LP#2: Tatlo Ang Sulok Ko

Eto na yung pangalawang hirit ko sa grupong kinahuhumalingan ko ngayon, ang Litratong Pinoy. Ang tema ngayong linggo ay : “Tatlo Ang Sulok Ko”.

img_1135.JPG

“Tres Kantos”

Kung may bote ng alak na kung tawagin ng mga manginginom ay lapad, bilog, at kwatro kantos, nakarinig na ba kayo ng tres kantos? Ang Glenfiddich Scotch Whisky ay may tatlong kanto ang hugis ng bote.

Pinahiga ko yung bote sa ibabaw ng isang notebook sa may tapat ng bintana at kinunan ng litrato kaya masyadong maliwanag ang epekto…pero ok na rin para kunyari nakalutang lang ang bote. Hehe! Isang miniature na bote ng alak lang sya, yung pang isa o dalawang tunggaan lang. Kinunan ko na lang ng malapitan para malaki tingnan.

Siempre pag may alak, dapat may pulutan para kumpleto. Eto. . .

img_1103.JPG

“Doritos”

Tamang-tama, tatsulok din ang hugis. Kaya pasok na pasok sa tema. Hindi ko sya paboritong sitsirya pero hindi ko rin naman tatanggihan kung may mag-aalok sa akin para kainin.

Hays, ano kaya ulit ang theme para sa susunod na linggo?

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner

7 Responses

  1. DyesNo Gravatar Says:

    ayos. kulang na lang e nice music :) at syempre, magandang reprieve from a stressful work week!

    Dyes’s last blog post..LP # 2 - Tatlo Ang Sulok Ko

    [Reply]

  2. ThesserieNo Gravatar Says:

    Oo nga, para syang nakalutang, galing ha!! at doritos na naman, nagugutom tuloy ako sa entries nyo ha ha ha!!!

    hanggang sa susunod ng Huwebes!

    Thesserie’s last blog post..” cones ”

    [Reply]

  3. GreyNo Gravatar Says:

    Maru! Pareho tau ng naisip na litrato! :D Ang ganda ng kuha mo! Alam mo nun bata ako lagi hirap kong basahin ang “GLENFIDDICH SCOTCH WHISKEY” na yan hehe.. lagi ko kasi nakikita yan na nakadisplay dun sa bar ng Tito ko. Gandang ganda ako sa bote nyan pero di ko pa natikman. :) Mahilig ako sa mga hard drinks kasi sa beer agad ako nalalasing haha! Hanggang sa susunod na Huwebes! :)

    [Reply]

  4. iRonnieNo Gravatar Says:

    cool na cool naman yung inumin na yan. lolz happy weekend po!

    iRonnie’s last blog post..221. Rest In Pyramid

    [Reply]

  5. cathyNo Gravatar Says:

    hi! dahil po sa litrato mo kaya ako naengganyong sumali sa LP, kaya eto, ako’y nagbalik upang magpasalamat sa link ;)
    cathy’s last blog post..Loving cheesecake

    [Reply]

  6. kajeNo Gravatar Says:

    katuwa ang boteng berde :)
    kaje’s last blog post..LO Share - On Letting Go

    [Reply]

  7. MeeyaNo Gravatar Says:

    pareho tayo ng inilahok, doritos din ang sa akin. :) pero hindi nakakasawa makakita, lalo na’t makakain, ng doritos ano? hehe.

    MyMemes: Tatsulok
    MyFinds: Tatsulok

    Meeya’s last blog post..WW07: Spring Break

    [Reply]

Leave a Comment

Please note: Comment moderation is enabled and may delay your comment. There is no need to resubmit your comment.