am
ganyan ata talaga ate maru ang buhay.. naks parang may alam na ako eh noh..
minsan, kelangan din natin ang ulan at konting pagdadrama para mahimasmasan at makamove on na..
*hugs*
karmi’s last blog post..photoblog #1: no smoking
[Reply]
February 22nd, 2008 at 2:39 am
blessing yung ulan sayo,, and it hides your tears..
[Reply]
February 22nd, 2008 at 4:15 am
kaya mo yan fren, go lang ng go … laban kung laban. mabuhay ang mga single parent!!!
[Reply]
February 22nd, 2008 at 8:40 am
nakisama ang ulan.
galing talaga ni God.
it hides away your tears.
Dakilang Tambay’s last blog post..RN na ako, finally…
[Reply]
February 22nd, 2008 at 9:38 am
ay parang di bagay sayo mag emo…teka punta ka manila?
Girlie’s last blog post..The Ivy League Advantage
[Reply]
February 22nd, 2008 at 7:33 pm
darating ang sandali na iisipin mo ang mga naging problema at magtataka kung paanu ito nasolusyunan o nagpadaan, that’s life
[Reply]
February 22nd, 2008 at 10:18 pm
i wonder, nakakaramdam din kaya ng ganyan ang nanay ko? di naman siya single-parent pero nasa ibang bansa kasi tatay ko.. minsan lang talaga sila magkita.. yaan ninyo po, malay ninyo, biglang dumating ang taong mag-aalaga sa inyo sa panahong di mo inaasahan..
linglingbells’s last blog post..taluhan
[Reply]
February 23rd, 2008 at 9:34 pm
naalala ko tuloy yung senti moments ko din with matching background music pa minsan..
Angel’s last blog post..Demmet! Papayat pa ba ko?
[Reply]