Eto na yung pangalawang hirit ko sa grupong kinahuhumalingan ko ngayon, ang Litratong Pinoy. Ang tema ngayong linggo ay : “Tatlo Ang Sulok Ko”.
“Tres Kantos”
Kung may bote ng alak na kung tawagin ng mga manginginom ay lapad, bilog, at kwatro kantos, nakarinig na ba kayo ng tres kantos? Ang Glenfiddich Scotch Whisky ay may tatlong kanto ang hugis ng bote.
Pinahiga ko yung bote sa ibabaw ng isang notebook sa may tapat ng bintana at kinunan ng litrato kaya masyadong maliwanag ang epekto…pero ok na rin para kunyari nakalutang lang ang bote. Hehe! Isang miniature na bote ng alak lang sya, yung pang isa o dalawang tunggaan lang. Kinunan ko na lang ng malapitan para malaki tingnan.
Siempre pag may alak, dapat may pulutan para kumpleto. Eto. . .
“Doritos”
Tamang-tama, tatsulok din ang hugis. Kaya pasok na pasok sa tema. Hindi ko sya paboritong sitsirya pero hindi ko rin naman tatanggihan kung may mag-aalok sa akin para kainin.
Hays, ano kaya ulit ang theme para sa susunod na linggo?





ayos. kulang na lang e nice music
at syempre, magandang reprieve from a stressful work week!
Dyes’s last blog post..LP # 2 – Tatlo Ang Sulok Ko
[Reply]
Oo nga, para syang nakalutang, galing ha!! at doritos na naman, nagugutom tuloy ako sa entries nyo ha ha ha!!!
hanggang sa susunod ng Huwebes!
Thesserie’s last blog post..” cones ”
[Reply]
Maru! Pareho tau ng naisip na litrato!
Ang ganda ng kuha mo! Alam mo nun bata ako lagi hirap kong basahin ang “GLENFIDDICH SCOTCH WHISKEY” na yan hehe.. lagi ko kasi nakikita yan na nakadisplay dun sa bar ng Tito ko. Gandang ganda ako sa bote nyan pero di ko pa natikman.
Mahilig ako sa mga hard drinks kasi sa beer agad ako nalalasing haha! Hanggang sa susunod na Huwebes!
[Reply]
cool na cool naman yung inumin na yan. lolz happy weekend po!
iRonnie’s last blog post..221. Rest In Pyramid
[Reply]
hi! dahil po sa litrato mo kaya ako naengganyong sumali sa LP, kaya eto, ako’y nagbalik upang magpasalamat sa link
cathy’s last blog post..Loving cheesecake
[Reply]
katuwa ang boteng berde
kaje’s last blog post..LO Share – On Letting Go
[Reply]
pareho tayo ng inilahok, doritos din ang sa akin.
pero hindi nakakasawa makakita, lalo na’t makakain, ng doritos ano? hehe.
MyMemes: Tatsulok
MyFinds: Tatsulok
Meeya’s last blog post..WW07: Spring Break
[Reply]