Tuloy Ang Buhay

Kung dati mainit na kape ang hanap ko, ngayon ay mga samalamig na ang gusto ko laklakin. Ang init naaaaa! Kaya nga netong nakaraan na mahal na araw, since nasa bahay lang kami ng mga junakis ko… di kami napigilan gumawa ng kahit simpleng halo-halo para pamatid-uhaw.

Bumili lang ng isang lata ng gatas na ebaporada at sweet corn, isang bote ng nata de coco, pumitas ng buko mula sa bakuran namin… ayun! solb na solb na kaming mag-iina! Pare-pareho kaming nakangiti habang nag uunahan sa pag ubos ng mga halo-halo namin.

image004.jpg

Tag-init na nga. Kasabay ng pagbabago ng panahon. . . maraming pagbabago din ang nangyari sa mga taong malapit sa akin. Pero hindi naman maiiwasan yan. Kaya ok lang. Minsan kasabay ng pag asenso nila ay ang pagbabago. Nakaka-miss din. Pero hindi naman ako nalulungkot, natutuwa pa nga ako sa pag angat nila. Alam kong marami pang pagbabago ang darating.

Marami-rami na rin akong mga nakilala. Naging ka-close tapos nawala. They come and go — but none of them really stays.

Howel, tumaas man ang halaga ng piso sa rate na 30 kada dolyar, mawala man sa uso ang skinny jeans at bubble dress, mapalitan man ang presidente ng amerika sa darating na mga araw, eto lang ang siguradong gagawin ko: Tuloy ang buhay! Masaya ang buhay!

 

 

 

 

survey.jpgGas Prices on the Rise
Gas prices are up, grocery prices are up, cable bill is up, water bill is up, power bill is up, gas bill is up, paycheck is … ?

 

23 thoughts on “Tuloy Ang Buhay

  1. wag naman sana umabot ng trenta ang dolyar.. hahaha πŸ˜‰

    strawberry ka na pala ngayon, di na sunflower. dito din umiinit na kaya di na ganun ka-hassle sa pagligo. madali narin matuyo ang mga sinampay at hindi na kailangang magpaka-OA sa dami ng suot. mas madali nang kumilos. kaso ilang bwan pa at isusumpa ko na naman ang init dito na lampas lampas ng 40 degrees pero ayaw aminin ng impaktong china dahil pag umabot ng 40 ang temperature e automatic ang holiday according to the law. o di ba, pati weather kayang kontrolin ng china. hahaha!

    nga pala, may nagpasimuno nung litratong pinoy. baka gusto mo sumali. weekly photo sharing yun (every thursday), each week may bagong theme. tapos rambulan na.

    regards nalang sa kapitbahay mong nanalo sa hueteng. anak ng hueteng. lol πŸ˜‰

    Kotsengkuba’s last blog post..Photo Story WK813

    [Reply]

  2. weeee talap! ,ay cornflakes pa!! iba talga mag prepa c mamaru!!

    They come and go — but none of them really stays.
    hmmnn…..
    Friends , yeah, they come and go but the memories stay .. hope we can keep up :-* mwah

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *