Dahil bago, malakas ang dating. Napapasaya ang nabibigyan ng liwanag. Pag kinakailangan andiyan lang sya. Palaging nakasindi… nagbibigay ng ilaw sa halos lahat ng oras. Hindi masyadong pansin ang kahalagahan kasi palagi lang naman siya nandiyan.
Isang pindot lang, bigay na agad ng kinakailangan na liwanag… bigay nya ay ngiti, tawa at kasiyahan.
Madalas na balewalain at andun na hinahayaang bukas kahit magdamag. Parang hindi importante. Nalilimutan na minsan kelangan din nya ang magpahinga, na kailangan din nya ang alaga. . . alisin, punasan ang alikabok na bumabalot sa kanya para makapagbigay pa ng hustong liwanag…nang mapahaba pa ang buhay.
Gaya ng isang bombilya, may hangganan din ang bigay na sikat.
Umiiksi din ang paglilingkod pag naba-balewala.
Parang ako, buhay ako dahil sa may hininga pa. Mapula pa rin ang dugo na dumadaloy sa mga ugat ng katawan. Masayang kasama.
Pero katulad ng pagbibigay-lingkod ng isang bombilya malapit na rin akong maging - pundido.
Tags: bombilya, broken light bulb, my hobbies/interest, pundidong bombilya, pundidong ilaw

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 








April 9th, 2008 at 6:11 pm
hala. wak ka mapupundi mamaru :-s
* da best ang 1st shot, ganda ng anggulo..parang.. prang….
*** di mapupundi ang isang mamaru, kc di ikaw isang bombilya para sa puso nmen kundi isa kang araw! (naxxxx) na lumulubog man pagsapit ng gabi , pero muling sisikat sa pagdating ng umaga upang magsabog ng iyong liwanag!
[Reply]
April 9th, 2008 at 9:39 pm
kawawa ako di ko makita pix… blocked kasi ang flicker dito… hmmm…
be happy nalang always wag mo iisipin na ikaw ay isang ilaw na napupundi…
[Reply]
April 10th, 2008 at 3:13 am
ang ganda ng mga kuha, bihasang-bihasa na ms maru! dun sa sinabi mo na malapit kana mapundi, hmmm i bet to disagree!
misyel’s last blog post..Luha
[Reply]
April 10th, 2008 at 10:22 am
awww.. ang gaganda ng mga litrato pati na rin yung mga pangungusap na inilagay sa gitna ng mga litrato.. (ang lalim naman ng tagalog ko?! hehe!)
linglingbells’s last blog post..ingredients for today: carbonara, rice shortage and sweat.. sarap sarap!!
[Reply]
April 10th, 2008 at 11:39 am
naalala ko yung ex kong bakla kse ang tawag nya sakin dati “bumbilya king”
[Reply]