I keep coming back to Manila

” Manila, Manila
I keep coming back to Manila
Simply no place like Manila…

Manila, Manila…
Miss you like hell, Manila
No place in the world like Manila.”

Weeeee… it’s lakwatsa time! Makikilanghap na naman ako sa usok mula sa tambutso ng mga sasakyan ng Metro Manila.

Kahit mahal ko ang buhay-probinsya dahil tahimik dito, sariwa ang hangin, hindi kumplikado ang pamumuhay eh paminsan-minsan masarap din ang makigulo ng sandali sa buhay-maynila. Nakaka-miss din ang trapik at ang ingay nya.

Hmmn…makikita ko na naman ang kalangitan na nababalot ng smog kaya malamang paglabas ko pa lang ng eropleyn…magmumukha na naman akong adik dahil tiyak mamumula na naman ang mga mata ko. Ewan ko ba, naiirita talaga ang mootiful eyes ko pag nasa kamaynilaan ako. Dala siguro yun sa sobrang init at hindi kalinisan na hangin.

Howel, di bale, tiyak ko naman na magiging masaya ang paglalakwatsa ko dis taym dahil makakasama ko ang mga shopatid ko sa bakasyon na ‘to. Bihira na lang kami kasi kaming nagkakatipon-tipon bukod sa may kanya-kanya na kaming mga pamilya – nasa malayong lugar ang iba kong shupatid.

Tsaka it’s summer noh! Walang pasok sa klase ang mga junakis ko kaya iwan muna sila dito probinsya at magliliwaliw muna ang mader nila. Abah! Kelangan ko rin ang rumampa paminsan-minsan noh!

” Manila (Manila, Manila)… I’m comin’ back to Manila.”

11 thoughts on “I keep coming back to Manila

  1. idol maruuuu!!!!! i miss reading you .. hope you still remember me 🙂

    by any chance… di ka pwede stopover Singapore on your way to Manila? (haha just in case lang yung question ko. I’ll put up a banner sa erport por you! )

    Take Care 🙂 Mmwah!

    didee’s last blog post..rePlaying my music

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *