Unang Bunga

After 48 years, sa wakas namunga na rin ang tinanim kong punong mangga na nasa likod lang ng kwarto ko!

Ops, minus 40 years pala kasi humigit-kumulang 8 years din ang hinintay ko na magkabunga ang puno.

Napapagod na nga ako nun sa kawawalis ng mga tuyong dahon nya at ngawit na rin ako sa katitingala sa kanya . . . nagbabakasakaling may makitang bulaklak na. Pucha! Akala ko nga noon baog ang puno ko kasi naman ang tagal nagkabunga!

green-mango.jpg

Howel, eto na nga! Kapitbahay pa namin ang nakapansin na may mga nakalawit na sa punong mangga ko. Kahapon may nakuha kaming 12 piraso. Malalaki sya. Carabao mango yata ang lahi neto. Kaso sa excitement namin eh pinitas na agad namin sabay naghanap ng bagoong ang dalagita ko.

Dalawa ang punong mangga na nakatanim sa bakuran ng mansyon ko. Yung isa ay nasa harap ng bahay namin at nakapamunga na rin yun kaso maliliit sya. Indian mango yata ang lahi nun. Hindi nga lang sya maramihan kung mamunga pero matamis. Yun nga lang madalas nauunahan kami ng mga bata sa labas para mamitas.

green-mango1.jpg

Hindi ko pa alam kung matamis o maasim ang bagong mangga ko. Ang alam ko lang at sigurado ako — na may asim pa ako  πŸ˜†

Keber ko ba! Pero mahina talaga ako sa maaasim na prutas.Ang naiisip ko lang ngayon ay gumawa ng green mango shake. Dalagita ko lang mahilig kumain ng manggang hilaw with bagoong, mas type kong kalampagin ngayon ang blender ko kesa ngumata ng manggang hilaw.

green-mango2.jpg

Isip-isip ko, sana dumami pa ang mga bunga sa mango orchard (taray!) ko ng makapag-export ako sa ibang bansa at malay mo nga naman at baka eto na ang magpapayaman sa akin. Lols.

15 thoughts on “Unang Bunga

  1. Mamaru nag laway ko sa imong manga…panghatag beh..g ahak sad ning Alaska (d Mambaling ha LOLs) wa may manga dri oi.Kalami ba e kitkit sa imong manga with matching bagoong or soy sauce nga naa asukal..haaayyy faet sa lyf nga na frozen..hahahahaha

  2. hahay…buntis pa naman ako ngayon at dalawa lang ang pinaglilihian ko. sampaloc at manggang hilaw. teka tumutulo ata laway ko sa kakatitig ng mga pictures ng mangga mo, ano ba??? oi, exchange links naman tayo. gusto ko tung site mo. mapapadaan ako dito araw-araw, with or without your mangga.

    jei’s last blog post..slave again

  3. Ay kani laging nangandoy ug snow napunta sa puro ug snow noon..hehehehe.
    Type na nakong mamayabas dah..tsege mamayabas nya ta puhon.

  4. sarap nga nyan i mango shake, di din ako mahilig sa manggang hilaw as in hilaw, gus2 ko yung manilaw nilaw na sa hinog yun laman na manggang hilaw πŸ˜€ ( gulo ba? btsa yaw ko maasim πŸ˜€ )

    pero green mango shake srap with matching milk saka sago πŸ˜€

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.