Litratong Pinoy #1 – Ako Ay Bilog

Aruuu! Sumali ako kahapon sa grupo ng Litratong Pinoy. Eh, sa swerte at tinanggap naman ako agad.

Litratong Pinoy ay grupo ng mga pinoy/pinay na nahihilig o mahihilig kumuha ng litrato. Basta pilipino ka at may blog ka…pasok ka dito. Hindi kelangan na isang propesyonal na mangongodak ka para sumali sa grupo.

Inimbita na ako dati ni kaibigang KotsengKuba…medyo dedma lang ako noon kasi bisi-bisihan ako sa showbiz career ko. Charot!

Kahapon, nagkaroon ako ng pagkakataon na dalawin ang websayt ng LP, at nagustuhan ko naman agad ang layunin (ang deep ng termino ko) ng grupo. Hindi na ako nag sekantot…join na agad ang Mamaru. Bait naman ng admin at tinanggap ako agad. Huwebes kahapon kaya ang tema ng litrato na naka-sched ay “Ako ay bilog”.

Kahit na anik-anik ang picture basta samting bilog. Nataranta ako ng sandali kung papano makahabol sa pag post. Hanap ako kung anong bagay ang kukunan.

Eto, namataan ko ang nakatiwangwang na silver chain ng kwintas ko. Hays…. sana pwede ‘to. Marami naman syang bilog, di ba? Lols.

IMG_1045

TANIKALA

Pagka-upload ko ng kuha ko dito…nakangisi na ako. Natuwa ako pagkakita ko pa lang kasi ang unang pumasok agad sa isip ko ay ang mga nagra-rally sa kalsada ng kamaynilaan.

Yung anino kasi ng mga bilog ng tanikala ay para silang mga aktibista na magkakadikit sa isa’t isa, magkakapit-bisig at para bang sabay-sabay silang sumisigaw ng: “walang titiwalag sa hanay!” habang nakikipagharap sa mga anti-riot police. Lols.

Nways, hindi man ganyan ang tingin nyo sa litrato ko….keber! Basta ang pagkaka-alam ko, maganda ako. (Ano ang konek nun?)

Huli man daw at magaling ay huli pa rin. Biyernes pa lang naman ngayon kaya di naman siguro masyadong huli ang entry ko.

Sa mga nagnanais sumali sa Litratong Pinoy, bisitahin ang: http://www.litratongpinoy.com/

Related Posts with Thumbnails

15 comments

  1. artipaxNo Gravatar says:

    Dapat ang sumali dyan yung kumukuha ng litrato mo. Maga-ganda kasi ang kuha :-)
    … lambing lang :-)

    [Reply]

  2. ThesserieNo Gravatar says:

    Hello Maru!

    Ang ganda ng pagkakakuha mo dito sa chain mo, astig pa ng shadow! Naalala ko tuloy nuong college ako at panay rally ng mag tao sa Mendiola…’tanikala’ nga sila lagi. At lagi din kaming walang pasok, ha ha!

    Naku pasok na pasok pa entry mo, meron nga sa ibang photomemes, hangga’t hindi nagpapalit ang araw ng pagpopost ng entry, counted pa rin yun ;)

    hanggang sa susunod na Huwebes!!

    Thesserie’s last blog post..By: nona

    [Reply]

  3. MeeyaNo Gravatar says:

    hi maru, gusto ko yung litrato mo, lalo na yung composition at lalo dahil sa mga anino ng maliliit na bolitas (maliit na bola, diba? :D ). hanggang sa susunod na huwebes. :)

    [Reply]

  4. KotsengkubaNo Gravatar says:

    kita mo, pakyeme ka pa dati. hahaha, astig din naman ang kapiktyuran mo. tanikalang silver? ;-)

    [Reply]

  5. Jon CabronNo Gravatar says:

    ang galing ng pagkakakuha at interpretasyon!

    sasali ako dyan ms. maru .. eka basa basa muna ng mga batas batas..

    “Ang iyong blog ay hindi naglalaman ng malalaswa, puno ng poot, o labag sa batas ng Diyos at batas ng tao.”
    .. ay taragis, boooooooooo!

    Jon Cabron’s last blog post..‘zup?

    [Reply]

  6. LizethNo Gravatar says:

    hello :)

    ang ganda ng larawan ko…so classy!

    gusto ko ang pagkaslant at pati ang shadows sa likod :) magaling!!

    Lizeth’s last blog post..‘happy people think of others first’

    [Reply]

  7. jennyLNo Gravatar says:

    aww ang ganda nito simple pero may dating at may kahlugan pa.. sana sa susunod ganito kalinaw ang kuha ko
    eto lahok ko http://jennys-corner.com/2008/04/litratong-pinoy-1-ako-ay-bilog.html

    jennyL’s last blog post..Know what ISP is best for you

    [Reply]

  8. MaruNo Gravatar says:

    hi lizeth! salamat sa pagdalaw at sa appreciation. :D Best regards!

    [Reply]

  9. bluepNo Gravatar says:

    hehe ako din huli, late na rin ako magpost. Pero sa totoo lang iba nasa isip ko dyan sa larawan. dahil nga sa ikaw ay mahilig magsulat ng mga seksing pangkiliti sa blog mo, akala ko tuloy ay ito rin yung kwan hehe. ayoko lang sabihin at baka mapagkamalang madumi isip ko (di ba nga?) magandang gabi sayo kaibigan at welcome sa LP

    bluep’s last blog post..Bilog ang Mundo

    [Reply]

  10. manilenyaNo Gravatar says:

    ang kyut naman nyan :) saka gusto ko yung pagdedescribe mo sa hanay ng mga aktibista sa mendiola :)

    [Reply]

  11. MaruNo Gravatar says:

    nyahaha! mukhang di pasok mga yun. baka sa FHM at Maxim pwede sila. :D uy nga pala…kasali ka ba sa Litratong Pinoy?

    [Reply]

  12. MaruNo Gravatar says:

    hello thess! Nakow! Maraming salamat. Feel na feel ko na tuloy ang pagiging mangongodak ko.
    Ni minsan hindi ko naranasan sumali sa mga rally…di ko alam ang feeling ng isang ralista pero hangang-hanga ako kasi hindi biro ang mabilad sa araw pa lang.
    Alam mo bang ngayon pa lang ay eksayted na ako para sa susunod na huwebes?
    Maraming salamat sa pagdalaw. :D

    [Reply]

  13. MaruNo Gravatar says:

    hi meeya! bolitas pala ang tawag sa maliliit na bola. akala ko “boladas”. jokeeee! sige meeya dear…kitakits sa next thursday!

    [Reply]

  14. MaruNo Gravatar says:

    oo nga! siempre, artistahin ako eh… ang arte-arte ko nga eh. hehehe! maraming salamat, friend.

    [Reply]

  15. MaruNo Gravatar says:

    hehehe! nabasa ko nga yan. at dun sa word na “malalaswa” medyo nag alangan nga ako eh. buti na lang aprub ang kalaswaan ko. wahihi!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge