Naiinis Ako

  • screenshot_62Kasi may book launching pala si idol Batjay ng bagong libro nya na Mga Kwento ng Batang Kaning Lamig, hindi ko man lang natiyempuhan ang pag uwi nya galing Amerika. Syet talaga! Kahit nakisuyo man lang sana ako sa pagpabili at pagpapirma ay ayus na ako sa ganun. Ang hirap talaga pag nakatira ka sa Somalia.
  • Kasi napaka-sensitibo ko. Makulit nga ako, napaka-sensi naman. Dali pa tumulo ng luha. Matagal ako mapikon pero may mga tao talaga na gifted sa talent – sa pang-aasar.

  • Eto hindi ako dapat nainis sa isang text na natanggap ko kagabi galing sa isang dating kaibigan. Aktwali magkahalo naramdaman ko, medyo nainis na natawa. Feeling ko ti-artis ako eh kasi ba naman intriga ang dating sa akin. Pang showbiz! I-text ba naman ako na kesyo na kaya pala daw ini-ignore ko na si dating kaibigan (yung nag text) dahil kesyo daw may kinatagpo na akong ibang lalaki nung nasa Manila ako, na kesyo daw nagpasundo pa ako sa airport dun sa guy, na kesyo kung anu-ano pa, na kesyo daw galing pa sa “reliable source” yung nalalaman nya. Hello! Jelling?

    Puke ng ina! Kung kelan El Nino ako sa lalaki sa mahabang panahon…kung kelan binuburo ko na ang sarili ko sa bahay pag nasa Manila ako tsaka naman ako nagkaroon ng ganung tsismis. Bakit nung kasagsagan ng panahon na may buffet of men ako sa kabi-kabilang date ko eh walang ganung tsismis na lumabas? Josko! Anong sinabi ni Kristine Hermosa sa ganitong tsismis sa akin. Ayoko naaaa! Ayoko na bumalik sa pag aartista! Nyahaha!

    Pero ganun pala yun, pag alam mo na ang kwento ay walang katotohanan kahit medyo nakakairita ay hindi mo makuhang magalit ng todo dun sa tao. Eksyus mi, ayoko mangunsumi at maging kutis-bayag ang fez ko noh.

7 thoughts on “Naiinis Ako

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.