Huling Araw

Author: MARU  //  Category: Inner-self, Inner-thoughts

Kung tatanungin ako ng Diyos kung gaano kita minahal, ang isasagot ko, 10 beses na higit pa sa nararapat. Minahal kita hindi dahil pakiramdam ko lang tama, pero dahil ginusto ko yung naramdaman ko at walang kung ano pa man.

Minsan mo na akong tinanong kung pinagsisisihan kong nakilala kita. Sinabi ko hindi. Ngayon na nga siguro ang araw na kinatatakutan ko. Dahil kapag tinanong mo ulit sa akin yan, alam kong oo na ang isasagot ko. Sa lahat kasi ng nangyari sa buhay ko, ikaw lang ang gusto kong burahin. Wala ng iba.

Alam kong tama na tong ginagawa ko ngayon. Tama ng mawala ka sa buhay ko. Dahil alam kong wala ng pag-asa yang sinasabi mong pagkakaibigan natin. Tanga lang ako na minsan kong inisip na yun ang pinanghahawakan ko pero hindi pala. Dahil pinili mo pa rin akong saktan kahit alam mong dapat naging isa kang kaibigan.

Nung mga panahong ikaw at ikaw lang ang kailangan ko, hindi man lang kita mahanap. At kahit alam kong alam mo yon, pinili mong tiisin ako. Ngayon hindi na ko umaasang nandyan ka pa, dahil simula palang nang-iwan ka na.

Itinapon ko na rin ang lahat ng kasinungalingang sinabi mo na ang masakit ay pinaniwalaan ko. Nang sinabi mong importante ako sa yo at hindi mo kayang wala ako, kagaguhan lang yon. Siguro napilitan ka lang sabihin yon, o di kaya, sinadya mo para paasahin ako.Ngayon, lahat ng binitawan mong salita, wala ng halaga. Simple lang ang rason: dahil wala ka ring kwenta.

Wala na rin akong pakialam kung nagustuhan mo man ako o hindi. Ang importante, nagbigay ako ng buong buo at ni minsan ay hindi humingi ng kahit anong kapalit. Kahit papano, naturuan mo akong maging matatag. Natuto na rin akong tumigil sa paghahabol at pag-iyak sa taong manhid na tulad mo.

Siguro nga nasira mo na ang lahat sa akin. Ang paninindigan ko, tapang at paniniwala ko, pati ang katauhan ko, pero kaya kong ibangon ang sarili ko at mabuhay ng wala ka. Ako pa rin to. Oras at araw lang ang nagbago.

Ngayon na ang huling beses na sasabihin ko ito sa yo. Ngayon na ang huling pagkakataon na iisipin kita. Lahat ng bagay na dumaan, burado na. Pati buhay ko, bago na. Ngayon na ang huling oras na mamahalin kita. Ngayon na ang tamang oras para sa lahat, para malaman mo kung gaano mo ako sinaktan. Tapos na yon lahat ngayon. Ito na ang huling araw ng paghihirap…Tama na, tapos na. Pero sa huling araw na ito, isa lang ang sigurado ako…

Hindi ito ang huling araw na sinabi ko lahat to.(Nyeta!)

Tags:

9 Responses to “Huling Araw”

  1. selvoNo Gravatar Says:

    HAPPY WOMEN’S DAY Langga… muah!

    selvo’s last blog post..In Memory of Attys. Bob Gana & Caloy Ollado

    [Reply]

  2. KotsengkubaNo Gravatar Says:

    happy womens day din.. women’s day nga ba? hindi ko naintindihan yung post mo, hahaha. itinigil ko pa yung panonood ko ng lost :D
    Kotsengkuba’s last blog post..In pursuit of independence and representation

    [Reply]

  3. geishaNo Gravatar Says:

    wow!
    lasang ampalaya to ate :) heheheh :)
    geisha’s last blog post..nasa ‘kin ang huling halakhak

    [Reply]

  4. BananaNo Gravatar Says:

    Di ko rin man maintindihan ang post na ito but i like.

    Lasang ampalaya man at least may sahog na baboy.

    Maruness. Nasa yo ang huling halakhak. :lol:
    Banana’s last blog post..LOTS About Dubai

    [Reply]

  5. iceyeloNo Gravatar Says:

    Hebigat ang litanyo mo ngayon mamaru ah. hehehe. Huwag mo na kasing ulitin kung ayaw makinig. ako na lang bulungan mo. hehehe.

    Oo naman, buhay na buhay pa. Medyo naging busy ka lang. wag ka na tampo. wabyu… nyahahaha

    iceyelo’s last blog post..Stand!

    [Reply]

  6. MARUNo Gravatar Says:

    @SELVO : salamat langga. mwaaah!

    @KOTSENGKUBA :amp! kunsensyahin ba naman ako. tama ba yun? yaan mo na. hindi ka naman nag iisa kasi kahit ako hindi ko rin maintindihan ang entry na ‘to. wahaha!

    @GEISHA : bitter-bitteran ang drama ng lola mo, dai. :D
    @ BANANA : anniepie, napaghahalata kang galit sa pagkain. wag mo na pansinin ang pagiging mapait ng entry na ‘to. arte lang ‘to.

    @ ICEYELO : kung may ibubulong ba ako sa yo ay pakikinggan mo ko at pagbibigyan? hmmmnn…parang iba ang gusto ko ibulng sa u … sabay himod sa tenga mo. type mo? awwww!

    MARU’s last blog post..Huling Araw

    [Reply]

  7. jojitahNo Gravatar Says:

    goddess!!!! ako nagets ko. ;)
    hamisyu!

    MARU: waaaaahh! jojitahhhhh! ur bak! may gad! na miss kita sobra! ano, tuloy na ba ang ligaya ulit? sana ok ka na….

    [Reply]

  8. mineNo Gravatar Says:

    hmmn, ano kaya meron :D nasiraan k din b ng microwave? :D punyemas na mga lalaki yan!!!

    MARU: nakikisimpatiya lang ako dun sa isang post mo. hehehe!

    [Reply]

  9. camilleNo Gravatar Says:

    makiki apir ako sa litanya mo miss maru ;)hehe

    camille’s last blog post..The best things said come last…

    MARU: aruuuuu! inlab na inlab ka nga jan eh. hehehe

    [Reply]

Leave a Reply