UTAK: For Sale

Sabi ng isang close friend ko mataas daw ang value ng utak ko. Kasi nga, “very slightly used”.

Siyempre joke lang nya yun. Erap joke yun di ba? Natawa ako sa totoo lang.

Kunsabagay, since nasa bahay lang ako lagi may tendency na ang impression sa akin ay boring ang buhay ko. Stagnant ang utak. Losyang kasi sobrang laid back ang lifestyle kasi nga tambay lang. Totoo rin naman at kung magpapabaya talaga, malaki ang tsansa na malolosyang ako gaya ng ibang stay-at-home moms. Bakit nga naman magja-japorms at magpaka-glamorosa pa ako eh mongha-mode naman ako lagi dito sa bahay. Isa pa sa katulad ko na walang jowa, kumbaga sino paseseksihan ko, aber? Sino papopormahan ko? Kaso hindi ako ganun kahit andito lang sa bahay. Hehehe! Malandicious pa rin ako ever kahit sa bahay lang.

Hindi na nga siguro ako isang swelduhang empleyado na gaya ng dati na laging nagagamit ang utak sa paggawa ng mga company payroll, payables, receivables, kwentahin ang sandamakmak na kadatungan na hindi naman sa akin, i-reconcile ang salapi ng kumpanya sa bangko, at ang gumawa ng mga monthly report at financial statement. Sa tagal na hindi ako nangangamuhan, talagang kinalawang na ang knowledge ko sa accounting.

Sa totoo lang, i doubt kung makakapagsalita pa ako orally ng straight english ngayon. Kahit sa pananagalog ay nagba-bakel o nauutal na ako dahil sa wala ako masyadong nakaka-balitaktakan o nakakapalitan ng mga salita dito sa bahay. Pero pag walang pasok ang mga bagets ko sa school kahit papano ay may nakakausap ako at naririnig ko ang boses ko.

Nasa internet lang kasi ang mga friendlalu ko at madalas kung nakakausap man sila ay ita-type ko lang naman ang sasabihin ko dito. Sa madaling salita, matigas na talaga ang dila ko sa pagsasalita.

Ngunit hindi man ako estudyante na napa-praktis lagi ang utak sa mga academic studies, o hindi man ako empleyado na laging ginagamit ang isip sa mga latest software o systems ng mga project nila, at kung hindi man ako matatas kung magsalita ng english o managalog, sa ibang paraan naman nagagamit ang utak ko.

Mahina lang ako sa mathematics pero impernes hindi naman din ako bumagsak sa mga math subjects ko nung college ako. Sa aktwal na pamumuhay ngayon, walang sinabi ang college calculus sa mga malulupit na problem-solving na hinaharap ko araw-araw. Actual problem-solving na itech mga ‘tol! On da spot susubukan kung maayos ang utak mo. At kung magaling ka dumiskarte, panalo ka.

Kaya mo bang solusyunan ang problema sa pagba-budget ng P500.oo na magkasya para sa limang araw na may 4 na bibig na pakakainin? Kakayanin mo ba yun ng hindi ka mawiwindang sa sobrang pressure? I doubt. Baka hindi mo na makuhang ngumiti pa. Nakakayanan ko yan siempre kasi ginagamit ko lang ang utak ko - plus determinasyon.

Kaya mo ba bayaran ang mga monthly bills mo sa kuryente, tubig, telepono, internet, na wala kang tinatanggap na buwanang-sweldo o kaya kahit sustento man lang? Ulila na ako sa magulang at nasa malalayong lugar ang mga kapatid ko para hingan ng tulong. Kaya sa utak ko na lang ako humihingi ng saklolo para mabayaran ang mga utility bills ko.

Sa mahaba-habang panahon, kinaya kong solbahin mag-isa ang mga problemang madalas ay pinagtutulungan ng husband and wife ng isang normal at kumpletong pamilya. Ako, ang kasabwat ko lang ay ang utak ko - at tibay ng dibdib.

Isa lang akong ordinaryong single-mom na laging nakakulong sa loob ng bahay. Kahit ako nagtataka rin kung paano ko napapag-aral ang mga bagets ko sa mga private school at napagtapos nga sila ng elementary at high school na wala man lang kahit singkong-duling na pera sa bangko na naka-save. Siempre dugo, pawis at luha lang naman ang puhunan ko diyan. At siempre gamit din ang utak ko - at tiyaga.

Salat man kami sa karangyaan pero hindi ko rin masasabi na miserable kami. Ganda lang ang meron ako ngayon. Weeee! Oo, gaya ng isang abnormal na tao… inggit din ako sa maraming bagay na wala ako. Gusto ko ng bagong laptop, bagong digicam, bagong selpon para sa mga anak ko, bagong panty (lols!), bagong bag, bagong damit, bagong sapatos, bagong kama, bagong set ng mga pinggan, bagong kurtina at iba pa. Pwede ko naman bilhin yun kung pag iiponan at kung magpupursige ako. Pero dahil sa ginagamit ko ang utak ko - at pasensya …PASS na lang muna kami sa mga ganyan na bagay - sa ngayon.

Gusto ko maging organ donor someday. Iniisip ko pag natigok ako, ido-donate ko ang heart ko…kaso malamang tatanggihan ang puso ko. Bwahaha! Bakit? Eh kasi kung bubuksan ang dibbib ko, malamang pangit na ang itsura ng puso ko. Malamang puro keloids, puro gasgas, puro peklat na rin sa daming sugat na natamo neto noon at ngayon. Sa sobrang daming pinagdaanan na sakit, minsan parang namamanhid at hindi na sya masyado nakakaramdam ng love. (huwaw!) Kaya eto, kelangan utak na lang ulit ang paganahin dahil walang wenta na ang puso. Pucha! Laspag na talaga ang utak ko.

Ngayon, at bargain price, kung ibebenta ko ang utak kong bukod sa may sayad bahid na pagka-berde (nilulumot?) ay “very slightly-used” pa daw, bibili ka ba? Paano kung madiskubre mong gasgas na pala utak ko at gamit na gamit na. Ibabalik mo ba?

 

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner

5 Responses

  1. iyaNo Gravatar Says:

    anong wala kang pagpapagandahan sa bahay? akala mo lang yun…. meron! kung active ang third eye mo, makikita mo sila…

    awOOooOOoo!!! hehehe.

    you have a beautiful mind, ate maru. pag nai-auction yan, magpapatayan ang mga tao na makuha. :p

    iya’s last blog post..4 Minutes

    [Reply]

  2. pbNo Gravatar Says:

    ang tibay mo inay! saludo. weee… ayaw mo po janaps tabahows? kaya nyo po iyan… nakow. majiwap talaga ang buhay pero para sa iyo eh simple lang yan, nakakasurvive eh. kaya yan. weee…
    kakaaliw. kakabilib. napupuno din po ang pagkimkim ng emosyon. delikado po iyan pag napuno na. hehe. ingat po lagi.

    pb’s last blog post..~EROPLANONG PAPEL~

    [Reply]

  3. gingmagandaNo Gravatar Says:

    pzzzt, maru, bazahin o itu:

    http://gingmaganda.blogspot.com/2008/04/maligayang-bati-sa-isang-blogmate.html

    ehehehe!

    gingmaganda’s last blog post..summer na talaga, yayain niyo ako magswimming

    [Reply]

  4. jeiNo Gravatar Says:

    ay bongga, kukunin ko pa rin yang puso at utak mo kung i-donate mo sa akin. puso, para maging matatag rin ako at utak para madali lang makahanap ng paraan para mai-ahon ko rin ang aking pamilya. paano mo ba nagagawa yan maru? pa-share nga at ng masubukan ko rin? kung pwede nga lang mag-benta ng kaluluwa, ginawa ko na! pero alam mo, matinik ka na writer at photographer. feeling ko, yayaman ka jan sa talent mong yan. subukan mo!

    jei’s last blog post..dysfunctional me

    [Reply]

  5. mineNo Gravatar Says:

    huwaw! feeling ko tatalunin mo ang linya ni kristeta sa commercial nung sa heartvit chuva nya! :D
    at mamaru, di pang lugaw ang utak mo, ihehelera yan sa tabi ng utak ni einstein!

    *** at 4 me, hamak na mas ok na maging isang ulirang ina kaysa maging isa lamang ulirang asawa!
    mabuhay ka mamaru!

    [Reply]

Leave a Comment

Please note: Comment moderation is enabled and may delay your comment. There is no need to resubmit your comment.