Kaloka! Hanggang ngayon mahilo-hilo pa rin ako sa 3 gabing pagpupuyat sa kahahanap ng photo gallery plugin na gusto ko para sa mga pics ko. Sandamakmak ang available na plugins sa Wordpress.org kaso maarte ako eh kaya ginalugad ko pa ang Google.
Nagpalit (na naman?!) pa ako ng template kaya halos hindi ko na maalala ang kumain, maligo at matulog sa sobrang gigil na tapusin na ang mga naumpisahang pagpapalit.
Asar ang bagets kong lalaki sa akin kasi hindi sya makasingit computer. Ako naman ay naaasar din sa kanya kasi ayaw ko yung may nag aabang sa likod ko at panay tanong kung anong oras ako matatapos sa paggamit ng pc.
Nasusungitan ko tuloy anak ko. Kaya kelangan makapag-ipon na talaga ako ng datung na pambili ng laptop para hindi na kami nag aagawan dito sa nag-iisang makinang ‘to. Kelangan makabili na ako ng laptop kahit yung plastic lang muna. Toinks!
Aber! Masubukan nga muna ‘tong bagong installed kong photo plugin. Wala pa naman akong balak na gawing photoblog ang blogtsina ko na ‘to - sa ngayon.
-
Absolut Vodka
-
Jelly Ace
Ganda ba? Lols!
Mood: sleepy
Tags: my hobbies/interest

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 




April 14th, 2008 at 12:39 pm
hayss ang gaganda! so makulay ang buhay!
la na ko tlga ma say mamaru!
[Reply]
April 14th, 2008 at 2:54 pm
when are you going to change again? heehhe. oy, ok na toh. Ganda!
Laarni’s last blog post..Only Flat Chested Can Go Bra-Less?
[Reply]
April 14th, 2008 at 3:02 pm
maru, update ka na ng 2.5, may photo gallery na dun automatic
Kotsengkuba’s last blog post..Fight Astroboy! Fight!
[Reply]
April 14th, 2008 at 3:17 pm
ganyan kakulay ang buhay ni mamaru.
[Reply]
April 14th, 2008 at 3:18 pm
laarniiiii! mis ko na site mo, sweetie. pasyal ako mamaya kasi like ko mga entries mo talaga. di nga lang ako pumipiyok pero dumadalaw ako sa blog mo lagi.
MARU’s last blog post..Bagong Kaartehan
[Reply]
April 14th, 2008 at 3:21 pm
parekoy, gustong-gusto ko na mag update ng 2.5 kaso wala akong cpanel. kinokontak ko pa si jeangrey kasi sya ang nakakaalam at taga-update ko dati. kelangan pag aralan ko na talaga ang kalikutin ang cpanel. yung ftp lang meron ako. waaaa.
MARU’s last blog post..Bagong Kaartehan
[Reply]
April 14th, 2008 at 3:46 pm
mami bakit ganun pahaba yung pic pagclinick tas wala sa ayos?? o sa PC ko lang kaya ganun???
popoy’s last blog post..ATE COLIN
[Reply]
April 14th, 2008 at 3:57 pm
gusto ko ‘tong layout mo ngayon mas organisado, medyo kulang lang sa landi kaya parang hindi ikaw. lols
[Reply]
April 14th, 2008 at 4:07 pm
kelangan mo ng flash player ek-ek yata. ewan ko. basta dito sa akin gumagana. tsaka baka naman naka- IE ka. sus palitan mo na kasi ang browser ko. Kill IE browser!
[Reply]
April 14th, 2008 at 4:11 pm
idol jon, maraming salamat. hehehe! kulang sa landi nga eh…kaya di ko rin alam kung makakatagal ako sa template na to. tama ka…parang hindi ako. hahaha!
[Reply]
April 14th, 2008 at 4:34 pm
mamaru, tag na kita…
http://jayveeonline.org/?p=86
jei’s last blog post..link building chain
[Reply]
April 14th, 2008 at 11:04 pm
gusto ko wallpaper mo… parang tipong 60s ang dating
retro ba… hehehe… gusto mo ng laptop? may nakita ako malaking billboard kanina, may offer ang globe libreng laptop dun sa 1000++ plan nila… hehehe…
mishu sexy mama!
antuken’s last blog post..what are you grateful for?
[Reply]