Babae Ako Higit Sa Lahat

woman2.jpg

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Bagong buwan na kaya dapat bago rin template ng blog ko.

Parang bahay na rin ang turing ko dito sa blog ko kaya natural lang na dapat bigyan din ng panahon ang paglilinis, pagliligpit, at pagbabago ng ayos ng pamamahay blog ko. Kumbaga, dapat palitan na ang mga lumang kurtina, maglagay ng mga bagong kaartehan, ng mga bagong pakulo, at kung anik-anik pa.

Ewan ko, basta mahilig ako magpalit ng ayos ng bahay. Kaya wag na kayo magtaka kung papalit palit din ako ng template sa blog ko.

Hmmmn…baka naman may jackass diyan sa tabi-tabi na magparinig pa na kesyo magulo akong tao, paiba-iba ang gusto ko at papalit-palit ako ng isip ha!

Huy! huy! huy! Eto lang ang masasabi ko sa ‘yo, BABAE ako higit sa lahat! At karapatan ko ang magbago ng isip! Kaya saylens ka na lang dyan or i will keel yooo!

Mabalik ako sa bagong anyo ng blog ko. Aktwali, hindi naman major renovation ang ginawa ko. Binigyan ko lang ng konting kaibahan ang itsura ang header ko. Kelangan ko lang talaga gawin ‘to para naman hindi magsawa sa ayos ang mga nakatira dito o mga nagagawing bisita. Bukod pa yan siempre sa dahilan na sadyang maarte lang talaga ako. Kumbaga sa sex din, konting paiba-iba ng position at lugar para naman hindi nakakaumay, o divah? Kung kinakailangan magtalik sa loob ng aparador o sa ilalim ng kama o sa loob ng ref… sus, dapat GO lang ng GO! Wak na mareklamo!

Speaking of nakakaumay, uy payo ko sa mga misis diyan, ala ey! paminsan-minsan naman ay maging innovative o ilabas nyo na ang mga natatagong creativity nyo sa sarili at hala! i-apply yan sa kung saan pwede sa buhay-misis nyo. Halimbawa, kung kinakailangan nyo magsuot ng pekpek shorts ng paminsan-minsan o kaya maglabas ng cleavage kahit nasa bahay lang ay ARYA lang! Gawin nyo.

Wag matakot sa pagsusuot ng mga seksing damit at hindi yung laging naka-duster lang kayo lagi. Para naman hindi makaramdam ng pagka-umay sa inyo si mister. Hehehe! Luk hus toking ha! Hays, siguro kung may mister lang ako, malamang lagi ako tinutuktukan sa ulo sa kalandian ko sa kanya.

Naalala ko since wala naman pala akong asawa, wag nyo na seryosohin mga sinabi ko sa itaas. Nagmamarunong lang ako at nagkukunyari-kunyarian lang. Nag i-imagine lang ako.

Babush!

8 thoughts on “Babae Ako Higit Sa Lahat

  1. hehe. korak ate maru. i know naa jd koy makuha sa cge nako pagbisita sa imong blog ba. dili dapat tungod minyo na, magpakalosyang na. haha.

    MARU: kaith, sa kagwapa nimo…maski mag duster ka lang pirmi….murag dili sumhan sa imo si hubby nimo. ๐Ÿ˜€

    [Reply]

  2. ayos! sunflower naman ngyon..isa rin yan sa mga paborito kong bulaklak..hehe! masarap din kainin yan.

    korekek at sinasang ayunan ko yang mga pananaw mo sa buhay misis/asawa. mabuhay ang mga kababaihan! iwasan ang pagkalosyang.

    MARU: nyahaha! anong klaseng flower ba yung kinakain mo? tama ako pareng gasti…dapat iwasan ang magpakalosyang. dapat iwasan ang mga lalaki dahil malakas makalosyang ang mga lalaki. bwahaha! joke!

    [Reply]

  3. jackass sa tabi tabi Lols ๐Ÿ˜† hehe
    saylent na lang ako ๐Ÿ˜€ bk pati ako madedo ๐Ÿ˜€
    nice flower mamaru este nice sunflower pala ๐Ÿ˜€

    MARU: hindi ko mailagay ang flower ko sa header ….wildflower kasi ang plawer ko. wahaha!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *