Babaeng Hindi Nagpapantalon

Tatlong klase ng pananamit mo lang ako makikita.

  • 1. Naka-shorts (eng-eng! siempre may pang- itaas din)
  • 2. Naka-skirt (with matching blouse/shirt din)
  • 3. Naka-straight dress (na walang suot na funtee. juk!)

Dehins o bihira mo lang ako makikita na naka-pants. Mula nung naging nanay ako, mga dalawang beses na lang yata ako bumili ng pantalon. Iniiwasan ko talaga ang magsuot ng pantalon kasi i don’t look great in pants. Naks! Some women were NOT made to wear pants talaga. Pandakekok kasi ang lola nyo. Sa liit ko…nagmumukha akong elementary pupil ng Mababang Paaralan Diyan Sa Tavi-Tavi.

Kung yung ibang mga girlalu ay maraming maong na pantalon…ako naman ay maraming maong na palda. Ok na rin kahit hindi ako nakakapag suot ng mga low-waist pants na gustong gusto ko…iniisip ko na lang na malaki naman ang natitipid ko. Nasa 200-300 petot lang naman ang palda o shorts samantalang pinakamura na ang 500 petot na ladies pants na maganda. O di ba, laki ng difference. Mas madali pang labhan kumpara sa pantalon at higit sa lahat… ultra-feminine pa ang arrive ng babae pag naka suot ng skirt o dress. Howel, babae naman talaga ako higit sa lahat kaya dapat lang din na nakadamit pang-girl ako. Tsika!

Maraming babae ngayon ang hindi komportable sa pagsusuot ng palda o ng deretsong dress. Hindi lang naiisip ng ibang kabaro ko na ang skirts are a woman’s secret weapon. Oo naman, a pair of jeans can be just as gorgeous as a dress – on the right person. But wearing a skirt/dress sa opis to work o kahit sa mga gimik, it can make all the difference. Noong nag oopis pa ako at sumasakay ng mga bus, mas madalas akong nabibigyan ng upuan pag naka-dress o naka-skirt ako. Hehe! Hindi man kagandahan ang shape ng aking mga logs legs, kever! At least wala naman balahibong kulot ang mga legs ko.

Isa lang ang angal ko, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matutunan ang todong ipit ng hita sa pag-upo habang nakasuot ng skirt o dress. Paminsan-minsan ay nabobosohan pa rin ako ng funtee. Hmmmn…minsan iniisip ko na iwasan ko na lang kaya magsuot ng funtee para iwas-boso din sa akin?

Related Posts with Thumbnails

26 comments

  1. mnelNo Gravatar says:

    ako naman nahihirapan magsuot ng skirt and short dresses kasi hindi ako marunong umupo ng maayos. haha. gusto pa naman ni bf ng mga girls na nagddress. daym. =P

    [Reply]

  2. antukenNo Gravatar says:

    ako, pants girl talaga… kse hindi flawless ang legs ko (tulad ng legs mo)… pero if it’s the time of the month… gusto ko naka-dress or skirt… para aircool… hehehe…

    masarap nga mag-skirt… yun nga lang pag nabosohan ang hassle… tamang upo para di mabosohan — keep your knees together tapos feet apart… i know, masagwa… pero at least di ka nakikitaan ng panty… pero okei lang naman makitaan ng panty eh… gaganda nga ng panty mo… you in manila na?

    [Reply]

  3. linglingbellsNo Gravatar says:

    may classmate din ako na never ko pang nakitang naka-pants pag pumapasok sa skul, laging naka-shorts or naka-skirt.. ngayon na-realize ko na kung bakit (bukod sa maliit din siya).. :D

    tama ka dyan, wag ka ng magsuot ng panty para di na sila mahirapan sa kakaboso sayo! charing! hahaha!

    [Reply]

  4. N!ckphNo Gravatar says:

    una po madalas akong bystander sa blag mo.Pangalawa pantalon are being design for lalaki…pangatlo ang babae habang umeiksi ang suot lalong nagiging atractive & lastly you don’t need da pantalon specially kung tatakbo ka sa baywalk….happy mother day!!!!

    [Reply]

  5. jeiNo Gravatar says:

    ako? keber! kung anong availabale, yun ang sinusuot ko. pero type ko rin ang mag skirt kasi magaan ang pakiramdam. pag pants kasi, laging naiipit ang aking super laking puson, hehehehehe.

    [Reply]

  6. R.J.No Gravatar says:

    kapag nakamaong na low-waist naman eh yung panty naman sa kuyukot ang nakikita. ikaw na bahala kung anong side ng panty ang gusto mong ipakita. hehehe. =D

    parang mas maganda nga kung wala na talaga ‘funtee’, para wala nang makikita. juk

    [Reply]

  7. kengkayNo Gravatar says:

    ahahahah, def, pwedeng putulin yang regalo mo, hahaha… ako ganyan din kay maru… a few centimeters lang yata ang taas ko sa kanya e, pero hindi pwedeng di mag-pantalon dito lalo na kapag winter… nginig to the bones. mabuti na lang dito may mga sizes na for tall and for short :D

    kengkay’s last blog post..Tuwad Tuwad

    [Reply]

  8. MaruNo Gravatar says:

    atin-atin lang to ha? ang totoo ay hindi ko kaya ang bumili ng pantalon. mas mura ang mga shorts at palda kaya mga ganun na lang sinusuot ko. hehehe.

    uy maraming salamat sa pagdalaw.

    [Reply]

  9. MaruNo Gravatar says:

    wag na moo. dyahi na ako masyado sau. tuwing umaalis ka lang at sa dami na ng napuntahan mo e lagi mo na lang ako dinadalhan ng pasalubong. shy na ako ng todo sau. maraming salamat.

    [Reply]

Leave a Reply

CommentLuv badge