Rss Feed
Tweeter button
Facebook button
Technorati button
Digg button
Stumbleupon button

Parang Kami Na Hindi

March 16th, 2008

Mahirap nga ba makipag MU?

“Kami na ba?”

“Parang mag-on, parang hindi.”

“Kayo pero hindi pa rin kayo”.

Pamilyar ba sa inyo ang ganyan? O na-experience nyo na ba ang makipag-MU (mutual understanding)? Eh ano naman ang kinalabasan? At may kinahangtungan ba?

Naisip ko lang ang gumawa ng ganitong entry kasi may mga tatlong blog yata akong napasyalan last week at lahat ay may tema tungkol sa pakikipag-MU nila na nauwi sa pagiging broken-hearted na sa palagay ko naman ay hindi dapat nauuwi sa ganung sakitan, iyakan o sa pagiging luhaan sa huli.

Walang masama sa pakikipag-MU at minsan ay hindi mo talaga maiiwasan ang maka-experience ng ganitong relasyon.

Para sa iba ito ay isang “bizarre” kind of relationship. Dito talaga magkakasukatan kung gaano kalalim ang pang-unawa mo at magkakaalaman din kung gaano kalawak ang kayang abutin ng isip mo. Mas makikilala mo dito ang sarili mo – kung anong klaseng partner ka ba talaga?

Kung ikaw ay ang tipo ng syota na selosa, gusto ng nilalambing palagi ,o kaya isang attention-whore – ay! Di uubra sayo ang tinatawag na makabagong emyu.

Sa punto de vista ko (naks!), mas pabor ako o mas gusto ko ang ganitong relationship. Malamang marami din ang pabor gaya ko o kaya kontra – pero depende na lang sa klase ng tao at kung anong pananaw sa buhay meron sya.

Gaya ng ibang relationship, nag i-evolve din ang pakikipag-MU. Nagiging makabago. This is a self-style kind of mutual understanding and for some women (like me), it’s not exactly a bad thing.

Ano nga ba ang makabagong mag ka-MU?

Eto yung “i’ll be your bf — sort of, and you’ll be my gf — sort of”.

Both of you go on date, madalas magkasama nanonood ng movies, kumain sa labas, mamasyal, magkasama sa mga out of town trip, nagti-text ng araw araw, nagtatawagan, at yung iba pa nga they involve each other into having incredible sex pa. Lols. Parang walang halos sa pinagkaiba sa mag syota din. Eto rin yung chinuchuva na “more than friends, less than lovers” kuno.

Kung may ka-MU ka, o malamang nahantong sa nagka-EMYUhan kayo bcoz you share the same belief about life, family, u share each other secrets…and both of you are more aware na mas malalim pa ang koneksyon nyo sa isat isa sa maraming bagay. You both see the relationship as more than friendship or casual sex (kung may sex man).

May problema nga lang (para sa iba) ang ganitong klaseng involvement dahil pag-MU kayo, maliwanag na hindi kayo committed sa isa’t isa.

Magkasama nga siguro kayo palagi ng halos araw-araw pero hindi kayo mag-steady. Wala dito ang mga kadalasan na “ritwal” o “obligations” gaya ng mag-steady talaga. Gaya ng kinakailangan pang magpaalam sa bf/gf kung lalabas at sasama sa gimik ng barkada. Walang may magbabawal.

Sa ganitong set up, libre pa rin kayo para makipag kita sa ibang tao. Walang exclusivity. Kaya nga hindi pwede dito ang mga selosa eh. May kanya-kanya kayong “space”. Hindi rin pwede ang mga-NAGGER sa ganito. Hehehe!

Pero problema nga ba ang walang commitment? Karamihan sa lalaki ay takot sa commitment pero hindi lang din ang mga lalaki ang commitmentphobic. May mga babae din noh. Ayos din pag walang commitment kasi, there’s more freedom, less demands.

I see it this way also, bakit ko pa kakailanganin ang commitment kung pareho lang naman ang makukuha kong emotional at spiritual intensity of connection gaya ng sa “mag-syota”? Im not saying that I don’t want to be settled and married to the right person at the right time, ang ayaw ko lang ay yung may pressure na kelangan na siya na.

Sa MU, hindi obligasyon o kinakailangan ang makipag-pisikalan (sex) pa ako dun sa taong gusto ko kasi hindi mo nga syota eh. Kaya hindi ba mas maganda pa ang makipag MU na lang kesa makipag syota? Sa MU, lesser ang chances that you will get hurt or feel taken advantage.

Bihira pa ang LQ o away pag MU lang kayo. Wala masyadong may mag-iinarte. Eh kasi bihira nyo pag uusapan dito ang feelings nyo sa isat isa nor you hardly talk about where each other one stands in the relationship. Walang ay labyuhan pag MU (kaya nga mutual eh) Pareho kayong MUTE dito. Lols. Mas dinadaan sa action ang thoughtfulness at pagki-care sa ka-emyu mo kesa salita lang.

Kaya lang naman nagkakaroon ng sakitan ng damdamin sa emyuhan pag nagsisimulang umasa na ang isang tao. I know that this is easier said than done, pero dapat talaga ini-enjoy na lang ang company ng isa’t isa. Yun naman ang hangarin natin di ba? Ang maging masaya. Eh pag naging kayo o kaya naitulak at umabot kayo sa level na napagkasunduan na i-commit ang sarili nyo sa isa’t isa eh di mas mabuti! Mas wagi yun!

Pero kung maaari nga lang…wag masyado umasa para hindi dumugo ang puso mo kung sakaling makakita ng syota ang ka-emyu mo. Pero panu ka naman ipagpapalit ng ka-emyu mo kung sa ‘yo pa lang eh kuntento na sya nangyayari sa inyo?

Amp! Ang haba na ng satsat ko.

Ok ganito na lang, kung GUSTO o SANAY KA SA ISANG TRADITIONAL INTIMATE RELATIONSHIP….then the new MU — it’s not for you. Period.

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
  • Share/Bookmark

44 Responses to “Parang Kami Na Hindi”

  1. chuvanessNo Gravatar says:

    hahaha, most bloggers I know write about things that are very close to their hearts

    shucks!

    sinong ka EMYU mo? si ano ba…?

    hahahahha i wish you a fab love life neng!

    Reply

  2. vennisjeanNo Gravatar says:

    Miss Maru!! hmmm…may M.U. ka na rin yata ah… oiiiiiii….
    btw my friend said MU mean Mag-Un pwede din daw Mora’g-Uyab….
    Keep smiling!!!

    vennisjean’s last blog post..Soulmate

    Reply

  3. mineNo Gravatar says:

    ang galing mu mag samaryz! isang sentence lang huli! :lol:

    so ang kaibahan pala ng MU sa FUBU eh , sa fubu, purely sexual sa MU eh emotional compatibility plus (sometimes) sexual compatibility na din…

    mukang d ako ubra sa MU :D
    maxado risky para sakin pag may emotions involve kc i always hv d tendency 2 fall . so sa kin, mas ok kung frends na lang kung frends taz fubu kung fubu :D

    cno alang fubu jan? LOls :lol:

    Reply

  4. einn0cNo Gravatar says:

    ah di pala ako pwede sa EMYU kasi 1. maarte ako (ha..ha..) 2. selosa ako (true!) 3. papatayin ako ng asawa ko pag nalaman nyang may bf sort of ( as you define it) ako!

    einn0c’s last blog post..A Tree of Four Seasons

    Reply

  5. popoyNo Gravatar says:

    ate maru, ayos ha.. patama ba to sa akin?? hehehe. well tama ka naman ate. dapat nga pag MU wag umasa. ako lang naman ang tangang umasa eh :( . pero okey na ko ngayon. humhanap ulit ng bagong kaMU hahaha. hindi na nadala?? hehehe. :)

    popoy’s last blog post..iiyak mo lang yan…kaibigan…

    Reply

  6. marianNo Gravatar says:

    naku naku.. masakit sa ulo toh.. wahehehe.. (sorry bitter pa ko) ahahaha…

    duguan akong lumabas sa ganto.. di kinaya ng (kilikili) power ko… hahahaha..

    marian’s last blog post..act 7: the last stop

    Reply

  7. Hey! Luv ya blog, I’ve just started blogging thought you might like to check mine out only been on for a few days but looking for comments! Lol, it’s about my personal life in Manila of fashion, make-up and bitches! it’s http://www.globalglamour.wordpress.com
    give me a comment!

    Reply

  8. rhapsodyNo Gravatar says:

    mas preferred ko pa rin ang tradisyonal.. kahit pa masaktan din lang ako.

    mabuti na lang at walang nangahas manakit sa akin kung hindi papatayin ko siya hakhak! Ako po kasi ang tipong kapag nagkaron ng jowa eh di agad nag-iinvest ng feelings ng sobra-sobra.. hahayaan kong siya ang ma-inlab ng mas higit… i really tend to hold back my feelings at kapag secured at assured na sobrang loves niya nga ako un na ang time na pakakawalan ko na sa isip at puso ko ang feelings ko.. wahahahah… ang serious.

    Reply

  9. camilleeeeNo Gravatar says:

    hehe, panalo to ah!

    makaluma ako miss maru. :D warak na kung warak ang puso pero ganun talaga ako eh (*kamot ulo)
    ewan ko ba, di na ata ako matututo eh. inahak jud!

    camilleeee’s last blog post..kasagutan v.3

    Reply

  10. [...] » Blog Archive » Parang Kami Na Hindi [...]

  11. batabatutaNo Gravatar says:

    nice blog po madam…galeng2x..sino po ang ka-em you nio???hehehehe…nwei..first time ko yatang mag-comment sa site nio and i really find it great..nakakarelate po ako sa mga writings mo as well as your thought, and this one is veriy realiztik..to2o nmn na nangya2ri na sa kasalukayan ang ganyang kind of relationship..keep it up po mam..galeng nio!!!!

    batabatuta’s last blog post..…aNg bUhAy nG iSaNg pInOy sA tAtE…

    Reply

  12. iyaNo Gravatar says:

    ugh. almost but not quite situations! masakit yan sa ulo!!!

    iya’s last blog post..Girls just wanna have fun.

    Reply

  13. antukenNo Gravatar says:

    hmmnn… makikisama ako kay malen at selvo… may ka-emyu ka sexy mama??? hehehe

    antuken’s last blog post..gifts gifts gifts!

    Reply

  14. miaNo Gravatar says:

    nakaramdam na ako dati ng ganyan, at masasabi ko, ang hirap lumugar kasi hindi ka naman official na gf/bf.. :( masasaktan ka lang lalo..

    Reply

  15. weiNo Gravatar says:

    mahirap nga..
    pero masaya…

    kasi minsan mas madali na wala kayong commitment…

    less responsibility…

    wei’s last blog post..the school is on your side lozada

    Reply

  16. Jon CabronNo Gravatar says:

    mag MU ang kalimitang ginagawang paraan ng mga lalaki para maka iwas sa commitment, madalas sa hindi e lugi ang mga kakabaihan dito. hindi ka pwedeng magselos o magtanong ng kung anu ano sa lalaki at pwede kang iwan anumang oras, bakit? dahil hindi naman kayo!

    Jon Cabron’s last blog post..tae ng buhay to

    Reply

  17. minsan may mga pagkakataong hindi pwedeng mapunta dun sa pagiging kayo.. kaya nauuwi nalang sa pagkakaintindihan, haayz ang labo…

    bittersweetcollide’s last blog post..I love you, Goodbye

    Reply

  18. KayeNo Gravatar says:

    Hi! Can I copy this in my Multiply account? Don’t worry. I’ll put you name there naman. =) I love this post eh. I can totally relate. =) Pseudo-relationships.

    Kayes last blog post..‘Parang kayo, pero hindi.’ III – 2 d BAT-CAVE’s Friendster blog

    Reply

    MARUNo Gravatar reply on August 7th, 2008 5:29 pm:

    no problemo, sweetie pie.

    Reply

  19. amaya MaruNo Gravatar says:

    Hi, well said, just dropping by..
    comment: we always have a choice – pain starts when youask for more than what you have.. Enjoy life while it last/or lust.. hehehehe.. just be happy..

    Reply

  20. amaya MaruNo Gravatar says:

    darn your hot pa rin..

    Reply

  21. >eMzNo Gravatar says:

    weeeeeeh…Mag’Uyab..nyahaha..

    MU..merun aq nyan..

    kasuu cneryusu kuh ng subraaah yun..

    pag nkitah ku kasama nyah Bf nya nag ccLus aq.

    haha..

    TANGA kuh tlaga…

    Lam kuh nman nah hanggang duun Lng kamii[MU]
    cneryoso kuh ng subrah..2luii nasasaktan aku..

    haiist..

    buhaii nga nman prang Lyf..

    haha..

    Lgeh kamii nag sasama..sabaii sa pag.uwii pgktapos ng klac.
    pumupunta xa minsan sa bhaii nmin..pag magkasama kamii subrang sweet na parang kami peru ndi..haha..

    damii nagtatanong sakin na kami ba kac parang kami daw.

    nyahaha..

    hangang duun Lng pla kami..

    kc my bf na xa…

    sad nman..

    peru aus Lng un..

    pra sakin ngaun enjoi ku nlng na prang Laru un..

    tinamaan kac aq..

    nyahahaha..

    more than fwenz Less than Lovers..

    haha..

    LOL=]

    toiinks..

    PARANG KAMI PERU HINDI KAMI..^_^

    Reply

  22. >eMzNo Gravatar says:

    weeeeeeh…Mag’Uyab..nyahaha..

    MU..merun aq nyan..

    kasuu cneryusu kuh ng subraaah yun..

    pag nkitah ku kasama nyah Bf nya nag ccLus aq.

    haha..

    TANGA kuh tlaga…

    Lam kuh nman nah hanggang duun Lng kamii[MU]
    cneryoso kuh ng subrah..2luii nasasaktan aku..

    haiist..

    buhaii nga nman prang Lyf..

    haha..

    Lgeh kamii nag sasama..sabaii sa pag.uwii pgktapos ng klac.
    pumupunta xa minsan sa bhaii nmin..pag magkasama kamii subrang sweet na parang kami peru ndi..haha..

    damii nagtatanong sakin na kami ba kac parang kami daw.

    nyahaha..

    hangang duun Lng pla kami..

    kc my bf na xa…

    sad nman..

    peru aus Lng un..

    pra sakin ngaun enjoi ku nlng na prang Laru un..

    tinamaan kac aq..

    nyahahaha..

    more than fwenz Less than Lovers..

    haha..

    LOL=]

    toiinks..

    PARANG KAMI PERU HINDI KAMI..^_^

    Reply

  23. ycah.No Gravatar says:

    Tama. haha. astig. first time ko dito sa blog mo. kailangan ko kasing maliwanagan sa kung ano talaga ang meron “kami” kaya naghahanap ako ng mga ganito. haha. amp. ang torpe kasi e.

    Reply

  24. MaruNo Gravatar says:

    langya! vakla! walang personalan ha? bwahahaha! may pa-blind item ka pa ha!

    Reply

  25. chuvanessNo Gravatar says:

    affected??/

    sabi ko na nga ba eh! waaaaahahahahha

    Reply

  26. MaruNo Gravatar says:

    at talagang humirit pa! talo mo si Selvo sa pang-iintriga!

    Reply

  27. MARUNo Gravatar says:

    Nyahaha! Naubusan na kasi ako ng paliwanag. Parang gusto ko na nga sabihin na kung maarte ka, wag ka na makipag EMYU. wahaha!

    Tama ka, sa FUBU halos kalibugan lang talaga dapat manaig dun.

    Mas ok ang EMYU, pero gaya ng sabi ko, kung di mo alam ang “rules” o hindi mo kaya kontrolin sarili mo…well, warak lang naman dibdib mo siguro – uuwi kang luhaan. Pwera na nga lang siguro kung pareho nyo tutuluyan ang isa’t isa. Tama ka ulit, friends na lang kung friends. Ihiwalay na ang de-kolor sa puti!

    Amp! naghahanap ka pala ng fubu. Ako, ako walang fubu! Ano tingin mo? Wahaha!

    MARU’s last blog post..Parang Kami Na Hindi

    Reply

  28. MARUNo Gravatar says:

    Oist! bakit ako ang napagbabalingan. Wala akong ka-EMYU. FUBU meron. Joke!

    hehehe! OO nga, sa mga bisaya… MU= Mag-Un. Tigas kasi ng dila. Lols.

    MARU’s last blog post..Parang Kami Na Hindi

    Reply

  29. MaruNo Gravatar says:

    oist! PASS ka na sa mga ganito. Tahimik na buhay mo at wag mo na guluhin. Baka mamaya pati ako ay i-salvage ng mister mo. Lols.

    Reply

  30. MaruNo Gravatar says:

    Bato-bato sa heaven ang tamaan ay wag magalit. Tinamaan ka ba, poy? Naks! ok na daw. Di ako naniniwala dahil parang ambilis naman mawala. Ako na lang i-emyu mo, poy! bwahaha!

    Reply

  31. MaruNo Gravatar says:

    Balang araw, sweetie pie….matutunan mo rin ang lahat. Nyahaha! Well, mahirap talaga ang ganitong arrangement. Kokonti lang ang nakakatagal at nagwawagi. Iniisip ko nga, para sa mga tanga lang din yata ‘to. hahaha!

    Reply

  32. MaruNo Gravatar says:

    hmmmn… i love bitches and bitching. Sure, ill check ur site soon. Thanks for dropping by.

    Reply

  33. MaruNo Gravatar says:

    Sabi ko na nga ba at marami din ang hindi papabor sa EMYU-EMYU na itetch dahil kumplikado talaga. Pag mahina dibdib mo…susurender ka talaga agad. Eh bihira lang yata ang mga bebot na hindi selosa … maghahanap at maghahanap din talaga ng commitment. Kung hahaluan pa ng sex… nakow! mejo lugi nga ang babae.

    Reply

  34. marianNo Gravatar says:

    awts ms. maru.. nadali mo.. hahahaha…

    pero dati na yun.. i know better now.. apir. :)

    marian’s last blog post..act 7: the last stop

    Reply

  35. popoyNo Gravatar says:

    hehehe.. oo nga no ate maru??? kaso parang anak mo n lang ako??hehehe :) natamaan nga ako. at kahit papaano medyo hindi na masakit :) totoo hehehe :)

    popoy’s last blog post..Gusto mo ba ng libreng load?

    Reply

  36. MaruNo Gravatar says:

    AMP! tinanggihan ako! ayaw mo nun? may ka-emyu ka na… may ate ka na…may nanay ka pa! o di ba, 3 in 1! pakyawan na! wahaha!

    Reply

  37. MaruNo Gravatar says:

    hindi ka naman masokista nyan? hehehe! well, speaking of matututo… kahit nga ako di pa rin natututo….engot pa rin ako.

    Reply

  38. MaruNo Gravatar says:

    uyyy! tenk yu sa pagbisita. :D

    Reply

  39. MaruNo Gravatar says:

    di lang sa ulo…sa dibdib din! kelangan yata bakal ang dibdib mo sa ganitong emyuhan.

    Reply

  40. MaruNo Gravatar says:

    Tseeee! wala akong ka-emyu! fubu meron! lols!

    Reply

  41. MaruNo Gravatar says:

    wala ka talagang pwesto o lugar sa ganitong psuedo-relationship. pero marami kang matutunan at mas makikilala mo rin ng todo ang sarili mo…kung tipong martir ka ba o palaban.

    Reply

RSS feed for comments on this post. And trackBack URL.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled