Why naman like that, Lord?

Gaya ng karamihang babae…mahilig din ako sa sapatos. ANG KASO: WALANG HILIG sa akin ang mga taga-gawa ng mga shoepatos. Eh kasi ba naman…kadalasan na ginagawa nilang pinakamaliit na size ng shoes ay size 5. Lech! Hindi ko alam kung ang tatanga nila o ang bobobo nila. Bakit hindi man lang nila iniisip na may mga anak din si Lord na gaya ko na maliliit ang sukat ng paa.

Hhmmn… hindi naman kaya ako ang abnormal?

Pag nasa mall ako o sa ladies shoe section ng department store…pag may natitipuhan akong style ng sapatos at pag sinabing smallest size na ang size 5…sumasama lang ang loob ko kahit sanay na akong makarinig ng ganung sagot ng mga tindera. Kunyari cool lang ako at hindi disappointed, pero sa loob-loob ko gusto ko silang pagmumurahin! Gusto kong sabihin sa kanila na…

“Mga bad kayooooo! Parang kayo lang ang anak ng Diyossss! Bakit hindi kayo magbenta ng mga sapatos para sa maliliit ang paa? Haa? haa? haa?! Syet kayooo! May pera akooo! Kaya ko rin bumili ng mamahaling sapatosssssss! Pero bakit hindi nyo ko gawan ng sukat kooooooo! Pakyooooo!”

Siempre, hindi ko kaya sabihin yan sa kanila. Pangiti-ngiti lang naman ako. Sa isip ko lang sila gusto pagmumurahin. Hehehe! Eh kasi naman si Lord, bakit hindi pa dinagdagan ng kahit half-inch ang sukat kong 4.5. Why naman like that? Hmp!

Pero ok na rin, at least hindi kapareho ni Donald Duck ang paa ko. Ang importante may paa ako at 10 ang daliri neto at hindi 11.

18 thoughts on “Why naman like that, Lord?

  1. makikicomment po…ini-add na pala kita matagal ng panahon sa blog ko…hehehe…nayun lang ako magkokoment…

    kasi naman pareho tayo ng sintemyento, sa akin naman ang mga sukat ng damit… kasi madalas mga pang sexy lang ang sixe ng damit na karamihang naka display sa mall…di ba nila alam na mas maraming medium body na pinay? at kapag dun ka naman sa mga pang matataba pupunta, sobrang laki naman di ba?

    la lang…hehehe

    Lyzius’s last blog post..Ang Tren, Bow!

    [Reply]

  2. hahaha. i have a friend na ganyan din ang size… kaya ang kinakabagsakan nya, sa kids section… buti na nga lang ngayon at marami na rin maganda styles ng footwear ang mga kids… ang masaklap naman sa mga taong tulad ko (6.5 ot 7 ang shoe size), laging ubos na kse very common ang sukat! grrr…

    pareho tayo na minsan sa teens pumupunta pag naghahanap ng damit. kalimitan nga pag mga tees, sa kids ako, tapos either large or xl… maniniwala ka bang meron akong jacket na for kids? at medium ang size… hahaha…

    antuken’s last blog post..FF#8 (feast 190)

    [Reply]

  3. okay lang yan miss maru..

    dun ka na lang sa may kids magsusukat ng sapatos sa sakaling mahirapan ka talagang maghanap.

    masasabi mong pinagpaguran mo ang paghaanap sa mga sapatos mo. wahahaha..

    nga pala, kung pede lang idonate yung sobrang sukat ng paa eh, bigay ko na sana sa iyo yung sobrang size nung paa ko.

    9.5 eh. haha. ^_^

    earthlotus’s last blog post..Sawi sa chuvachuchu..

    [Reply]

  4. mami kahapon ko pa to nabasa, ngayon lang ako nagpost ng comment

    ganyan talaga kapag duwende ang paa. hindi ka ba pinagamit ng sapatos na pang intsik para lumiit ang paa??

    sayang hindi ka chinese kasi kung chinese ka, aba, maganda yan para sa kanila

    naalala ko nung nagwowork pa ko sa store ng mga high end shoes, may naghanap ng size 4. hahaha. sasabihin ko sana dun nalang po kyo sa pang children maghanap heheh πŸ™‚

    PIZ!!!

    popoy’s last blog post..Under Construction…

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *