-
matutulog na lang ako kagabi nang maisip ko ang dalawa kong bagets. na-miss ko na sila. miss ko na kakulitan nila sa akin at ang mga biruan at kantiyawan namin sa isa’t-isa. last week eh nakaka-chat ko pa sila pero mula nung pinadala ko ang pera na pang-enrol nila, di na ako kinausap o naalala. bait ng mga mokong, am sure ti-text na lang nila ako o i-tsa-chat pag may kulang dun sa datung o kaya hihingi ng load. ang to-thoughtful!
-
di bale, ilang araw na lang at balik na ako sa kuta ko. kaka-miss din ang bahay ko. pag andito ako sa luzon, mababaw lang ang tulog ko kaya lagi akong nangangalumata. kaya miss ko na rin ang makatulog ng mahimbing…ang magpraktis kung panu ang magpatay-patayan.

-
kelan kaya ako dadalhin ulit ni brader ko dun sa dinadayo nila sa Pasig, kung saan P100 lang ang pagpa footspa (sulit na sulit) at P40 each lang ang manicure at pedicure? Ayus na ayos serbisyo nila dun sa Index. Ang ayaw ko lang dun ay ang CR nila – dumi.
-
pumunta kami ng pamangkin kong si Tweet sa thrift shop sa Ever Gotesco (para sosyal pakinggan–thrift shop aka ukay-ukay). pag mga model o mga artista ang nag o-ukay-ukay…thrift shop ang tawag nila, pag middle class … UK, pag jologs naman … ukay-ukay as in. ano nga ulit ang nabanggit ko kung saan kami nagpunta?
-
mas naglaway ako sa dami ng magagandang items (branded pa) dun sa thrift shop (thrift shop ha, thrift shop) sa Ever kesa sa mga brand new items ng department store sa Ortigas Center.
- sino sa inyo ang may installer ng Windows XP at MS-Office 2007? penge naman. buset na buset na ako dito sa OS kong Windows Vista. kakatamad tuloy mag browse o mag surf.





You are invited to join the $20 Worth of Reaction: J’Attendrai Le Suivant (I’ll Wait for the Next One)
http://coffeewitharsenic.com/2008/05/11/20-worth-of-reaction-jattendrai-le-suivant-ill-wait-for-the-next-one/
Arekz’s last blog post..{Sleepy}
[Reply]
korek ka dyan miss maru, mas ok nga yung maliliit na dvd players — mas madaling itago kapag sumusobra na ang kaadikan ng anak ko sa barbie movies. hehehe
Taroogs’s last blog post..Befores and Afters…
[Reply]
hay sarap mag pa foot spa.. at parang masarap nga mag THRIFT SHOP!!! lols
[Reply]