Flirt Ka Ba?

“If you’re a gifted flirt, talking about the price of eggs will do as well as any other subject.” – Mignon McLaughlin

Naniniwala akong halos lahat ng babae ay flirt, kahit na yung mga shy type. Sus, wag na i-deny!

Kumbaga nasa buto na yan ng mga babae ang pagiging natural sa landian. Yun nga lang, merong iba na nahihirapan pang ilabas ang pagiging flirt nila at yung iba naman yung natututo pa lang.

Alam ko some women are very good flirts and they are seeking to improve their skills pa nga eh. (Isa na ako dun!) Ay oo! Isang skill na maituturing ang pakikipaglandian. Lols. Madalas nga lang iniisip natin na kawalan ng pagiging seryoso ang flirting. Para bang it is just an act of seduction, bolahan o palitan lang ng sweet nothings sa isat isa.

Pero huwag ka, sabi nga flirting is something the best wives do with their husbands; and it is something that most sensuous women do with their boyfriends or would-be boyfriends. Pag marunong makipaglandian ang isang babae — panalo! Pwede nyang gawing ten feet tall ang pakiramdam ng isang lalaki sa sarili nya. In return, pwede rin maging isang dyosa ang babae sa paningin ng isang lalaki.

Ano nga ba ang Flirting? Sabi ni Wikipedia:

Flirting is a form of human interaction between two people, usually expressing a sexual or romantic interest. It can consist of conversation, body language, or brief physical contact. It may be one-sided or reciprocated.”

Malaki ang maitutulong sa relasyon ang flirting may halo man ‘to ng ka-inosentehan or with not so innocent act. As long as amused o nagkakasundo kayong dalawa, may magic din na naidudulot ang landian na ‘to. It can lead to some very pleasant feelings na pwedeng makapag-spark ng isang relationship.

Sus, wala masama sa flirting. Basta ba walang nasasagasaan o naagrabyado. Hindi mo ba naiisip na maaaring baka ikaw mismo ay naipanganak dito sa mundo at bunga ng isang relasyon na nagsimula sa simpleng flirting noon ng mga magulang mo?

Ah basta! Para sa akin ay naniniwala din ako na importante yung marunong ka makipag-flirt at pwedeng baguhin neto ang buhay mo na mapabuti. Flirting is extremely powerful behavior. Kaya mga iho iha, — use it with caution din.

LinkShare  Referral  Prg

Tags:

Please leave a comment

  1. mine Says:

    im a FLIRT!!! :D masarap makipaglandian kaya! Lols :lol:
    jan makikita ang powers ng babae at ng lalaki na din, kung kaya mo paikutin ang mga gus2 mo paikutin.. pero op kors, di dpt basta flirt lang, dpt may class, control at may dating…

    naxx, parang tutut! Lols :lol:

    [Reply]

  2. Maru Says:

    “…dpt may class, control at may dating…” naks! amp! alam na alam a! malandicious ka!

    [Reply]

  3. marian Says:

    ay naku ms. amru alam mo bang eto ang forte ko ngayun??? wahahaha.. di pa ako expert pero medyo lumelevel up na.. hahaha.. tama.. i’ll take your advice to use it with caution…

    feelin gko kasi ang powerful ko pag nakikipaglandian… di ma resist ng mga lalake ang alindog nating mga gerls.. hahahaha

    marian’s last blog post..was once a meantime girl… shhhhh…. =(

    [Reply]

Leave a Comment

Related Posts from the Past: