Rx: Laughter-10 Minutes A Day

Never ko talaga ikakahiya na mababaw lang ang kaligayahan ko. Kasi naman may mga kilala akong gumagastos pa talaga ng pera para lang matawa , maaliw o maging masaya.

Kaya naiisip ko na kaya mabili ang mga joke books, patok ang mga stand up comedy bars, at dinudumog ang mga palabas na comedy films sa mga sinehan kahit saksakan ng baduy ay dahil gusto talaga matawa ng mga tao.

Buti na lang ako eh madali akong ma-amuse sa mga simpleng bagay lang. Madali lang patawanin. Babaw nga eh. Ewan ko ba, andun tuloy na parang nagiging ugali ko na matagal sumeryoso at mas madali kong nalalagyan agad ng kalokohan ang mga bagay-bagay.

Pero hindi naman mahirap maghanap ng katatawanan a. Madami diyan sa tabi tabi lang. Sa mga forwarded funny emails nga lang eh madami na. Sabi nga, anyone with a good sense of humor will find something funny in every situation he’s in.

Hindi naman sa pangmamaliit dahil ako man ay madalas na engot din, but don’t we often get a good laugh also from the typographical errors we chance at everywhere we go? Gaya na lang ng mga signs sa mga tindahan na, “Sorry We’re Close”, “Hamburger Bans” o kaya “Caution: Material’s Made of Cartoon”.

Kaya nga kahit na nilait, marami din naman nabigyan ng kasiyahan si Janina San Miguel dun sa pagsagot nya sa Bb. Pilipinas contest. Pucha! Di ba dapat nga pasalamat pa tayo kay Janina kasi binigyan nya tayo ng mga 10 minutes laughter? At libre yun ha! Hindi na tayo gumastos.

Minsan may kras si Moo na taga DHL, eh maganda daw kaya bait-baitan ang mokong at gustong magpa-cute kaya nagpadala sya ng “something” dun sa chickiebabe. Well, nagpasalamat naman ang tsiks at nag text sa kanya ng parang ganito: Sir, thank you very much sa binigay mong kitchain…blah blah blah” Wahihi! O di ba, imbes na madismaya dun sa word na “kitchain” ay dapat ay tumawa na lang tayo?

Of course, we should laugh at ourselves too. Aminin na natin, we take pleasure from other people’s mistakes, slip-ups and shortcomings. Pero dapat matuto din tayong matawa sa sarili natin. We can’t deny it, nagkakamali din tayo sapagkat tayo ay magagandang tao lamang. We can’t be perfect tho we hate being in a bad situation. But see, all we really have to do to feel better is to LAUGH.

Nakakabuti nga raw sa katawan ang laughter sa araw-araw. Nakakagaan ng dibdib at nagpapaganda sa disposisyon sa buhay. Nakakapagpabata pa. (Ahem!) Lols!. Magandang workout of energy building nga ang laughter.

So, 10 minutes.

Good, hearty laughter 10 minutes a day.

Ayus na yun! Don’t be shy. Let go. Laugh your heart out!

14 thoughts on “Rx: Laughter-10 Minutes A Day

  1. so true ms. amru kaya everytime mag bblog ako visit ako sau.. kasi for sure may something funny dito.. hehe and natututo pa ko.. diba parang teacher lang.. hehehe

    patawa din talaga yung mga signs na ganyan.. katulad nalang nung nakita ko sa may talyer ” knots and bolts and WILDENG” welding pala yun… hahahaha

    marian’s last blog post..me being bitchy =)

  2. yes, i’m laughing my lungs out. hahaha 😉

    minsan pag di ko magets ang pinaguusapan ng mga intsik sa office tumatawa ako ng sarili ko. tapos tatanungin nila ko kung anong nakakatawa. tatagalugin ko sila. hahaha, e di ayos. libreng kaligayahan ;-D

    Kotsengkuba’s last blog post..Flores de Marso

  3. nyahahaaa, ok na sana eh… nasamid ata yung txt na ‘kitchain’.

    makiki apir din ako miss maru, sarap naman talagang tumawa. at yan ang isang bagay na di ako mahihiyang gawin. nyahahahaaaa 😆 si kitchain kasi eh 😆 😆

    camilleeee’s last blog post..sunset

  4. exercise ko na ata ang tumawa araw-araw, kahit mag-isa lang ako ginagawa ko yan. hindi pa naman ako nyan ha! hehehe! pag-uwi ko ms maru bigyan kita ng kitchain! 😀

    misyel’s last blog post..ehM

Leave a Reply to karmi Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.