Samo’t Sari

  • Kung hindi lang siguro ako nanghihinayang sa mga paid opps ko…malamang matagal na ako tumigil sa pagbo-blog. Nakakatamad na kasi. Pero sayang eh, pera din kasi.

  • Ang bilis ng metabolism ko lately. Parang ayaw ko na lumamon kasi konting pakiramdam ko lang ng pagkabusog…parang gusto ko na agad umupo sa trono at mag pose ala-The Thinker.

  • Ang totoo nyan, panay lamon lang kasi ako lately. Dila ko parang nabudburan lagi ng vetsin … ganado ngumuya. Balak ko na talaga iwasan at itigil ang matagal ko ng bisyo – ang kumain. Kakaadik talaga kumain. Pero pag andito lang naman ako sa Metro Manila panay lamon…lalo na pag kasama ko si Brader ko o ibang mga kapatid.

  • Isinama ako ng mga sisterhoods ko at mga jumangkins noong sabado para mag badminton sa Libis. Pagkalipas ng mahaba-habang panahon, tsaka lang ulit ako nakapag-papawis ng todo-todo. As in todo na pati funtee at medyas ay basa ng pawis.

  • Hays…laylay dila ko sa pagod. Pero may cutie pie akong naaninag dun sa kabilang court kaya medyo ginanahan na rin ako sa pagpalo ng shatol kak. Kahit kinakapos na ako ng hangin…sige pa rin. Inisip ko na lang na pag nagkolaps ako..baka mag volunteer yung cutie pie na hombre na i-mouth to mouth resuscitate ako. Aruuu! Kilig!

  • Na suspend ang blog ko last friday. Nagka-problema tuloy ako sa mga advertisers ko. Sa sobrang badtrip ko… napilitan ako tumakbo (hindi sa Baywalk at lalong hindi nakahubad) ng madaling araw para mawala ang inis ko. Naka isang oras din ako sa jogging ko at brisk walking. Nakatulong din naman para kumalma ako. Sarap talaga pag pinagpapawisan. Gagawin ko tong regular… M-W-F. Pero malamang habang andito lang ako sa metro. Lols.

17 thoughts on “Samo’t Sari

  1. May 20 jan kami at pang abot pala tayo, sige bago ka uwi cdo bigay ko pasalubong ko sayo. ano nga palang pasalubong gusto mo? wag yung mahal ha…nangunguripot na naman ako.

    [Reply]

  2. nasa manila ka na pala ulit..hehe! kaya pala merong entry ako nabasa na conversation with bading sa parlor sa may ortigas..hehe! nakakawala talaga ng badtrip ang pagtakbo lalo na kung may kasabay na inspirasyon.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *