Kinaladkad ako kaninang hapon ng panganay ko papuntang school nila kasi may Tribute To Parents program silang ginawa bago ang graduation nila sa sabado. Kasama ko rin na nag attend ang tween doter kong si Keziah.
Nasa gate na kami ng school nila nang mapansin ko ang malaking colored tarpaulin na nakasabit sa may bakod.
Binasa.
Tinitigan.
Amp! tekaaa…… ‘ANAK ko ‘to a!!!
Eto sya! Waaaa! Gulat ako a! Oo alam ko that my Kevin plays Frisbee. Pag weekend, wala yan sa bahay at nasa practice lagi ng soccer o kaya frisbee. Pero hindi ko alam na nag-champion pala sila dun sa sinalihan nilang tournament last month.
At eto pa ang nabasa ko na ikinagulat ko rin talaga. Whoa! team captain pala ang bagets ko sa ng grupo nilang House Of MYU. Hindi naman kasi nya binabanggit sa akin ‘to.
Hmmmn… nakow, Derek Ramsey, magsanay ka ulit sa paglalaro ng frisbee at baka sa susunod eh ikaw na ang isa sa makalaban ng junakis ko. ‘O ha, angas ko noh!
Di ako sure pero parang si Derek yata ang artistang pinaka-popular na manlalaro ng frisbee dito sa Pinas.
Kanina pinaalam na sa akin ni Kevin na dadayo sila ng Cebu next month para sa isang tournament ulit ng frisbee. Baka nga daw aatend dun si Derek Ramsey (kras ko ‘to) kaya nagbilin na ako sa anak ko na kung sakaling aatend nga dun si Derek… wag na wag nyang kalimutan na magpakuha sya ng picture kasama ang ta-artis na kras ko. hehehe!
Napapangiti na lang anak ko sa akin na para bang sinasabi na “. . .jologs talaga ng nanay ko! “
Kevin Khalil real name ng bagets ko pero mas kilala siya sa school nila na “Kalel”. (di naman halatang labs din nya ang Superman movie di ba? Lols!)
Howel, PROUD MOMMA lang naman ako kanina.











wow! galing naman. yung chikiting ko kaya anong kahihiligan paglaki
excited na kong maging stage father, hahaha!
Kotsengkuba’s last blog post..Psychology of Fonts
Reply
huwaw! congrats! you’r a proud mama!
galing ng anak mo mare..
Reply
Proud mom! astig! ako yung nanay ko takot pumunta sa school ko dati… kasi alam nyang pag pinatawag siya ay may naghihintay na kahihiyan sa kanya sa school dahil sa mga kalokohan ko! hahaha! Nasa Dugo yan! Mana siguro sayo!
mix glorioso’s last blog post..Ang Mapait Na Aksidente Noong 2005
Reply
awwwww!! ang sarap ng feeling diba? daig pa ang nakahithit ng marijuana pag ika’y nalalaman mo ang nagiging tagumpay ng iyong jonakis for whatever it is, small or big.
galing ni kevin!
Banana’s last blog post..Mabubulag Na Ba Ako?
Reply
wow! congrats mama maru! galing naman ni kevin, hmm baka naman madiscover pa sya nyan at gawing artista. oh dba! hehehe!
misyel’s last blog post..Our Keng
Reply
naks. galing naman ng anak mo ate maru. manang mana sau magaling magaling magaling
. PROUD MAMA !!!
congrats sa team nila KALEL!!!
popoy’s last blog post..Gusto mo ba ng libreng load?
Reply
galing!
feel na feel ko ang pride mo while nagsusulat ka nito. o di ba naman, worth it ang pagpunta sa skul. gusto ka cguro niyang isurprise ate. panglibre pd ug pulboron oi, mag celebrate ta! hahahaha.
Reply
malupet pala sa frisbee yang anak mo ha! team captain pa…congrats!
Reply
Anak ko to!—go mommy…sino nga ba namang mother ang hindi proud sa kanyang anak lalo na sa achiever na tulad ni kevin. Congratz!!!
einn0c’s last blog post..Haler???
Reply
wow!! lalo ko tuloy nagiging kras yang anak ninyo! hehe!
linglingbells’s last blog post..katapusan na…
Reply
wow ms. maru.. ang galing naman nya..
halatang super proud ka..
pag na-piktyuran ng anak mu si derek patingin ako ah.. kras ko din sya.. hehe..
marian’s last blog post..i chose not to…
Reply
anak ng maru! galeng galenngg!
may modeling agency na ba anak mo? ahehe (malaking pera na naman to. ahehe)
raymond lee quijano’s last blog post..Chapter 3: Breaking Silence
Reply
congrats to ur son and goodluck sa next tournament. congrats din syo syempre kasi kung walang mom na katulad mo wala din sya. cheers to that!!!
Reply
wow hot papa in the making
k3mbot’s last blog post..ken lee
Reply
wow! congrats miss maru!!
sweet nmn ni kevin.. nasurprise tuloy si mamaru
camilleeee’s last blog post..germs
Reply
huwawwwwww!! ang galeng galeng nmn!
congratz maimairu! manang mana ba?
KK pla initials ng junakis mo
Reply
wow galeng, naalala ko tuloy nung nasa professional wrestling pa ko.. haaays.
crush mo pala si derek ramsey.. ewan ko kung makakatulong na ang tawag sakin ng mga kaibigan ko dati e derek ramsey ng muntinlupa ang abdominal muscles, nabanggit ko lang naman.
Jon Cabron’s last blog post..hubo!
Reply
waaaaaaah…sobrang hearthrob siguro ng junakis mo maru…parang ito yung nababasa ko sa sweet valley high dati! lol
grabeh jud. gwapo na athletic pa.
am so proud of you maru! congrats!
Reply
ang lupet ng anak, tulad ng nanay!
congrats!
coldman’s last blog post..The teaching experience
Reply
SA LAHAT: Maraming-maraming salamat! Mahal ko na kayong lahat. Kayo ang inspirasyon ko (charot!) Di nga, tenk yu talaga. Mwah!
Reply
ayus, iba ang mana sa nanay talaga, magaling tlaga
Reply