Rss Feed
Tweeter button
Facebook button
Technorati button
Digg button
Stumbleupon button

Paglaki Ko Gusto Ko Maging…

March 30th, 2008

Naalala ko ang pangarap dati ng tatay ko, na maging nurse ang bunsong anak nya na babae (dats me!). Madalas nya yun sabihin habang nakakandong ako sa kanya.

Mga 7 – 10 years old yata ako nun ay labs ko magpa-kandong sa tatay ko kahit ikina-iirita nya dahil madalas pagod yun pagkagaling sa pagtuturo sa school. Pero pag nasa mood naman si ama sa kakulitan ko ay hinahayaan na lang nya ako na lingkisin sya. Andun yung magpakarga ako o kaya sumakay sa likod nya. (waaaa! na-miss ko tuloy si tatay!)

Yun na nga…madalas nya sabihin noon na gusto nya akong maging nurse paglaki ko (kaso di naman ako lumaki) dahil malamang daw bagay sa akin ang unipormeng puti kasi siempre tisay na tisay ako nun noh! Isa pa, para daw ako na mag aalaga sa kanya pagtanda nya (na hindi naman nangyari ).

Ang kaso hindi naman pagna-nars ang gusto ko. Gusto ko talaga maging architect noong college pero anak-dalita lamang si ako at di namin afford yun. Kelangan kasi sa Cebu pa ako magkokolehiyo at bo-malabs naman na pag aralin ako dun.

Ngayon na nasa mahal na edad na ako (antonym ng “murang edad”), iisa lang naman pala ang gusto ko. Nakngtokwa! Nagpasikot-sikot pa ako sa buhay noon at kung saan-saan nakarating hanggang sa maligaw. Pero ganun naman yata…it really takes time to know kung ano talaga gusto natin. May hanapan pa ng kapalaran na chuva. Aminado ako, naka-ilang tumbling din ako sa buhay bago natuto at ang tagal ko rin dinapuan ng maturity.

Tumbukin ko na ang gusto ko sabihin. Alam na alam ko na ang gusto ko ngayon. Sigurado na ako sa magpapasaya at magpapakuntento sa akin sa buhay — ang maging epektibo sa larangan ng homemaking (at least hindi sa home-wrecking. lols). Ang taas no?

O’ Lord, kaya siguro hindi ako nakakapag-asawa ay dahil sa sobrang tayog ng ambisyon ko na maging matagumpay na — housewife.

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
  • Share/Bookmark

29 Responses to “Paglaki Ko Gusto Ko Maging…”

  1. LaarniNo Gravatar says:

    sana ako din marating ko na din ang highest level of maturity. i like the image beside this entry.

    Laarni’s last blog post..Does inner beauty still count these days?

    Reply

  2. IceyeloNo Gravatar says:

    Maru… will you marry me? hahaha. paksyet..na miss ko tong site mo mamaru. :) tagal ng hiatus

    Iceyelo’s last blog post..Disturbed Slumber

    Reply

  3. marianNo Gravatar says:

    sana ako dapuan nadin ng maturity.. hehe

    you’re doing a good job naman sa home making ms. maru.. as i can see it.. :)

    marian’s last blog post..not really well

    Reply

  4. miaNo Gravatar says:

    ako gusto ko maging flight attendant pero dahil chubby ako hindi pede.. hahaha

    mia’s last blog post..Welcome Home Papito

    Reply

  5. einn0cNo Gravatar says:

    pano mo ba masasabi pag mature enuf ka na?…madami na rin akong pinagdaanan pero feeling ko immature pa rin ako… :(

    einn0c’s last blog post..pwede pala!

    Reply

  6. gastiNo Gravatar says:

    minsan lang ako sumpungin ng maturity. maganda yang pangarap mo..siguro naman ay matutupad rin yan mare! ikaw pa! ang maalindog na si mamaru!

    Reply

  7. nakakabilib naman yang pangarap mo!

    linglingbells’s last blog post..usapang kuko

    Reply

  8. AngelNo Gravatar says:

    wow.. kaka miss nga daddy. ako miss ko dad ko kahit nandito lang sya.. :(

    Angel’s last blog post..I survived Hong Kong! Part 1

    Reply

  9. mix gloriosoNo Gravatar says:

    Karaniwan, yung pinapangarap ng magulang natin para sa atin ay hindi natutupad. Ang pangarap ng nanay kong relihiyosa ay ang maging pari ang bunso niyang anak (ako) pero hindi talaga yun ang itinakda. Sa dami ng kalokohan ko ay hindi na ako matatanggap sa seminaryo. :)

    mix glorioso’s last blog post..Puerto Galleria (My Puerto Galera Picture Gallery) pt.2

    Reply

  10. jeiNo Gravatar says:

    ay naku, gets na gets ko yang damdamin mo! buti ka nga at nag mature na, eh ako, mukhang mamatay na lang ako, isip-bata pa rin. pinilit ko ring maging nurse huh! pero di rin umubra…eh tamad ba naman mag-aral. ngayon ko lang rin naman natumbok kung ano ang gusto ko eh at yun ay maging manunulat. babaw ba?

    jei’s last blog post..books good for the summer

    Reply

  11. plaridelNo Gravatar says:

    homemaking? di ba related din yun sa architecture?

    Reply

  12. err… baliktad ata. panu ka magiging housewife kung wala kang asawa? o baka naduling lang ako. nak ng..

    raymond lee quijano’s last blog post..Kahit Kapirasong Langit (11)

    Reply

  13. chuvanessNo Gravatar says:

    wow…nakaka touched…when i grow up I wanne be a good housewife too…hahahha

    alam mo, we can’t have everything in this world…there will always be SOMETHING missing…ano ka ba…may ganda ka na, may seksing katawan…may brains…may magaganda at mababait na anak…may successful na blog…madaming kaibigan…madaming admirers…may successful business…what else can you ask for?

    be positive! dadating din sa prince charming…this year :)

    kahusay mo daw inday….ayaw kabaraka! HAHAHAHHA

    chuvaness’s last blog post..Ramiele Malubay – Alone

    Reply

  14. mineNo Gravatar says:

    pde b kita maging housewife mamaru? :D

    Reply

  15. jojitahNo Gravatar says:

    matured ako once a month, parang regla. nagmamatured ang egg cells tapos nilalabas. hahahaha.

    Reply

  16. MARUNo Gravatar says:

    hmmmn… ng totoo nyan, di pa ko sigurado kung talagang nag mature na ako. hehehe! yung edad ko lang yata nagmamature eh.

    Reply

  17. MARUNo Gravatar says:

    YESSSSS! tara ice, tanan na tayo. asawahin mo na ako. nyahaha! ikasal natin mga sarili…yung dalawa lng tyo para walang gastos. sige na! game na!

    honga, di ka na aktibo sa blogging. hmp! kung kelan nagkakasayahan na dun sa blog mo….nilayasan mo naman. mas marami ka pang “hiatus” eh. hehehe!

    Reply

  18. MARUNo Gravatar says:

    dapat talaga nag Home Economics na lang ako. may chance pa siguro akong maging presidente ng pinas kung graduate ako ng H.E. Si Cory, home economics gradweyt di ba? tama ba ako?

    Reply

  19. MARUNo Gravatar says:

    Nakow! Buti na lang nag nars ka. mas yayaman ka jan sa natapos mo.

    Reply

  20. MARUNo Gravatar says:

    hmmmn… mature ka na siguro pag malakas na ang self-control mo… pag mas hindi ka nagiging makasarili. Mas rational ka na kung mag isip. Malalaman mong nag ma-mature ka na sa klase ng desisyon na nagagawa mo. sa ganang akin lang yan ha!

    Maturity…kelangan ng sapat na panahon din para makuha mo yan.

    Reply

  21. MARUNo Gravatar says:

    tanggap ko naman na hindi lahat ng pangarap ay natutupad. kaya di man mangyari yan…oks lang sa akin. libre lang naman yan.

    Reply

  22. MARUNo Gravatar says:

    nakakabilib? BADUY kamo. hehehe!

    Reply

  23. MARUNo Gravatar says:

    kaya pag nabigyan ka ulit ng pagkakataon na makasama daddy mo….sulitin mo.

    Reply

  24. MARUNo Gravatar says:

    eh parang hindi mo talaga kapalaran mo ang mapunta sa seminaryo. palagay ko ang kapalaran mo ay mapunta sa akin. wahaha! come to mamaru, mix!

    Reply

  25. MARUNo Gravatar says:

    kababawan ba ang maging writer? di noh! sus ano ka ba… bata ka pa naman talaga. “mature” = matanda na. yan ako.

    Reply

  26. MARUNo Gravatar says:

    sa isang punto tama ka. home-making…taga gawa ng bahay. architecture… taga gawa rin ng bahay. bright!!!!!

    Reply

  27. MaruNo Gravatar says:

    amp! kaya nga nangangarap!
    kaw ha, tuliin kaya kita jan!

    Reply

  28. MARUNo Gravatar says:

    ayoko na maging positive. tuwing positive ako may batang lumalabas sa tiyan ko.

    inday, hindi na matutupad pangarap ko kasi hindi ako lumaki eh. wahihi!

    “kahusay mo daw inday….ayaw kabaraka!” <<—- HAHAHAHA! you made my day!

    Reply

  29. MARUNo Gravatar says:

    malaki ba sweldo mo? may kotse ka ba? malaki ba bahay mo? magkano pera mo sa bangko?

    Reply

RSS feed for comments on this post. And trackBack URL.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled