DVD, FD, Tea

Dahil bakasyon na, legal ang magpakatamad ngayon. Dedma na muna tayo sa mga suliranin sa buhay… at kung ano-anong kaguluhan sa mundo. Pa bondying-bondying na lang muna dapat tayo sa buhay.

Kami dito sa bahay, halos araw-araw kaming nanonood ng DVD ngayon dahil mahigit 100 pcs. of DVD ang pinamana sa akin ng pogi kong friendlalu na si Moo. Hanep! Ang gaganda pa naman. Pirated man sya, keber! Magagandang kopya naman lahat at ang mga lyrics subtitles nya ay tama naman dun sa sinasabi nung nagsasalita.

Nakakawindang kasi yung ibang pirated dvds, imbes na maintindihan ko yung pinapanood ko at i-enjoy yung pelikula…sumasakit ulo ko kasi iba ang nakasulat na subtitles dun sa sinasabi. Nakngpekpek!


img_1013.JPG

Nga pala, pinapasabi ni Moo dun sa maraming nyang fans, (mga tatlo at kalahati yata sila) eh on-leave daw muna sya sa blogging at bising-bisi ang lolo nyo sa pagpapayaman at gusto nya i-feel muna ng todo ang pagiging dakilang aliping-sagigilid ng corporate world. Pero sana bisitahin nyo pa rin ang DEFPOTEC kahit hindi updated.

Bukod sa gusto kong pasalamatan yung bading kong kapitbahay na nagpahiram ng gunting nya kahapon (nagbawas ako ng bangs ko), taos-puso rin akong nagpapasalamat sa YM friend kong si Roderick aka wow_kalabaw sa walang sawang pang i-spoil sa akin.

Naiwala ni Kevin ang 2Gb flash drive ko last year. At nagkataon may extrang 1GB flash drive si Roderick kaya give nya sa akin itetch:

img_1009.JPG

Cute di ba? ‘La ako paki kung giveaway lang daw ‘to sa kanya.

Thank you din sa 100 pcs. of Green Tea kahit hindi ako nanghingi. Kitams! Labs na labs mo ko noh kahit bihira tayo mag-tsikahan sa YM? Amininnnn! Lols.

Di nga, maraming salamat talaga. Sa dinami-dami ng nakilala ko sa YM, isa ka sa dun sa lilimang tao na ni minsan ay hindi nagbago. Salamat sa respeto at sa pagmamahal mo sa akin bilang kaibigan. Mabuhey u!

img_1011.JPG

10 thoughts on “DVD, FD, Tea

  1. moo,… pa check nga.. parang di dapat kasama yung elvis na jailhouse rock… kung orig yan, paki return to sender naman, kay homer ata yan.. pero kung di orig, wag mo na aksayahing pabalikin sa akin, at mas mura pa ang japeks sa quiapo kesa sa shipping ng air21…

    salamas

    defpotec’s last blog post..farewell everyone.

    [Reply]

  2. te maru daming DVD ha? magtayo ka kaya ng videoshop para kumita na rin?? joke hahaha.

    kakatakot yung FD kala ko balisong?? hahaha

    kakatakot din yung green tea, feeling ko may formalin sya. basta may chinese character natatakot ako.. ewan ko ba… hehhe 😉

    popoy’s last blog post..Angel of Mine…Devil is U…

    [Reply]

  3. pakilala mo nga ako kang moo at ng makahingi rin ng flash drive kahit may phobia na ako sa lintek na usb na yan. nawala ko ba naman ang usb ng boss ko noon! isipin mo na lang kung anong kinalabasan. muntik-muntikan na akong patayin!

    jei’s last blog post..jephs battle

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *