Rss Feed
Tweeter button
Facebook button
Technorati button
Digg button
Stumbleupon button

Lamyerda

April 21st, 2008

Ang iniiiiiit! Pucha! Pati kasingit-singitan ko pinagpapawisan sa sobrang humid. Lols! Sa sobrang init ng panahon, nagyaya ang iba kong mga kapatid na mag swimming sa isang resort noong weekend. Ayoko sana sumama kasi bukod sa hindi ako mahilig sa swimming…umiiwas talaga ako sa sikat ng araw. Hindi na kasi nakakatuwa ang init ng araw ngayon. Kaso baka masabihan akong KJ kaya join na rin ako. Tsaka NIGHT swimming daw kaya ayos lang. Umarkila kami ng isang cottage for an overnite stay.

Pagdating namin sa resort at pagbaba pa lang ng mga anak at mga pamangkin sa sasakyan, pucha! Walang lingon-lingon. Walang bihis-bihis o hubad-hubad! Takbukan na sa dagat ang mga kolokoy.

 

Mga pasado alas kwatro na kami nakarating resort at tiyempo pababa na ang araw. Weeeee! SUNSET! Kaya mas ninamnam ko muna ang view ng pagbaba ng araw kesa maligo (na hindi naman talaga ako naligo).

 

Lungkot-lungkotan si Mamaru habang nanonood at siempre hindi ko pinalagpas ang kumuha ng kodak gamit ang wan en onli high end gadget ko – my selpon. ( Balang araw magkakaroon din ako ng maganda-gandang camera – pag nanalo ako sa huweteng. Bleh!)

Kasehodang hindi ok ang clarity at hindi mataas ang color resolution ng mga kuha ko, keber! Kung paano ko kinunan ang sarili ko habang nanonood ng sunset na gamit lang ay selpon? … Ay, di ko sasabihin – sekreet! (kunyari interesado kayo malaman).

Masaya ang naging kabuuan ng lamyerda namin nung weekend. Umaatikabong kainan at kwentuhan. Pa-morningan ang isa kong ate at iba kong pamangkin sa paglalaro ng baraha. Alas-5 na yata ng umaga sila natapos.

Lahat kami puyat. As in pati mga bata puyat pero ok lang kasi masaya naman kaya sulit talaga.

 

Eto pa isang magandang tanawin dun — cleavage ko. Bwahaha! Siempre kahit puyat ako, hindi naman mukhang puyat ang cleavage ko. Bah! Tunay yan ha! Loko! walang silicon yan. Lols!

To receive this blogs articles for FREE on your email inbox, just enter your email address below and click 'Go': Delivered by FeedBurner
  • Share/Bookmark

12 Responses to “Lamyerda”

  1. Natawa naman ako sa puyat na cleavage! Nyahaha! = P

    The Gasoline Dude’s last blog post..Freedom

    Reply

  2. mineNo Gravatar says:

    yan ang byu! da best! :D

    mamaru, sex n d city b yung baon mo na buk? :D

    Reply

  3. annieNo Gravatar says:

    girl..gising na gising ng cleavage mo..hehehe
    i have a tag message for you
    http://annie-thejourney.com/?p=438

    cheers!

    annie’s last blog post..Pregnancy Update: 18 Weeks

    Reply

  4. jeiNo Gravatar says:

    ang tagal ko na yatang di nakakaligo sa beach ah. kung mainit jan, dito naman sa davao, ulan pag hapon! climate change na nga yata eto, uso ngayon ang global warming eh. ang cute naman ng cleavage ng gagah! walang kakupas kupas ha! gayahin ko nga after ako manganak!

    miss you mamaru!!!

    jei’s last blog post..the apple of my eyes

    Reply

  5. raulNo Gravatar says:

    hay talagang maiinit.. ako nga damang dama ko ang kati ng Matabungkay hanggang ngyon hehehe.. anyweiz gandara parks ang mga fiture ha…

    raul’s last blog post..Mentos ..dalawa na

    Reply

  6. MARUNo Gravatar says:

    o di ba? buhay na buhay ang cleavage ko. hehehe! joke lang. nadala lang yan sa push up bra kaya nagkorteng pwet ng bata.

    Reply

  7. MARUNo Gravatar says:

    langya! ang talas ng mata mo para kang si wonder woman at napansin mo pa yan.
    oo korek ka, Sex In The City nga yan kaso hindi book…dvd sya at balak ko sana manood ng dvd nung nasa beach kami kung makakatiempo. kaso hindi eh…tinulugan ko.

    Reply

  8. mineNo Gravatar says:

    sobrang titig q sa cleav.. este sa mukha mo eh napansin ko :D

    *empre loves q yang sex n d city kaya wag ka uwi pag luwas mo at papanoorin pa natin yansa cine!

    Reply

  9. MaruNo Gravatar says:

    tita, panoorin din natin yung movie ni aga at ni anne curtis. wahahaha!

    Reply

  10. MaruNo Gravatar says:

    hi annie dear! thank you for dropping by at tsaka sa tag. sige gawin ko yan agad. :D

    Reply

  11. MaruNo Gravatar says:

    maganda kuhanan ng kodak ang dyoga mo ngayon, jei pie! kasi sigurado akong malulusog yan ngayon. haha!

    Reply

  12. MaruNo Gravatar says:

    uy shopatid….maraming salamat sa pagbisita mo sa blog ko.

    Reply

RSS feed for comments on this post. And trackBack URL.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled