Kahit pinoy na pinoy naman talaga ang arrive ng real name ko, pero gusto ko pa rin i-try ‘tong Filipino Name Generator kung ano ang kalalabasan na filipino names kung ang mga sumusunod na screen names ang gagamitin ko:
Kunyari, “Maru”
My Pinoy / Pinay Name result is:
- Ma Estrella Rosamaria Mai-Mai De La Cruz.
Maria…kunsabagay may Maria naman talaga sa birth certificate ko. Ester?… Estrella? Hmmmn…ngayon parang naniniwala na ako na sadyang ipinanganak ako para maging isang bituin (na walang ningning). Kahulugan pa lang ng name na MARU… star na star na. Arruuu! (no raising of eyebrow please!)
Napaka-hinhin ng tunog ng buo kong pangalan. Saktong-sakto sa napaka-”conservative” kong image. Kunsabagay, yung mga magulang kong mga dugong-ilustrados ay pinalaki talaga kaming pinong-pino kung gumalaw kasi para daw bumagay kami sa lipunan na kinabibilangan namin na nasa alta-sosyedad. Ang angst-angst ko!
Teka, ma-try ko nga rin ang term of endearment na “Mamaru”
My Pinoy / Pinay Name result is:
- Ma Estrella Rosamaria Mai-Mai Magarin.
Nickname ko Mai-Mai? Sus, kasi ang mga filipino talaga ay mahilig sa mga paulit ulit na nicknames … Junjun… Johnjohn… Mimi… Meme… Tata… Toto… Titi….
Rosamaria pa rin ang lumalabas na middle name ko. Pang-santa talaga ang dating. Pang-kumbento ang arrive. Hmmn, siguro mga great-grandmothers ko ay dating mga madre (madre de pamilya). Mga frustrated nuns siguro mga kalolahan ko na hindi napigilan ang sarili sa mga buyo ng mga makamundong pagnanasa at naging mahina sa mga tawag ng laman. Wahaha!
Ayoko ng last name ko dito, parang tunog-MANTIKILYA na pina-slang ang pagbigkas. Hindi nababagay sa isang katulad ko na ang nananalaytay na dugo sa kaugatan ko ay dugong-bughaw.
Eh kung “Maruja” kaya?
My Pinoy / Pinay Name result is:
- Ma Estrella Rosamaria Mai-Mai Magbanua.
No offense sa mga Magbanua, hindi ko sinasabing mabantot ang apelyido na ‘to pero hindi ko yata ipagpapalit ang kasalukuyang apelyido ko na isang “Zobel de Ayala“. Tarush!
Try nyo kung ano ang Pinoy/Pinay name nyo dito:
Take The Filipino Name Generator today!
Created with Rum and Monkey’s Name Generator Generator.
*****
Pics — Capture the Moment and the Soul
Once we went digital, the world of photography opened up to us — the masses




"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 


March 9th, 2008 at 1:57 pm
Parang di talaga mawala ang Estrella at Mai Mai ano?
hehehe
Ako pala si Ferderand Pedring Drummer Balandra.
dru’s last blog post..Looking For A Job?
[Reply]
March 9th, 2008 at 7:58 pm
@ DRU: amp! ambantot ng Pinoy name mo. bwahahaha!
[Reply]
March 9th, 2008 at 8:37 pm
Hi miss mai mai.. heheheeh
[Reply]
March 9th, 2008 at 11:09 pm
maimairu!
isa ka talagang bituin! … na nagni ningning sa margarin! 
hehe, maganda p din yang sau, sakin may tunog salbabida pa eh , parang alam na marami akong salbabida sa tiyan
[Reply]
March 10th, 2008 at 10:00 am
ngayon ko lang napansin….
Estrella = Star
Magarin = Margarine
waaaaah! ang sagwa! Star Magarin! Amp!
[Reply]
March 10th, 2008 at 11:42 am
honye maru, star margarine??? hahaha. adik yata yung gumawa ng translator na yun eh. nangloloko?? hehehe. ako kaya ano kaya pinoy name ko kasi my real name is CRAIG ANDREW WILLIAMS may foreign blood kasi ako eh. wahahaha!!!! PIZ!!!
popoy’s last blog post..scenario
[Reply]