Diskarte Queen

Josko pong pineapple! Hindi naman siguro sikreto sa lahat ng tao na laganap na naman ang pagmamahalan dito sa Pinas. Kahit saan may nagmamahalan.

Nagmamahalan na naman ang presyo ng mga basic commodities. Okinams! Unano na lang at ako ang hindi tumataas. Lols.

Kaya kelangan pag-igihan ko pa talaga ang pagiging Diskarte Queen. Kung anu-ano na ang mga iniisip kong extenders sa mga ulam namin. Yung kahit papano eh kahit tipid na tipid na ay masigla pa rin tingnan ang kinakain namin.

Eto si-share ko sa mga kapwa ko nanay. Hindi naman talaga bago ang ganito pero isi-share ko pa rin. Mga halimbawang tip lang ‘to pero ganito talaga ang ginagawa ko.

Para naman hindi nakakasawa na tuwing umaga ay palaging plain scrambled egg lang ang niluluto mo… ibahin mo naman ng konti. Sahugan mo ng sliced chicken hotdog o sausages para dumami tapos singitan mo na rin konting green peas para naman may contrast sa kulay. Nang sa ganun ay maging kaaya-aya rin kainin. Lagi akong may green peas sa freezer ko. Tig 25 pesos lang naman ang 1/4 kilo nun.

image014.jpg

scrambled egg with sliced sausages and green peas

Minsan yung corned beef ay nilalagyan ko rin ng green peas para naman hindi “boring”din tingnan ang corned beef kahit ginisa lang sya. Para lang ba maiba tingnan.

Sa tanghalian naman o kaya hapunan. Eh minsan mas mura pa ang kilo ng manok kesa isda. Para naman umabot ng ilang luto o putahe ang karneng manok… nilalagyan ko ng maraming gulay palagi ng sa ganun ay dumami sya tingnan. Malaki an natitipid ko sa ganito at napipilitan pa mga bagets ko kumain ng gulay. No choice sila eh. Hehe! Kesa naman sa prito-prito na lang palagi.

Sensya na sa mga pics…selpon cam lang ang gamit ko.

image029.jpg

sauteed chicken with vegetables

Sa panahon ngayon, pag-igihan at pag isipan na lang talaga ang pagba-budget sa pagkain at makakaraos din na busog at masaya. Ako talaga, wala na akong nalalabing tiwala o pag asa na matutulungan pa ako ng gobyerno natin na mas guminhawa pa sa buhay. Kelangan magkanya-kanyang diskarte na lang talaga at maging wais.

Pag nagkapera ako, bibili talaga ako ng magandang dinnerware set kasi para kahit hindi bongga ang ulam namin eh bonggacious naman ang plato namin. Wahaha! O di ba, kahit papano gaganahan pa rin kami umupo at kumain sa dining table namin kahit tuyo lang ulam namin. Balak ko nga mag lagay pa ako ng table napkins eh. Pero wag na kayo maniwala kasi exajs na yun.

 

 

4 thoughts on “Diskarte Queen

  1. tsalap! nice idea madamme! 😀
    add my recipe to your list!heheh

    omelet ala geisha

    isang cabbage tadtadrin mo ala coleslaw (wag masyadong maliit)
    isang paketeng magic sarap (according to taste)
    5 pcs eggs
    bell pepper
    onions

    beat the eggs and season with magic sarap
    mixed egg and half of the cabbage
    saute onion and the remaining cabbage
    add oil (olive oil para shalan,,heheh)
    pour egg and cabbage mizture under low fire
    add bell pepper on top
    pag luto na ang egg baligtarin mo na parang pizza…
    served with basil leaves (sangig na lang ot tanglad kung wala heheh)

    😀

    [Reply]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.