Esep-Esep Ko Lang

random-thoughts
1. Malabo na yatang lumabas pa ang hinahanap na katotohanan ng mga taong-bayan tungkol sa ZTE-NBN scandal na yan dahil sa mga naging desisyon ng mga tuta ni GMA na nasa Supreme Court. Nung napanood ko ang balitang ‘to. . . parang gusto ko tadyakan na lang ang TV namin.

2. Hindi ako makagawa ng polvoron ko. Last year lang, mga nasa P26 per kilo ang arina. Ngayon nasa P43.50 na ang kilo. At hindi rin naman ako makapag increase ng selling price ko dahil inaalala ko na baka wala ng may bumili ng produkto ko sa mahal ng presyo. Olats talaga! Nagngi-ngitnit pati gilagid ko sa walang humpay na pagtataas ng mga bilihin. Parang gusto ko na lang mamasukan na GRO, may tatanggap pa kaya sa akin? Bwahaha!

3. Ang tagal ko na pala ang hindi nakapag ukay-ukay. Parang gusto ko paglaanan ng kalahating araw ang pag uukay-ukay ko next week. Ayoko muna ngayon kasi ayoko tamaan ng araw ang mukha ko – naka maxi-peel kasi ako ngayon. Wahaha! Impernes, napansin ko nabawasan pekas ko sa fez ko.

4. Nasa mini-mini flyweight pa rin ang timbang ko. 105 lbs. ang mini -flyweight …. 95 lbs. lang naman ako kaya nasa mini-mini flyweight lang ako. lols.

5. Atat na akong tumakbo ng hubo’t hubad sa Baywalk. Kaso yung kapustahan ko…nasa junior heavyweight division pa rin yata o baka napabilang na nga yata super heavyweight ang timbang. Sana pera na lang naging pustahan namin…tagal ko na siguro nanalo.

6. Inggit ako kay Koreanmine at nasa Baguio ngayon. Haysss…

7. Feel ko malapit ko na matapos bayaran ang sandamakmak (exajs lang!) na utang ko. Eksayted ako at sa wakas makakapag-ipon na rin ako ng pera pambili ng lalaki ko. Yey!

18 thoughts on “Esep-Esep Ko Lang

  1. ay mismo ang mahal ng harina. yung tsang ko na may bakery ang ginawa nila imbes na mag dagdag ng price…nagbawas ng size…niliitan na lang nila yun size ng monay, putok etc. it may work for you too

    “Eksayted ako at sa wakas makakapag-ipon na rin ako ng pera pambili ng lalaki ko”

    – e di ba may lalake ka na? weeeeeee!!! hahahahha

  2. weeeehhhh.. gud am ate maru. ako ay nagbalik sa iyong mga commentssssssssss……..

    hehehe. hindi ko matiis mawala ng matagal. hindi ako magpopost ng new entry pero nakakaurat din nmang hindi magpost ng mga comments sa mga entry nyo.. for me ITS A RESPONSIBILITY na na magpost kahit napipilitan(hehehe, joke lang). Hindi anyway, nakahanap naman ako ng diskarte para naman makipaguratan ulit kahit sa comments lang, ang magreserba ng gawain ko… nagrereserve ako evryday ng workloads para kinabukasan konti na lang ang bubunuin para sa kota. ayun nashare ko lang hehhe 🙂

    thoughts mo ba yung entring ito?

    at balak mo palang bumili ng lalaki???

    lalaking gansa? lalaking baka? lalaking kalabaw? lalaking ostrich??? hehehe piz!!!

    darating din yang lalaki mong yan hintay ka lang. malay mo forenjer pa. si bin laden.. hhehe piz ulit !!!

  3. nakaka-adik din ang blogging kaya kakakainis talaga ang trabaho sa opisina. balakid sa blogging. lols.
    basta update ka lang ng update pag naka tiempo ka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.