Summer Na Po!

summer.jpg

Woohoooo! Napapakanta na ako ng “… sameer breeeeeze meyks me fil paynnn…”.

Amoy-summer na at ramdam na ramdam ko na ang init ng panahon. Mainit pero ok lang kasi nasa probinsya naman ako…at may kasamang preskong hangin pa rin naman ang init dito kahit papano.

Dito sa probinsya ko, pag tumingala ka ay makikita mo na agad na maaliwalas at talagang kulay-blue ang kalangitan. Hindi gaya pag nasa Manila ako… pa-lapag pa lang ang eroplano nami-miss ko na agad yung kulay-bughaw na langit. Puro smog na kasi ang kamaynilaan kaya madalas din mamula ang mata ko pag nasa Metro ako. Parang akong adik na ang itsura ay sabog sa kasisinghot ng panis na singit.

Tsaka yey! Nag uumpisa na rin mamulaklak ang puno ng mangga ko. Yup, may mango orchard ako dito sa amin. Joke!

Dagsaan na rin ang pipol sa mga beaches lalo na sa Boracay. Noong nakaraang lunes lang ay nasa domestic airport ako para sa return flight ko for Cagayan de oro. Maaga ako ng mahigit isang oras sa departure time ko.

Ayoko na kasi maulit ang experience ko na naiwanan ng eroplano. Bukod sa mabilis ang mga lintek na airline magbigay ng “no show” na multa…ayoko na rin ang mapaihi sa sobrang pagka-tense sa mga ganung sitwasyon.

Dun sa pre-departure area habang naghihintay ng boarding time, as usual enjoy na naman ako sa katitingin sa iba’t ibang pasahero lalo na ang mga foreign passengers na laging dagsaan sa biyaheng Caticlan. Isa sa ikinatutuwa ko lagi na makita at walang palya yan ay ang mga pasaherong mga Koreans. Kadalasan a group of couples sila. Madami sila lagi.

Ang hindi ko lang masyado maintindihan ay kung bakit palaging terno-terno din ang suot ng bawat couple. Naobserbahan ko yan ng ilang beses na. Akala mo talaga ay may mga sasalihan silang dance contest sa pagka-pare pareho ng get-up nila. Talagang coordinated ang style at kulay ng mga damit. Nakakatuwa silang tingnan at naaalala ko tuloy yung mga namayapa kong sisters na magkakambal na laging terno din ang mga damit noong bata pa sila.

Nakapag tour na rin kasi ako sa ibang bansa noong panahon ni mahoma at natatandaan ko, may inilalagay kaming stickers sa mga bandang dibdib ng damit namin para malaman na kasama kami sa group tour na yun.

Iniisip ko na baka siguro ganun ang gimik ng tour guide or travel agent ng mga Koreans na yun para hindi magkawalaan ng jowa o kaya walang agawan ng misis o mister habang nasa biyahe. Kumbaga para walang salisihan na mangyari sa mga partners nila. Sayang at hindi ko nakunan ng pics ang get-up ng mga tinutukoy ko. Takaw-pansin talaga sila sa suot nila.

Heniway, sa susunod sisiguraduhin ko ng may kalakip na ebidens ang ganitong entry ko para naman maging makatotohanan at para hindi ako puro satsat.

5 thoughts on “Summer Na Po!

  1. goddess.. belated hapi berdie. kung hindi pa nai-chika sa akin ni parekoy malamang hindi kita mabati ngayong taon na ito.

    it’s bery velated, haffy vithday novertheless!

    anu daw??? LOL!

    [Reply]

  2. ‘te maru, tama ka. yang mga koreans parepareho ng mga suot. one time dito sa may MRT sa ayala station, nakita ko ang isang kumpol ng mga koreans, parepareho sila ng TSHIRT. Eh meron din akong shirt na katulad ng kanila, buti na lang ng mga oras na yun eh hindi ko xa suot suot. well, hindi pa rin naman ako mapagkakamalang koreans, mukha akong terorista eh.hehehe..

    Summer na nga. Gusto ko ng bitch este beach..hehehe ๐Ÿ™‚

    popoy’s last blog post..scenario

    MARU: bolbol-sarado este balbas-sarado ka ba ‘poy? tsaka, hey I’m Maru…and i’m a bitch! wahaha!

    [Reply]

  3. dito rin sa aming probinsyang Cavite ay mganda ang tanawin at mga tao.. hehehe..mga koreano at koreana nga pare-pareho ng damit at pagkainit init balot na balot pa rin sila minsan.. haha..

    nku kelangan na bumili ng swimsuit! haha..

    mia’s last blog post..Disclosure Policy

    MARU: nakow! maglalaway na naman si bf mo nyan pag nakasuot ka na ng swimsuit mo. pangarap ko pa rin ang makapag 2-piece. parang sagwa yata sa akin ang 2-piece kasi maliit ako.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *