Paglaki Ko Gusto Ko Maging…

Naalala ko ang pangarap dati ng tatay ko, na maging nurse ang bunsong anak nya na babae (dats me!). Madalas nya yun sabihin habang nakakandong ako sa kanya.

Mga 7 – 10 years old yata ako nun ay labs ko magpa-kandong sa tatay ko kahit ikina-iirita nya dahil madalas pagod yun pagkagaling sa pagtuturo sa school. Pero pag nasa mood naman si ama sa kakulitan ko ay hinahayaan na lang nya ako na lingkisin sya. Andun yung magpakarga ako o kaya sumakay sa likod nya. (waaaa! na-miss ko tuloy si tatay!)

Yun na nga…madalas nya sabihin noon na gusto nya akong maging nurse paglaki ko (kaso di naman ako lumaki) dahil malamang daw bagay sa akin ang unipormeng puti kasi siempre tisay na tisay ako nun noh! Isa pa, para daw ako na mag aalaga sa kanya pagtanda nya (na hindi naman nangyari ).

Ang kaso hindi naman pagna-nars ang gusto ko. Gusto ko talaga maging architect noong college pero anak-dalita lamang si ako at di namin afford yun. Kelangan kasi sa Cebu pa ako magkokolehiyo at bo-malabs naman na pag aralin ako dun.

Ngayon na nasa mahal na edad na ako (antonym ng “murang edad”), iisa lang naman pala ang gusto ko. Nakngtokwa! Nagpasikot-sikot pa ako sa buhay noon at kung saan-saan nakarating hanggang sa maligaw. Pero ganun naman yata…it really takes time to know kung ano talaga gusto natin. May hanapan pa ng kapalaran na chuva. Aminado ako, naka-ilang tumbling din ako sa buhay bago natuto at ang tagal ko rin dinapuan ng maturity.

Tumbukin ko na ang gusto ko sabihin. Alam na alam ko na ang gusto ko ngayon. Sigurado na ako sa magpapasaya at magpapakuntento sa akin sa buhay — ang maging epektibo sa larangan ng homemaking (at least hindi sa home-wrecking. lols). Ang taas no?

O’ Lord, kaya siguro hindi ako nakakapag-asawa ay dahil sa sobrang tayog ng ambisyon ko na maging matagumpay na — housewife.

29 thoughts on “Paglaki Ko Gusto Ko Maging…

  1. ay naku, gets na gets ko yang damdamin mo! buti ka nga at nag mature na, eh ako, mukhang mamatay na lang ako, isip-bata pa rin. pinilit ko ring maging nurse huh! pero di rin umubra…eh tamad ba naman mag-aral. ngayon ko lang rin naman natumbok kung ano ang gusto ko eh at yun ay maging manunulat. babaw ba?

    jei’s last blog post..books good for the summer

  2. wow…nakaka touched…when i grow up I wanne be a good housewife too…hahahha

    alam mo, we can’t have everything in this world…there will always be SOMETHING missing…ano ka ba…may ganda ka na, may seksing katawan…may brains…may magaganda at mababait na anak…may successful na blog…madaming kaibigan…madaming admirers…may successful business…what else can you ask for?

    be positive! dadating din sa prince charming…this year 🙂

    kahusay mo daw inday….ayaw kabaraka! HAHAHAHHA

    chuvaness’s last blog post..Ramiele Malubay – Alone

Leave a Reply to mia Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.