Bawang

Bukod sa “sariling” laptop, isa sa mga nasa wishlist ko na gadget ay ang magkaroon ng “sariling” camera o digital camera. Korek, may dugong-bughaw lang ako pero salat ako sa mga makabagong kagamitan. Purita lang si mamaru.

Sa ngayon wala akong sariling camera. Camera ng selpon lang meron ako kaya pag nakakahiram ako sa mabait kong kapitbahay ng medyo magandang camera nila, sinisingit ko ang kumuha ng litrato ng kung anik-anik lang. Wala lang, natutuwa lang ako. Sarap na sarap ang pakiramdam ko sa ginagawa ko. I’m fascinated in taking pictures…yung mga tipong still life ang dating.

A still life is a work of art depicting inanimate subject matter, typically commonplace objects which may be either natural (food, plants and natural substances like rocks) or man-made (drinking glasses, cigarettes, pipes, hotdogs and so on) in an artificial setting. Popular in Western art since the 17th century, still life paintings give the artist more leeway in the arrangement of design elements within a composition than do paintings of other types of subjects such as landscape or portraiture. – WIKIPEDIA

At dahil sa isa akong madre (de pamilya) mongha o bihirang lumabas ng bahay, saan pa nga ba ako magkukuha ng subject ng mga litrato kundi sa mga bagay na araw-araw ko nakakasama o nakikita dito sa kusina ng bahay ko.

Eto ang mga pinagpraktisan ko.

garlic

“Shallots are for babies; Onions are for men; Garlic is for heroes.” – unknown

 

“What garlic is to salad, insanity is to art.” – Augustus Saint-Gaudens

 

“Garlic is the catsup of intellectuals.” – unknown

 

“There is no such thing as a little garlic.” – Arthur Baer

 

“There are five elements: earth, air, fire, water and garlic.” -Louis Diat

garlic2

next >>>>> Itlog At Kamatis

7 thoughts on “Bawang

  1. alam mo kahit minsan seryoso ang mga posts mo, natatawa pa rin ako sa yo. ewan bakit. bakit ba??? ayos na ayos ang araw ko pag napapadaan ako dito pati na rin dun sa kapitbahay mong si icey. may potential ka bilang photographer ha. gumanda tuloy sa paningin ko ang bawang na yan.

    jei’s last blog post..jeph’s battle

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.