Mi Unica Hija

It’s my daughter Keziah’s 12th birthday today. Pero wala sya dito sa bahay kasi nasa isang tagong lugar sya kasama iba pang kaklase para sa isang retreat program ng school nila. Kaya mag-isa lang din ako aatend mamayang gabi sa graduation naman ng kuya nya.

ziahbday.jpg

“A daughter is a mother’s gender partner, her closest ally in the family confederacy, an extension of her self.” ~Author Unknown

Siya ang may malaking influence sa akin kung bakit natutunan ko na rin mahalin si Avril Lavigne at ang mga kanta nya. Parang kelan lang karay-karay ko pa ‘tong unica hija ko sa opis noong nangangamuhan pa ako. Pero ngayon, aruuuu! kasundong-kasundo ko na ‘to pagdating sa pagwi-window shopping. Pareho kaming walang kapaguran sa peborit sport namin.

Hays…ang laki na ng mga bagets ko. Ako lang talaga ang hindi lumaki sa aming tatlo. Mas matatangkad pa sila sa akin. Hmp!

Super-shy at tahimik lang tong dalaginding ko. Ibig sabihin, hindi nagmana sa akin. Kung anong daldal ko, sya naman tahimik nya. Kabaliktaran ko nga eh (buti na lang).

Maaaring salat kami sa maraming materyal na bagay at ni hindi kumpleto ang miyembro ng pamilya ko. Pero pagdating sa mga anak ko at sa mga pag uugali nila, masasabi kong spoiled pinagpala talaga ako ni Lord. Sobra-sobra ang binigay Niya sa amin na proteksyon na wag magkasakit at iiwas sa mga aksidente. Para sa mga magulang na gaya ko, yun namam ang higit na importante, di ba?

 

survey.jpgHamburgers and French Fries
Hamburgers and French Fries are a food staple in the U.S.

 

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner

8 Responses

  1. einn0cNo Gravatar Says:

    happy birthday to your daughter..i am inspired with your post.

    einn0c’s last blog post..Haler???

    [Reply]

  2. KotsengkubaNo Gravatar Says:

    i agree! parang kung pwede lang lagyan ng force field ang mga anak natin para siguradong ligtas sila palage e.

    Kotsengkuba’s last blog post..Psychology of Fonts

    [Reply]

  3. mineNo Gravatar Says:

    happy bday sa dalaginding mu mamaru! naku, madami ng chak na aali aligid jan :D kung sa binatilyo mo eh cool ka lang, jan natin makikita tibay ng dibdib mo hehe…

    pero m sure, masunuring bata nmn yan, kitams di nagmana sa kadaldalan mo hehe..

    uuyy, sarap ka jamming nyan kay avril !!! :D

    [Reply]

  4. jojitahNo Gravatar Says:

    happy birthday maru jr.! :D

    [Reply]

  5. MaruNo Gravatar Says:

    thank u connie…..nanay ka nga talaga. hehe!

    [Reply]

  6. MaruNo Gravatar Says:

    pero hindi ako over-protective na nanay. at hindi rin kunsintidora. basta kung ano na lang ang tama eh yun na lang ang sinusunod ko. bahala na kako si batman este si Lord!

    [Reply]

  7. MaruNo Gravatar Says:

    sayang! wala ka dito….imbitado ka sana sa childrens party. lols!

    [Reply]

  8. MaruNo Gravatar Says:

    di ko nga alam kung saan nagmana ‘to sa kahinhinan.

    yeah korek ka. kahit papano masunurin naman.

    [Reply]

Leave a Comment

Please note: Comment moderation is enabled and may delay your comment. There is no need to resubmit your comment.