Buntot Mo, Hila Mo

Usap-usapan ngayon sa mundo namin sa showbisniz (lols!) ang maaga at madaliang pagpapakasal sa May 28 ng 18-year old Inah Revilla, daughter ni Senator Bong Revilla at Lani Mercado.

Howel, eh kasi buntis nga daw. Hehe! Chismax galore to-its! Medyo nakakagulat kasi the last time i saw Inah Revilla sa tv ay yung footage ng debut nya. Tapos biglang bubulaga na lang ulit na magpapakasal na – at buntis. Panis na ang mga ganitong klaseng balita. Pero napapailing pa rin ako ng ulo kasi dumadami na talaga ang kaso ng teen pregnancy.

Siempre, usap-usapan ‘to ngayon kasi mantakin mo nga naman…kung nagkataon din naging babae si Jolo Revilla noon, malamang at the age of 15 or 16 baka nabuntis din yun. Kaso lalaki sya kaya nambuntis na lang siya ng kapwa-bagets na anak ni Rosanna Roces.

Wala ako sa posisyon o kalayaan para manghusga. Hindi ako nakaramdam ng simpatiya dun sa nabuntis o sa ikakasal na si Inah. Mas naka-relate ako dun sa siguradong naramdaman ng mga magulang na Revilla. Sa kanila kasi ang hampas ng lahat.

Magulang din ako. May anak akong babae na dose anyos at God forbid, wag naman sana mangyari ang ganung kaso sa anak ko. Ako na lang! Ok lang sa akin kahit ako na lang ang mabuntis ulit. (bwahahaha).

Hindi nga, seryoso. Bilang magulang, sigurado kong durog ang puso ng mag-asawang Revilla pero humahanga ako kasi nagpakatatag din sila na hinarap ang publiko sa pag-amin na kesyo ganun nga, blah, blah, blah.

Ngayon ko lang din naiintindihan kung ano ang naramdaman ng magulang ko nung nalaman din nila na jontis ako out of wedlock. Pero iba rin naman ang kaso ko noon kasi nasa tamang edad na ako. May trabaho din ako at pinanindigan ko kahit mag isa ang sitwasyon ko. Hindi ako tinakbuhan ng nakabuntis sa akin kasi hindi rin naman ako naghabol. Pero hindi tungkol sa pagiging unwed mom ko ang topic dito.

Iba na talaga ang panahon ngayon. Gaya ng sabi ko…hindi ko pwedeng husgahan kung anong klaseng pagpapalaki ng anak ang mga Revilla kasi ang totoo…walang masasabing ultimate guide para sa TAMANG pagpapalaki ng anak. Kahit nga sa bookstore, wala akong makitang libro na “How To Raise A Perfect Child”, yung mga chuvang ganun. Hindi sapat ang kayamanan o pera para makasiguro na magiging matino ang paglaki ng anak. Hindi assurance na pag sa abroad nag-aral anak mo o kaya nagtapos sa magagandang school ay matitino na sila. Minsan nga kahit sa sobrang pagmamahal at pag aaruga ng magulang sa anak ay napapariwara pa rin ang anak.

Mahirap i-explain ang sakit at frustration na pwedeng maramdaman ng isang parent pag nagkakaroon ng maling desisyon or choices ang isang anak.

Ako mismo, hindi ko masasabing tama ang pagpapalaki ko sa mga anak ko. Masyadong maaga pa para magyabang o magpasikat para sabihin na isa akong mabuting ina o magulang. Maki-claim ko lang siguro ang ganung title o karangalan pag nagkaroon na ng maayos at matitinong buhay sina Kevin at Keziah… pag may sariling pamilya na sila at pag nakita ko na ang mga apo ko.

Tsaka ko pa lang masasabi na tama ang pagpapalaki ko sa kanila – pag naging maayos ang mga choices o desisyon nila sa buhay. Afterall, life is a matter of choices. Life is what you maketh, ‘ika nga.

 

13 thoughts on “Buntot Mo, Hila Mo

  1. nabalitaan ko nga rin yun eh imbitado pa ko sa kasal. joke! pero uu nga dumarami na buntis ngyon..pabata pa ng pabata kawawa naman..di na mae-enjoy ang pagkadalaga. kasi hindi kumuha ng boylet na marunong magpaputok sa labas eh!

  2. mami tama ka dun. nsa tao talaga yan. tayo ang gumagawa ng buhay natin. tayo ang pumipili ng daang tatahakin natin.

    ika nga ni JOEY DE LEON “Dapat lahat ng babae* sa showbiz turuan magLOCK ng mga HITA”

    *hindi lang sa showbiz, lahat ng babaeng wala pasa edad at hindi pa alam ang responsibilidad nila if ever man mabuntis sila.

    medyo bastos pero may point sya. 😉

    popoy’s last blog post..random thoughts on a rainy tuesday…

  3. ang mahirap kse dyan, pano papangaralan ng tatay yung anak na mag ingat at wag magpabuntis kung kabi kabila ang binuntis ng lolo at tatay nya, at pati yung kuya nya binatang ama din. pwedeng sabihin na walang kinalaman yun dahil sya naman ang may hawak ng buhay nya pero pano nya makikita ang tama sa mali kung ang lolo nya mismo e proud pa na ipangalandakan na isandaan ang anak sa iba’t ibang babae.

    isandaan = coolness

    Jon Cabron’s last blog post..bitter ocampo

  4. agree ako sa lahat ng sinabi mo ate maru! now that i am a parent, i am feeling all the anxiety my parents must have felt while we three girls are growing up. and i can’t even begin to imagine their sadness when i told them that i was pregnant. bisan pa tingali gpakaslan ko, lahi ra bya na unexpected. hehe. naay surprise factor. :p

    kaith’s last blog post..What Happened to Cheap and Fast Food?

  5. mas maiintindihan talaga ang feeling ng isang magulang pag naging magulang na din…

    ang hirap tlgang kontrolin ng kabataan ngayon, kung ako nga di nag pa kontrol eh ang tagal na non! LOls 😆 hehe

    sad nga lang kc sa magulang ang karaniwang sisi pero tulad nga ng sabi mo, buntot mo hila mo

  6. sabi ni kengkoy basahin ko raw yung newspaper ngayon kasi andun daw yung mga tips kung papano magpalaki ng disiplinadong anak – e sabi ko naman kay kengkoy sigurado ba syang yung mga taong nagbibigay ng tips na yon e matino ang mga anak? yun lang, hehehe.

    kengkay’s last blog post..Ma-appeal ang tabo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.