Rss Feed
Tweeter button
Facebook button
Technorati button
Digg button
Stumbleupon button

Hindi Na Ako Nalalasing

April 6th, 2008

Marami na ang nabago sa pang araw-araw na buhay ko. Halos himala na pag may nakakausap ako ng matagal sa YM ko. Marami ang dumating na kaibigan noon, marami din ang nawala. Hindi na ako naninibago at halos nakasanayan ko na rin ang mag-isa…ang maiwan ng solo sa eksena. Dumating na ako sa punto ngayon na iba na ang kahulugan sa akin ng “friend”.

Ops! tama na muna ang senti at hindi yan ng topic ko.

Sa pagnanais ko na mapaiba naman ang saberdey night ko kahapon, naisipan ko subukan ulit ang sarili ko kung kaya ko mag astig-astigan sa pag inom ng beer ng hindi natutumba.

Bumili ako sa kanto namin ng:

1 bote ng beer = P28.00

4 sticks yosi = 8.00

————————–

Total . . . . . . . . . . P36.00

Isang San Mig Lite lang sana ang balak ko inumin kaso hindi abelabol at Red Horse lang ang meron sa sari-sari store. Ayoko na sana kasi wiz ko type ang pulang kabayo…masyado daw syang matapang sabi ng manginginom. Pero pakiramdam ko naman eh nasa kundisyon ang katawan ko kagabi para uminom (may nalalaman pa akong kundi-kundisyon). Kaya ayun, buy pa rin si Mamaru. Sinamahan ko na ng yosi, yan ang pang alis ko ng pait ng beer sa bibig ko.

Ganda pa ng pwesto ko na umiinom, naka-kuyakoy, dim light habang nanonood ng Gossip Girl dvd. Wala akong pulutan kasi kakakain ko lang ng hapunan. Hmmn…bah, after 30 minutes sabi ko parang nagiging astig na nga yata ako kasi kalahating bote na ang nauubos ko pero wala pa akong nararamdaman na mainit sa katawan ko. Hehehe! Yun nga lang parang nawiwiwi ako. Hindi muna ako nag CR kasi pag inumpisahan ko ang mag wiwi, siguradong pabalik-balik na ako nun.

Ang tagal ko uminom. 48 years nga ang inaabot sa akin ng isang SanMig Lite lang, ano pa kaya ang Red Horse? Hindi ko kasi kaya yung sunod-sunod na lagok.

Naka-3/4 na ng bote ang nauubos ko…pucha, teka, kako iba na yata ‘to. Parang hindi ko na yata kaya na ubusin pa yung 1/4 na laman. Bloated na ang feeling ko. Ihing-ihi na rin ako.

Maya-maya pa, ayun karipas na ako sa CR! Pagkatapos ko magparaos (ang sama pakinggan….magparaos!) . . . . waaaaaaaa! Nahihilo ako! Nasusuka akoooo! Hindi ko kaya tooo! Nasusuka na akooooooooo!

Pakingsyet! Parang bumabaliktad sikmura ko at ang sakit sa lalamunan habang lumalabas ulit sa bibig ko ang lahat ng kinain at ininom ko. Taena! Lumabas lahat as in LAHAT! Akala ko nga sumama pati bituka ko sa pagsuka ko.(Exajs!) Pakatapos ko sumuka at maghilamos, ayun bumulagta na agad ako sa kama. Wahaha! Ganda ng saberdey night ko.

Lech! Akala ko magiging astig na ako kasi makakaubos na ako ng isang bote ng Red Horse na hindi nalalasing. Paano nga naman ako malalasing kagabi, eh isinuka ko naman lahat. Wala! Olats pa rin ako. Nagsayang lang ako ng pera. Hmp!

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
  • Share/Bookmark

9 Responses to “Hindi Na Ako Nalalasing”

  1. pusaNo Gravatar says:

    LOL kala ko nga astig ka na!
    dibale next time kaya mo na ubusin un, diba practice makes perfect ;)

    pusa’s last blog post..havaianas flipping for the beach

    Reply

  2. jojitahNo Gravatar says:

    kayang-kaya pala kitang ibugaw pag nag-inuman tayo. hahahaha..

    Reply

  3. popoyNo Gravatar says:

    mami maru. wala ka pala sa inuman eh hindi mo kaya. wala kapala sinabi. hahaha.. dapt kasi nagwawarm up ka muna. EMPERADOR DAPAT O KAYA GRAND MATADOR MUNA, tas pambanlaw lang ang PULANG KABAYO. mas okey yung NAKANGITING PULANG KABAYO hehehe. :) AYUS. namiss ko na tumoma hehehe.. ALAK PA!!!

    popoy’s last blog post..ANG MUSIC SIDE AT KANTATERO STORY NI POPOY

    Reply

  4. antukenNo Gravatar says:

    kulang lang sa praktis yan. ako nga naginom din last week. akalain mong naka-3 boteng beer lang naman ako. paguwi ko, dead to the world talaga ako. sabi nga ng asawa ko nirape daw nya ako. hindi naman ako maniwala, kse di ko talaga naramdaman. eh gusto ko pa naman ang nire-rape. hahaha. (ewan ko rin kung totoo sinasabi nya)

    baket naman kse RH iniinom mo. ako sinumpa ko na yan. dati pa.

    antuken’s last blog post..false hopes

    Reply

  5. mineNo Gravatar says:

    hmmnn, dpt talaga d2 ka sa malabon matira mamaru :D :lol:

    sinayang mo ang reddy! nisuka mo! Lols

    Reply

  6. MaruNo Gravatar says:

    hindi na siguro…hindi ko na pipilitin sarili ko sa hindi ko kaya. kahiya-hiya lang ako.

    Reply

  7. MaruNo Gravatar says:

    di nga rin ako pwede mag GRO…mahina kikitain ko sa ladies drink. hahaha! potek!

    Reply

  8. MaruNo Gravatar says:

    hanggang pateybol-teybol lang ako. wala akong kwentang kainumannnnnnn!

    Reply

  9. MARUNo Gravatar says:

    chonapie, RH lang kasi ang abelabol sa kanto namin. Pucha! Rape ka jan! hahaha! Kakainggit namannnnnn! hahaha!

    Reply

RSS feed for comments on this post. And trackBack URL.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled